Barangay 143
Ang Barangay 143 (Hapones: バランガイ 143 Hepburn: Barangai 143) ay isang seryeng anime na gawang Hapon, Pilipino, at Singapore na takdang ipalabas sa Oktubre, taong 2018. Ito ay bibigyang-buhay ng ASI Animation Studios (na nabuo sa pagtutulungan ng game developer na Synergy88 ng Pilipinas, August Media Holdings ng Singapore, at Sunrise ng Hapon) nang may pag-gabay ng TV Asahi , isang estasyon ng telebisyon sa Hapon. Ang serye ay iikot sa buhay ng mga mag-aaral na manlalaro ng basketbol sa lungsod ng Maynila.[1][2]
Barangay 143 Barangai 143 | |
バランガイ 143 | |
---|---|
Dyanra | Palakasan |
Teleseryeng anime | |
Estudyo | ASI Studios TV Asahi Sunrise |
Inere sa | GMA Network |
Takbo | Oktubre 2018 – Nakatakda |
Banghay
baguhinSi Bren Park, isang pausbong na basketbolista mula Timog Korea ay bumisita sa Pilipinas upang hanapin ang kanyang tunay na ama matapos mamatay ang kanyang pamilya dahil sa isang aksidente. Makikilala niya si Coach B, isang batikan sa PIBA, na magtuturo sa kanya ng mga aral patungkol sa paglalaro ng basketbol at sa buhay pangkalahatan.[3] Sa Tondo, makikilala niya ang mga taong hindi niya inaasahan na makatutulong sa kanya na bumuo ng isang ganap na koponan.[4]
Mga karakter
baguhin- Bren Park
- Boses ni: Migo Adecer
- Isang pinagpalang manlalaro ng basketbol mula Timog Korea na iiwan ang kinagisnan matapos ang isang malubhang pangyayari sa kanyang pamilya. Ito ang magiging dahilan kung bakit tutungo siya sa Pilipinas para hanapin ang kanyang tunay na ama at sumalamin sa kanyang buhay. Habang nasa Pilipinas, siya ay maninirahan sa tahanan ng kanyang dating yaya sa Tondo.
- Vicky (Victoria Sebastian)
- Boses ni: Julie Anne San Jose
- Ang manager ng koponang Pusakal na nagsisilbi ring kanang-kamay ni Coach B. Siya ay tanggi sa pagsali ni Bren sa koponan kahit payag dito ang kanyang ama, dahil sa lihim niyang paghanga sa kanya.
- Wax (Joaquin Rivera)
- Boses ni: Ruru Madrid
- Isang basketbolista mula sa koponan ng Blue Valley Lions, ang kampeon ng PIBA Cup sa apat na magkakasunod na season. Siya ay sabik sa pagpupuri at pagmamahal ng kanyang ama.
- Jinri Choi
- Boses ni: Kelley Day
- Coach B
- Boses ni: John Arcilla[3]
- Commissioner of the PIBA
- Boses ni: Edu Manzano
- Sophia
- Boses ni: Cherie Gil
- Koboy
- Boses ni: Paolo Contis
- Buchoy
- Boses ni: Raver Eda
- Tita Baby
- Boses ni: Sylvia Sanchez
Produksyon
baguhinAng ASI Studios ng Quezon City[3], isang pagtutulungan sa pagitan ng kompanyang Synergy88 at August Media Holdings, ang magiging tagapagbigay-buhay sa Barangay 143.[5]
Ipagkakatiwala sa TV Asahi ang magiging direksyon ng Barangay 143 kasama na ang pagsasalarawan ng mga disenyo ng karakter sa serye. Ang ASI Studios naman ang magsusulat ng kwento at mamamahala sa pagpapalabas.[1][6]
Ito ay idinetalye ng may-likha bilang isang "pangkalahatang konsepto" at kwento ng pag-ibig, pagkahambog, drama, krimen at basketbol.[2][7]
Ang serye ay unang ipapalabas sa wikang Tagalog[2] na bibigyang boses ng mga "sikat na artista".[8]
Pagpapalabas at pamamahagi
baguhinAng Barangay 143 ay pangunahing nakatuon sa merkado ng mga kabataan sa Pilipinas at may planong ipalabas sa mga karatig-bansa sa Timog Silangang Asya. Maliban sa Tagalog, ang Barangay 143 ay magkakaroon din ng Ingles na paglabas.[9] Unang binalita ng Nikkei na ang anime ay ipapalabas sa Tagsibol ng 2017[1][6][8] sa Pilipinas. Hinihintay pa ang anunsyo kung ipapalabas ang serye sa bansang Hapon.[10]
Ang TV Asahi at August Rights, ang sangay-tagapamahagi ng August Media Holdings, ang mamamahala sa pamamahagi ng anime sa labas ng bansa.[8]
Ang serye ay mapapanood sa GMA 7 sa Oktubre ng taong 2018, ayon sa kanilang website.[11]
Iba pang medyo
baguhinBago ang pag-anunsyo sa anime, isang larong pantelepono na pinamagatang Barangay Basketball ang ipinalabas sa iTunes at Google Play Store. Ang laro ay tungkol kay Wax, anak ng isang dating sikat na basketbolista, na nais patunayan na siya ay isang basketbolista na dapat pagtuunan ng pansin dahilan ng kanyang pakikibahagi sa mga pagsasanay, bigay sa kanya ng apat na mga mahuhusay na basketbolista ng Barangay 143.[12][13] Ang laro ang magsisilbing prekwel sa Barangay 143. Ang laro ay nominado sa kategoryang People’s Choice Award ng International Mobile Gaming Awards ng Timog-Silangang Asya.[14]
Noong Oktubre, taong 2016, inanunsyo ng August Media Holdings na isang subscription game kaakibat ang isang telecommunications company ang ipapalabas sa hinaharap.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "TV Asahi Produces Barangay 143 Basketball Anime Aimed at the Philippines". Anime News Network. 26 Setyembre 2016. Nakuha noong 26 Setyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Wolfe, Jennifer (17 Oktubre 2016). "Asian Partners Launch Co-Production of 'Barangay 143'". AWN.com. AWN, Inc. Nakuha noong 19 Oktubre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "John Arcilla to attend Cannes TV trade show to promote anime series". Interaksyon (sa wikang Ingles). 13 Oktubre 2017. Nakuha noong 18 Hulyo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bayle, Alfred (18 Hulyo 2018). "Filipino-made anime 'Barangay 143' to air in October". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 18 Hulyo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frater, Patrick (2015-04-13). "Singapore's August Media Opens Animation Studio in Philippines". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Ito, Manabu (25 Setyembre 2016). "Asian partners help anime cast broader spell outside Japan". Nikkei Asian Review. Nikkei Inc. Nakuha noong 26 Setyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hawkes, Rebecca (18 Oktubre 2016). "MIPCOM 2016: Asian co-production announced for Barangay 143". Rapid TV News. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2016. Nakuha noong 19 Oktubre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 Wolfe, Jennifer (18 Oktubre 2016). "Barangay 143 Basketball Anime Premieres Spring 2017 With Tagalog Dub". Anime News Network. Nakuha noong 19 Oktubre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Singapore's Infocomm Media Development Authority Brings Fresh Content to MIPCOM from Asia for the Global Market". PR Newswire. 17 Oktubre 2016. Nakuha noong 19 Oktubre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Commercial broadcasters venturing overseas". The Japan News. The Yomiuri Shimbun. 15 Nobyembre 2016. Nakuha noong 15 Nobyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-18. Nakuha noong 2018-07-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Barangay Basketball". Google Play. Nakuha noong 19 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Barangay Basketball". iTunes. Nakuha noong 19 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Synergy88 Digital Launches Barangay Basketball, A Mobile Game With Many Pinoy Firsts". Manila Republic. 9 Nobyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-24. Nakuha noong 15 Nobyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)