Cherie Gil
Si Evangeline Rose Gil Eigenmann (pagbigkas sa Tagalog: [ˈhil ˈaɪɡɛnmɐn], Hunyo 21, 1963 – Agosto 5, 2022), mas kilala sa kanyang pangalang pang-entablado na Cherie Gil, ay isang artista mula sa Pilipinas. Naging artista siya sa telebisyon, pelikula at teatro simula pa noong nasa 9 na taon gulang siya. Pinakakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning kung saan binitiw niya ang ikonikong linyang "You're nothing but a second-rate, trying hard copycat!" kay Diorina, ang karakter ni Sharon Cuneta.[2] Pumanaw si Cherie Gil sa edad na 59 sa New York, Estados Unidos mula sa sakit na kanser.
Cherie Gil | |
---|---|
![]() Si Gil sa Berlinale 2016. | |
Kapanganakan | Evangeline Rose Gil Eigenmann 21 Hunyo 1963[1] |
Kamatayan | 5 Agosto 2022 (59 taong gulang) |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1970–2022 |
Tangkad | 5 talampakan 7 in (1.7 m) |
Asawa | Rony Rogoff (k. 1994–2008) |
Anak | 3 |
Magulang | Eddie Mesa Rosemarie Gil |
Kamag-anak | Michael de Mesa (kapatid) Mark Gil (kapatid) Gabby Eigenmann (pamangkin) Sid Lucero (pamangkin) Geoff Eigenmann (pamangkin) Ryan Eigenmann (pamangkin) Andi Eigenmann (pamangkin) Max Eigenmann (pamangkin) Bianca Rogoff (anak) Raphael Rogoff (anak) |
Pansariling buhay Baguhin
Si Cherie Gil ay anak ng mga Pilipinong mang-aawit-aktor na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, at kapatid ng kapwang artista na sina Michael de Mesa at Mark Gil. Dati siyang kasal kay Rony Rogoff, isang biyolinista; nagkaroon sila ng dalawang anak, sina, Bianca at Raphael.[3] Ang panganay niyang anak na si Jeremiah David (Jay), ay anak niya sa aktor na si Leo Martinez.[4]
Mga sanggunian Baguhin
- ↑ 1.0 1.1 "Bio". TV Guide (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Marso 2016.
- ↑ "Sharon Cuneta, Cherie Gil reenact iconic movie scene — with a twist". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 2019-07-14. Nakuha noong 2021-05-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ "IN PHOTOS: Have you seen Cherie Gil's Drop Dead Gorgeous Son, Raphael Eigenmann Rogoff?". GMA News (sa wikang Ingles). 26 Hulyo 2016. Nakuha noong 12 Setyembre 2016.
- ↑ Sibonga, Glen P. (24 Oktubre 2008). "Cherie Gil Handling her Separation from Husband Roni Rogoff with Grace". Philippine Entertainment Portal. Celeb life/Couples (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Agosto 2009.