Ang balot (o Trứng vịt lộn sa wikang Biyetnames) ay isang pagkain na nanggaling sa Asya, lalo na sa Pilipinas, Tsina at Vietnam. Isa itong itlog ng bibe na dumaan sa pertilisasyon kasama ang isang halos buo nang embryo sa loob na pinapakuluan at kinakain kapag nabalatan.[1]

Isang bahagi ng nabalatang itlog na balot, na handang kainin.
Hiniwang balot, na ipinapakita ang ulong bahagi ng bibe.

Kadalasang binebenta ang balot sa gabi at ang mataas na protina ang nagiging dahilan upang isabay sa serbesa. Kinakain ito kadalasan na may kasamang asin, suka, at/o sili para magkaroon ng lasa.

Sa Pilipinas, matatagpuan ang gawaanan ng balot sa Pateros.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.