Balitang Bisdak

Ang Balitang Bisdak ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Regional TV Cebu sa Gitna at Silangang Visayas at napapanood sa Negros Oriental, Cebu, Bohol, Siquijor, at Leyte. Salin sa diyalektong Cebuano, una itong sumahihimpawid noong 4 Oktubre 1999. Ito'y kasalukuyang pinapangunahan nina Bobby Nalzaro, Cecille Quibod-Castro at Alan Domingo. Napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA News TV International.

Dati din itong nakilala bilang 24 Oras North Central Visayas noong 10 Nobyembre 2014 hanggang 29 Enero 2016 bago itong ibinalik sa orihinal nitong pangalan noong 1 Pebrero 2016.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.