Bekobod
Ang Bekobod (Usbeko: Бекобод; Ruso: Бекабад), na tinatawag ding Bekabad, ay isang lungsod sa Uzbekistan. Ito ay nasa mga pampang ng Ilog Syr Darya malapit sa hangganan ng bansa sa Tajikistan.
Bekobod Бекобод | |
---|---|
Simbahang Orthodox ng Bekobod | |
Mga koordinado: 40°13′0″N 69°13′0″E / 40.21667°N 69.21667°E | |
Bansa | Uzbekistan |
Rehiyon | Rehiyon ng Tashkent |
Katayuang lungsod | 1945 |
Populasyon (2009) | |
• Kabuuan | 101,292 |
Sona ng oras | UTC+5 (UZT) |
• Tag-init (DST) | UTC+5 (hindi ipinatutupad) |
Kodigong postal | 110500[1] |
Kodigo ng lugar | +998 9091[1] |
Unang sumibol ang Bekobod dahil sa pagkakaugnay nito sa planta ng semento. Nakamit nito ang katayuang lungsod noong 1945. Hanggang sa taong 1964, tinawag itong Begovat.
Sumailalim ang Bekobod sa mabilis na industriyalisasyon noong panahong Sobyet. Bahagyang napanatili nito ang kahalagahang pang-industriya. Tahanan ang lungsod ng isang malaking pagawaan ng asero at ng pabrika ng semento. Matatagpuan lamang ang Saplad ng Farkhad at Plantang Hidroelektriko ng Farkhad sa itaas ng ilog mula sa lungsod.
Kasaysayan
baguhinUnang sumibol ang Bekobod dahil sa pagkakaugnay nito sa isang planta ng semento.[2] Itinayo ang isang planta ng asero sa bayan noong 1942-44.[3] Itinayo naman malapit sa Bekobod noong 1943-48 ang kapuwa Saplad ng Farkhad at Plantang Hidroelektriko ng Farkhad.[2][4] Ang hulinhg nabanggit ay isang pangunahing pinagkukunan ng kuryente at patubig para sa Uzbekistan.
Natanggap ng Bekobod ang katayuang panlungsod (city status) noong 1945.[3] Mula sa umpisa hanggang sa 1964, ang bayan o lungsod ay tinawag na Begovat.[5][6]
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Bekobod sa parehong pampang ng Ilog Syr Darya malapit sa hangganan ng Uzbekistan sa Tajikistan. May mga bundok sa dakong hilagang-silangan at timog-silangan ng lungsod. Sa pamamagitan ng daan, ito ay nasa layong 140 kilometro (87 milya) sa timog ng pambansang kabisera ng Tashkent.[7]
Klima
baguhinAng Bekobod ay may mainit na klimang tag-init at Mediteraneo (Köppen climate classification Csa) na mayroong impluwensiya ng klimang kontinental. Mayroon itong mainit na tag-init at maginaw na tag-lamig.[3] Ang karaniwang temperatura tuwing Hunyo–Hulyo ay 28–30 °C (82–86 °F). Minsan, umaabot sa 40 °C (104 °F) ang karaniwang temperatura tuwing Hunyo–Hulyo. Ang katamtamang temperatura sa Enero ay −2 – −3 °C (28–27 °F).
Datos ng klima para sa Bekobod | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S | 5 | 9 | 16 | 23 | 29 | 35 | 36 | 35 | 30 | 23 | 14 | 7 | 21.8 |
Katamtamang baba °S | −4 | −2 | 4 | 9 | 14 | 18 | 19 | 16 | 11 | 6 | 2 | −2 | 7.6 |
Katamtamang presipitasyon mm | 43.5 | 47.9 | 47.4 | 49.5 | 44.8 | 18.5 | 37.2 | 14 | 14.9 | 26.5 | 46.8 | 50.7 | 441.7 |
Katamtamang taas °P | 41 | 48 | 61 | 73 | 84 | 95 | 97 | 95 | 86 | 73 | 57 | 45 | 71.3 |
Katamtamang baba °P | 25 | 28 | 39 | 48 | 57 | 64 | 66 | 61 | 52 | 43 | 36 | 28 | 45.6 |
Katamtamang presipitasyon pulgada | 1.713 | 1.886 | 1.866 | 1.949 | 1.764 | 0.728 | 1.465 | 0.55 | 0.587 | 1.043 | 1.843 | 1.996 | 17.39 |
Sanggunian: [8] |
Demograpiya
baguhinNoong 2009, may 101,292 katao ang Bekobod.[9] Sa maraming mga pangkat etniko na makikita sa lungsod, pinakamalaki ang mga Uzbek.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1959 | 40,000 | — |
1970 | 58,000 | +45.0% |
1982 | 73,000 | +25.9% |
2000 | 84,400 | +15.6% |
2009 | 101,292 | +20.0% |
Source: [3][4][5][6][9] |
Ekonomiya
baguhinNananatiling isang mahalagang pang-industriya na lungsod ang Bekobod sa kasalukuyang malayang Uzbekistan. Tahanan ito ng isang malaking pagawaan ng asero at ng isang pabrika ng semento. Mayroon ding isang pabrika ng laryo, planta na nagpapakete ng karne, isang planta ng bulak, at maraming mga negosyong maliit at katamtaman.[4] Matatagpuan lamang sa itaas ng ilog mula sa lungsod ang Saplad ng Farkhad at Plantang Hidroelektriko ng Farkhad.[10]
Edukasyon
baguhinTahanan ang Bekobod ng isang suriang pangmedisina at isang paaralang pambokasyon.[4] Mayroon ding 17 mga paaralang sekundarya, dalawang paaralang pangmusika, at isang paaralang pampalakasan sa lungsod.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Bekabad". SPR (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2015. Nakuha noong 22 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Angren". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 22 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Moʻminov, Ibrohim, pat. (1972). "Bekobod". Oʻzbek sovet ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Bol. 2. Toshkent. p. 132.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 "Bekobod". Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Toshkent: Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi. 2000–2005.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Bekobod". Ensiklopedik lugʻat (sa wikang Uzbek). Bol. 1. Toshkent: Oʻzbek sovet ensiklopediyasi. 1988. p. 89. 5-89890-002-0.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Bekabad" (sa wikang Ruso). Akademik. Nakuha noong 22 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bekabad". Google Maps. Nakuha noong 22 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Average high/low temperature for Bekabad, Uzbekistan". World Weather Online. Nakuha noong 22 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 "Bekabad City" (sa wikang Ruso). Goroda.uz. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2015. Nakuha noong 22 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Farhod gidrouzeli". Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Toshkent: Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi. 2000–2005.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Official website (sa Ingles) (sa Ruso) Padron:Ref-uz
- A photo galley of Bekabad