Balisawsaw

Kondisyong pangmedikal

Ang balisawsaw (Ingles: urinary frequency, frequent urination, kung minsan ay dysuria) o ang madalas na pag-ihi ay ang maya't mayang pag-ihi na dulot ng pagbabago ng antas ng tubig at ng mga electrolyte ng katawan, na karaniwang dahil sa kakulangan o pagkawala ng tubig dahil sa pagpapawis o init. Nawawala ang balisawsaw sa loob ng 1 hanggang 3 mga araw kapag nalunasan. Maaari ring magkaroon ng balisawsaw dahil sa UTI na kinasasangkutan ng pagkirot sa lugar ng pantog at ang pagiging iba ng kulay ng ihi at iba pa.[1]

Bagaman maaaring magreseta ang isang manggagamot ng gamot na panlunas ng balisawsaw, maaaring malunasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig at pag-iwas sa pagkain ng mga pagkaing maaalat (katulad ng may patis o asin).[1]

Mga sanggunian

baguhin

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman, Kalusugan at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.