Ang Bardaï (Arabe: برداي‎) ay isang maliit na bayan at oasis sa dulong hilaga ng Chad. Ito ang pangunahing bayan ng rehiyon ng Tibesti, na ibinuo noong 2008 mula sa Departamento ng Tibesti ng dating rehiyon ng Bourkou-Ennedi-Tibesti.

Bardaï

برداي
Bayan
Bardaï is located in Chad
Bardaï
Bardaï
Kinaroroonan sa Chad (nakatampok ang Tibesti) subdivision_type = Bansa
Mga koordinado: 21°21′12″N 17°0′1″E / 21.35333°N 17.00028°E / 21.35333; 17.00028
RehiyonTibesti
DepartmentoTibesti
Sub-PrepekturaBardaï

Ang wikang Tedaga ay sinasalita sa lugar ng Bardaï ng hilagang Chad, bagamat pangalawang wika ang wikang Dazaga.[1] Pinaglilingkuran ang bayan ng Paliparan ng Bardaï-Zougra ICAO: FTTZ na isang magkasamang paliparang pampubliko at pangmilitar.

Kasaysayan

baguhin

Ang unang Europeo na nag-ulat tungkol sa Bardaï ay ang Alemang manggangalugad na si Gustav Nachtigal. Nakaabot siya sa Bardaï noong Agosto 8, 1869,[2] ngunit kinailangang tumakas noong Setyembre 3 at 4 dahil sa pagiging palaban ng pampook na populasyon ng Toubou. Sinalakay ng mga Turko ang bayan noong mga 1908, at pagsapit ng 1911 mayroon silang 60 sundalo at anim na kanyón sa Bardaï.[3]

Nakatawag-pansin ang Bardaï sa daigdig noong 1974, nang nilusob ng isang pangkat ng mga manghihimagsik sa pamumuno ni Hissène Habré ang bayan at binihag si Françoise Claustre, arkeologong Pranses, at dalawa pang mga mamamayang Europeo.[4] Nagtatag ang mga manghihimagsik ng isang kontra-Pranses na himpilang panradyo noong digmaang sibil, na nabansagang "Voice of Liberation of Chad" o "Radio Bardaï".[5][6] Isang pamahalaang oposisyon ang itinatag rito na pinamunuan ni Goukouni Oueddei kalakip ng suportang pangmilitar ng Libya noong unang bahagi ng dekada-1980.[7] Noong Disyembre 1986, sinalakay ng mga hukbo ni Habré ang mga Libyan sa Bardaï.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Frawley, William J.; Frawley, William (1 Mayo 2003). International Encyclopedia of Linguistics. Oxford University Press. p. 492. ISBN 978-0-19-513977-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Fisher, Humphrey J. (Enero 2001). Slavery in the History of Muslim Black Africa. C. Hurst & Co. Publishers. p. 344. ISBN 978-1-85065-524-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wright, John L. (1989). Libya, Chad and the Central Sahara. C. Hurst & Co. Publishers. p. 118. ISBN 978-1-85065-050-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hanhimäki, Jussi M.; Blumenau, Bernhard (17 Enero 2013). An International History of Terrorism: Western and Non-Western Experiences. Routledge. p. 200. ISBN 978-1-136-20279-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Toïngar, Ésaïe (1 Enero 2006). A Teenager in the Chad Civil War: A Memoir of Survival, 1982-1986. McFarland. p. 20. ISBN 978-0-7864-2403-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. West Africa. Afrimedia International. 1983. p. 170.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. The History of Western Africa. The Rosen Publishing Group. 15 Enero 2011. p. 105. ISBN 978-1-61530-399-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Arnold, Guy (15 Setyembre 2009). The A to Z of Civil Wars in Africa. Scarecrow Press. p. 84. ISBN 978-0-8108-6885-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)