Baygon
Ang Baygon ay isang tatak ng pamuksa ng salot o peste na produkto ng kompanyang S. C. Johnson & Son. Isa itong pamatay ng kulisap na ginagamit sa eksterminasyon at pagkontrol ng maraming mga salot sa tahanan at napaka-epektibong panlaban sa mga kuliglig, ipis, langgam, gagamba, Lepisma saccharina, at iba pa. Noong 1975, ipinakilala ng Baygon ang unang pangwisik na pang-ibabaw mula sa Australya na para sa pagpatay ng mga ipis at iba pang gumagapang na mga kulisap.
Noong 1975, ang Baygon ay ipinakilala ng Bayer, isang Alemang kompanyang tagapagmanupaktura ng kemikal. Noong 2003, ipinagbili ng Bayer ang tatak nila sa S. C. Johnson & Son. Bilang bahagi ng kasunduan, ang mga aktibong sangkap na ginagamit sa mga pamatay ng salot ay gagawin pa rin ng Bayer at ipampupunong produkto na hindi lamang para sa S. C. Johnson & Son.[1][2]
Mga sangkap
baguhinAng mga produkto ng Baygon ay naglalaman ng mga pyrethroid, cyfluthrin, at transfluthrin, at ng carbamate na propoxur at organoposporong chlorpyrifos, bilang aktibong mga sangkap.[3][4] Nakakasanhi ang pyrethroid at ilang iba't ibang uri ng mga epektong karamdaman kapag nakalulon ng sapat na dami ng mga pamatay ng peste, kabilang ang mga panginginig, dispniya (kahirapan sa paghinga), at paralisis.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Bayer AG, Financial Report 2003 Naka-arkibo 2016-04-15 sa Wayback Machine. (pdf, 2 MB)
- ↑ Bayer sells off Baygon. (The buzz: news, people & events for the informed PMP) Naka-arkibo 2011-05-16 sa Wayback Machine., Pest Control, 1 Enero 2003.
- ↑ Baygon agents, Baygon. Pinuntahan noong 21 Disyembre 2007.
- ↑ Talaan ng mga pamuksa ng salot sa FPA, 30 Hunyo 2002. Pinuntahan noong 21 Disyembre 2007.
- ↑ Pyrethroid, Manual of Pesticide Poisoning. Pinuntahan noong 21 Disyembre 2007.