Banggaan ng tren sa Halle
Ang artikulong ito ay isang kasalukuyang pangyayari. Maaring mabilis na mabago ang mga impormasyon sa pagpapatuloy ng pangyayari. |
Ang Banggaan ng tren sa Halle ay isang banggaan ng dalawang tren sa Buizingen, sa bayan ng Halle, Flemish Brabant, noong 15 Pebrero 2010.[1][2]
Banggaan ng tren sa Halle | |
---|---|
Mga detalye | |
Petsa | 15 Pebrero 2010 |
Oras | 08:28 CET (07:28 GMT) |
Lokasyon | Buizingen, Halle, Belhika |
Bansa | Belhika |
Linyang daangbakal | line 96/approach to Brussels-South |
Operador | NMBS/SNCB |
Uri ng insidente | banggaan |
Sanhi | iniimbestigahan |
Estadistika | |
Mga tren | 2 pampasaherong tren |
Mga pasahero | 250–300 mga pasahero |
Namatay | hindi bababa sa 18 (provisional) |
Nasugatan | 162, kung saan 11 "ang malubha" |
Pinsala | malaking pinsala sa mga linya sa line 96 |
Banggaan
baguhinAng mga tren na may lulang 250 hanggang 300 kato, ay nagkabanggaan sa malamig na kondisyon isang abalang umaga.[2][3][4] Nangyari ang banggaan may 14 na kilometro (9 milya) mula sa kabisera ng Belhika, sa linya ng Brussels–Mons (line 96).[5] Nakikitang nagbanggaan ang dalawang tren sa isang palikuan ng riles.[6]
Isa sa mga tren ay tumatakbo mula Quiévrain patungong Liège, samantalang ang isa ay mula Leuven patungong Braine-le-Comte.[3] Dahil sa banggaan ang unang dalawang lulanan ng tren ay tumilapon pataas sa unang lulanan ng ikalawang tren.[7]
Inilarawan ng mga nakakita bilang "brutal" ang nangyaring banggaan, kung saan may ilang pasahero ang walang habas na naitapon sa paligid ng mga lulanan. Naantala ang serbisyon ng tren sa kahabaan ng nasabing linya kung saan naganap ang banggaan.[2][4]
May isa pang tren na bumabaybay sa linyang kalapit ng pinangyarihan ng banggaan nang maganap ang aksidente, hindi naman ito direktang kasali subalit naihinto naman agad ng tsuper ang tren kaya hindi nasugatan ang mga pasahero.[1][8]
Mga biktima
baguhinNakakalito ang mga paunang ulat ng bilang ng mga namatay,[2] ayon s aPunong-bayan ng Halle na si Dirk Pieters, hindi bababa sa 20 pa namatay sa banggaan at ayon naman sa iba nasa 25 na ang nasawi.[9] Nagpalabas naman ng mas tamang bilang ang pamahalaan ng lalawigan ng Flemish Brabant noong hapon ng 15 Pebrero, kung saan inilalagay ang bilang sa 18 katao (15 lalaki at 3 babae), ayon na rin sa bilang ng mga bangkay na nakuha mula sa pagkawasak.[4][8] Idinagdag pa ng mga nagsasalba na maaaring mayroon pang makitang mga buhay sa loob ng pagkawasak,[10] ,at itinigil ang paghahanap sa mga bangkay nang dumating na ang gabi at muling bumalik kinaumagahan.[1][8]
Isang tagapagsalita ng tanggapan ng prosekyutor ang nagsabi na 20 ang malubhang nasugatan sa banggaan.[9] Ayon naman sa Gobernador ng Flemish Brabant na si Lode De Witte, 162 katao ang nasugtan: kung saan 55 katao ang dinala sa pagamutan at labing-isa ang malubhang nasugatan.[1][8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "25 doden na treinbotsing in Buizingen", De Standaard, 15 Pebrero 2010
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). (sa Olandes) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Belgian train crash: Eighteen people dead in Halle, BBC News, 15 Pebrero 2010
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ 3.0 3.1 Twenty Feared Dead In Rush Hour Train Smash, Sky News, 15 Pebrero 2010
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ 4.0 4.1 4.2 Head-on Brussels train smash kills 18, AFP, 15 Pebrero 2010, inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2010, nakuha noong 17 Pebrero 2010
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ 15-02-2010 Collision entre deux trains à Buizingen, Infrabel, 15 Pebrero 2010, nakuha noong 2010-02-15
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Laterale aanrijding volgens Infrabel en NMBS, 16 Pebrero 2010, nakuha noong 2010-02-16
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Twenty-five dead in train crash at Halle?", Flanders News, 15 Pebrero 2010
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 "Hal: 18 morts dans la catastrophe", Le Soir, 15 Pebrero 2010, inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-18, nakuha noong 2010-02-17
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). (sa Pranses) - ↑ 9.0 9.1 "La catastrophe de Buizingen, minute par minute", Le Soir, 15 Pebrero 2010, inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-09, nakuha noong 2010-02-17
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Pranses) - ↑ "18 doden en 162 gewonden na treinramp Buizingen", De Morgen, 15 Pebrero 2010
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). (sa Olandes)