Beagle
Ang beagle ay isang lahi ng hindi kalakihang aso. Ito ay miyembro ng hound o mga asong pangaso. Magkahawig ang beagle at ang foxhound, ngunit mas maikli lang ang binti, at mas mahaba at mas malambot ang tainga ng nauna. Ang mga beagle ay mga scenthounds (mga asong pangaso na ginagamit ang kanilang pang-amoy sa pangangaso). Bihasa sila sa paghuli sa mga kuneho, usa, at iba pang maliliit na hayop. Matalas ang kanilang pang-amoy at pagtunton na likas na gawi, maaari silang gamitin bilang mga asong nakakatunton sa mga ipinagbabawal na produktong agrikultural na binabantayan sa buong mundo. Ang mga beagle ay matatalino ngunit isang-isipan. Popular din silang alaga dahil sa laki, ugali, at resistensya sa mga sakit na naipamamana.
Kahit ang ganitong uri ng aso ay namuhay na 2,500 taong nakakalipas, ang modernong lahi ay nanggaling sa Britanya noong dekada 1830 mula sa iba't ibang lahi ng aso gaya ng talbot hound, north country beagle, southern hound, north country beagle, at maaari ring nalahian ng harrier.
Ang mga beagle ay natampok na rin sa iba't ibang uri ng sining mula pa noong panahon ni Elizabeth sa literatura at mga pintadong larawan at ngayon naman sa mga palabas sa sinehan, sa telebisyon, at sa komiks. Si Snoopy ng komiks na Peanuts ang kinilalang pinakatanyag na Beagle sa buong mundo.