Base at superestruktura

Sa teoryang Marxista, ang lipunan ay binubuo ng dalawang bahagi: ang base o batayan (o subestruktura) at superestruktura. Ang base ay tumutukoy sa moda ng produksiyon na kinabibilangan ng mga puwersa at relasyon ng produksiyon (hal. empleyador–empleyado na kalagayan sa paggawa, ang teknikal na dibisyon ng paggawa, at mga relasyon sa ari-arian) kung saan ang mga tao ay pumapasok upang makagawa ng mga pangangailangan at kagustuhan sa buhay. Ang superrestuktura ay tumutukoy sa iba pang mga relasyon at ideya ng lipunan na hindi direktang nauugnay sa produksiyon kabilang ang kultura, institusyon, estrukturang pangkapangyarihan pampolitika, tungkulin, ritwal, relihiyon, midya, at estado. Ang kaugnayan ng dalawang bahagi ay hindi estriktong iisa ang direksiyon. Ang superestruktura ay maaaring makaapekto sa base. Gayunpaman ang impluwensiya ng base ay nangingibabaw.[1]

Diagram na nagpapaliwanag ng relasyon sa pagitan ng base at superestuktura sa teoryang Marxista

Mga sanggunian

baguhin

 

  1. Engels's letter to J. Bloch; from London to Königsberg, written on September 21, 1890. Historical Materialism (Marx, Engels, Lenin), p. 294 - 296. Published by Progress Publishers, 1972; first published by Der sozialistische Akademiker, Berlin, October 1, 1895. Translated from German. Online version: marxists.org 1999. Transcription/Markup: Brian Baggins. Retrieved December 16, 2017.