Ang vacuum (literal na "walang laman") o basyo[1] ay isang lugar na walang kalaman-laman o hindi kinapapalooban ng anumang mga bagay. Ang salitang vacuum ay nag-ugat magmula sa pang-uri ng Latin na vacuus na may kahulugang "walang laman" o "bakante"; o mula rin sa Latin na vacīvus na gayon din ang kahulugan). Ang tunog ay hindi makakagalaw sa loob ng isang bakyum. Ang mas panlabas na puwang o kalawakan (na sa Ingles ay outer space) ay hindi isang perpektong bakyum o hindi isang pook na wala talagang laman, dahil sa mayroon itong napaka malililiit na bilang ng mga partikulo. Ang vacuum cleaner, isang panlinis na humihigop ng dumi sa pamamagitan ng "kawalan ng laman" ng sisidlang nitong nasa loob nito, ay isang aparatong naglilinis ng mga dumi magmula sa mga sahig. Kung minsan tinatawag lamang itong vacuum. Ang mga "sisidlan ng bakyum", literal na mga "silid na walang laman", o mga vacuum chamber ay ginagamit din sa maraming mga eksperimento sa larangan ng pisika na kinasasangkutan ng mga kapaligirang walang materya.

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Basyo sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.
Isang vacuum cleaner o panglinis na humihigop ng mga dumi papunta sa walang lamang sisidlan.

Bakyum na pang-industriya

baguhin

Ang bakyum ay kailangan para sa produksiyon na pang-industriya. Ang mga panghigop o mga vacuum pump ay ginagamit upang humigop ng hangin mula sa sisidlan (mula sa chamber). Pagkatapos ng proseso, wala nang hangin sa loob ng sisidlan (bakyum lamang ang naroroon o "wala na itong laman"). Sa tunay na mundo, hindi maaaring makalikha ng bakyum na 100%, subalit ang pinakabagong mga panghigop (panghitit o pangsipsip) ay mayroong kakayahang gumawa ng bakyum na 99.9999%. Para sa karamihan ng mga layuning pang-industriya, ang bakyum ay ginagamit upang makahigop nang magpahanggang sa 0.001%. Ang mas mababang bakyum o mas mababang paghitit ay ginagamit lamang para sa mga layuning panglaboratoryo.

Ang bakyum na pang-industriya ay pangunahing ginagamit sa mga sumusunod:

  1. Industriya ng pagkain
  2. Industriya ng elektroniks
  3. Pagpapakete o pagbabalot
  4. Manipulasyon
  5. Pagpapahid o pagpapatong at pagtatanggal ng gas o "hangin"

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "vacuum, basyo". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin