Baleleng

katutubong awit

Ang Baleleng ay isa sa tanyag na awitin ng katutubong Pilipino na Sama Dilaut at / o Tausug ang pinagmulan[1][2] na naipasa sa mga sumunod na henerasyon. Ang kompositor o manunulat ng awit ay hindi nabigyan ng kredito at hindi nakilala.[3] Ang tono nito ay naisalin-salin sa mga bibig at naipasa sa iba't ibang lalawigan at ang orihinal na titik ng awit ay nabago. Ang mga bersyon ng mga lokal na mang-aawit na Pilipino ay pinasikat ang awitin sa wikang Bisaya man o Tagalog.[4]


Leleng ang tunay na pamagat ng awit[5] na nangangahulugang aking mahal sa wikang Sama Dilaut.[6] Sa mga wikang Pilipino tulad ng Bisaya at Tagalog, ang enclitic na "ba" ay ginagamit bilang isang tanda ng tanong.[7] Halimbawa: (Tagalog) Aalis ka na ba ? Dahil ang awit ay naisalin mula sa iba pang wika, ang titik nito ay mali ang naging kahulugan at naging Baleleng.[1]


Ang kwento ng awit ay tungkol sa isang lalaki na nagpaalam sa isang babae na tinatawag na Leleng habang siya ay makikipagdigmaan. Tulad ng iba pang mga awitin ng Sama Dilaut, inaawit ito kasama ang saliw ng isang instrumentong bagting (string instrument) tulad ng gitgit at biula, gabbang at ang kunlintang.[8][9]

Sa tanyag na kultura

baguhin

Ang katutubong awit ay ginamit bilang isang pangwakas na tema sa isang drama sa telebisyon ng Pilipinas na si Sahaya na naisa-himpapawid sa pamamagitan ng GMA Network na pinagbidahan ni Bianca Umali bilang unang kagampanan , isang Badjao mula sa Zamboanga[10] na sa kabila ng kanyang mga pakikibaka sa buhay ay nanatiling tapat sa kanyang pagkakakilanlan.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 L. Gonzales, Forma (2012-03-23). "Leleng". largerthanagaze.blogspot.com. Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Philippines, Cultural Center of the (1994). CCP Encyclopedia of Philippine Art: Philippine music (sa wikang Ingles). Cultural Center of the Philippines. ISBN 9789718546406.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Story Behind the Baleleng Song". visayansongs.blogspot.com. Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Almario, V. (2015). "baléleng". CulturEd: Philippine Cultural Education Online (Sagisag Kultura). Nakuha noong 6 Agosto 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Miller, Terry E.; Williams, Sean (2017). The Garland Encyclopedia of World Music: Southeast Asia (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 9781351544207.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Reyes- Alivio, Elvinia; D. Naquira, Junefe; M. Lendio, Josephine. SELECTED ONGKAH-ONGKAH OF SAMA DILAUT IN THE PROVINCE OF TAWI-TAWI: THEIR FORMS AND STYLES OF EXPRESSION (PDF). College of Education, Mindanao State University-Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Mayo 2019. Nakuha noong 18 Mayo 2019. {{cite book}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lim, JooHyuk; Macalinga Borlongan, Ariane. "Tagalog Particles in Philippine English: The Case of Ba , Na , 'No , and Pa". Philippine Journal of Linguistics 42 (2011). Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Alivio, Elvinia Reyes; Naquira, Junefe D.; Lendio, Josephine M (2017). SELECTED ONGKAH-ONGKAH OF SAMA DILAUT IN THE PROVINCE OF TAWI-TAWI: THEIR FORMS AND STYLES OF EXPRESSION (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Mayo 2019. Nakuha noong 6 Agosto 2019. {{cite book}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kimpo-Tan, Eva (Hunyo 4, 2014). "On the wings of song". IAG (sa wikang Ingles). Institute for Autonomy and Governance. Nakuha noong 6 Agosto 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Sahaya". imdb.com.