Ang beksilolohiya (Ingles: vexillology) ay ang pagsusuri ng kasaysayan, simbolismo, at kagamitan ng mga bandila, at maaari din na tumukoy sa pangkalahatang interes ukol sa mga bandila. Ang salitang ito ay mula sa pagsasama ng salitang Latin na vexillium ("bandila") at ng hulaping Greko -logy ("pag-aaral"). Sa pormal na depinisiyon ng Pandaigdigang Federasyon and mga Samahang Beksilolohikal (Ingles: FIAV, International Federation of Vexillological Associations), and beksilolohiya ay tinuturing bilang ang "paggawa at pag-unlad ng karunungan ukol sa mga sari-saring bandila, ang kanilang mga porma at kagamitan, at ng mga teoriyang siyentipiko ukol sa karunungang ito."

Ang terminong beksilolohiya ay unang nilikha noong 1957 ni Whitney Smith, isang beksilolohiyong Amerikano, at unang inilathala noong 1959. And pag-aaral ng mga bandila ay unang isinailalim sa heraldiya, at hanggang ngayon ay minsa'y itinuturing ganoon. Ang mga iskolar ng mga bandila ay tinatawag na mga beksilologo; ang mga nagdidisenyo ng mga bandila ay tinatawag na mga beksilolograpo; at ang mga taong may interes sa mga bandila ay tinatawag na mga beksilolopilo.

Mula noong 1965, nagkakaroon ng Pandaigdigang Kongreso ng Beksilolohiya sa tigalawang taon na inoorganisa ng FIAV. Ang mga kamaikalan lamang na Kongreso ay ginanap sa Berlin noong 2007, Yokohama, Japan noong 2009, Alexandria, Virginia sa Estados Unidos noong 2011. Ang susunod na Kongreso ay gaganapin sa Rotterdam, Netherlands sa Agosto 2013.

Mga simbolo sa identipikasyon ng mga bandila

baguhin

Ang sistema ng pagkilala sa mga bandila ay ginawa ni Whitney Smith at kinikilala ng FIAV.

Simbolo Sa teksto Deskripsiyon Paggamit
  C**/*** Bandilang sibil mga indibidwal na tao sa lupain
  *S*/*** Bandilang pang-estado mga estado at gubyerno sa lupain
  **W/*** Bandilang pang-digmaan mga militar sa lupain (hukbong-kati)
  ***/C** Watawat na sibil sa mga pribadong sasakyang-dagat (watawat na pangmerkado)
  ***/*S* Watawat ng estado sa mga sasakyang-dagat ng estado o gubyerno
  ***/**W Watawat na pang-digmaan sa hukbong-dagat

Maaari din na pagsamahin itong anim na kategoriya:

Simbolo Sa teksto Deskripsiyon Kagamitan
  *SW/*** Bandilang pang-digmaan ng estado sa mga ahensiya ng estado at ng hukbong-kati sa lupain
  CSW/*** Pambansang bandila sa lahat ng layunin sa lupain
  ***/CSW Pambansang watawat sa lahat ng layunin sa mga sasakyang-dagat
  CSW/CSW Pambansang bandila at watawat sa lahat ng layunin

Mga prinsipyo ng disenyo ng mga bandila

baguhin

Maraming regularidad sa mga disenyo ng mga bandila, mula sa mga praktical na konsiderasyon, mga kalagayang makasaysayan at kultural.

Ilan sa mga konsiderasyong praktikal na hinaharap ang mga beksilolograpo ay ang pangangailangan na ang disenyo ay madaling pagyariin sa tela nang sa gayon ay maitaas mula sa isang poste para isaguyod ang isang organisasyon, indibidwal, o grupo. Ito ang pagkakaiba ng isang bandila mula sa mga selyo o logo na ginagamit sa mga pahina o screen o karatula.

May mga kulturang nag-aatas ng mga karapat-dapat na disenyo ng mga bandila, ayon sa mga prinsipyo ng heraldiya o ng iba pang mga sistema ng kontrol. May mga atas din na mula sa mga konsiderasyong relihiyoso, katulad ng mga bandila ng mga bansang Muslim. Nagsimula nang maglabas ng mga prinsipyong pangkalahatan the flag design principles Naka-arkibo 2013-09-13 sa Wayback Machine. ang Samahang Beksilololohikal ng Hilagang Amerika:

  1. Simple lamang: karapat-dapat na ang bandila ay madaling maiguhit ng mga bata mula sa memorya
  2. Simbolismong malalim: ang mga imahe at kulay ng bandila ay karapat-dapat na nakaugnay sa kung anuman ang sinisimbolo nito
  3. 2-3 kulay: mas-madaling makita ang mga kulay ng bandila
  4. Walang pagkakasulat o selyo: huwag gumamit ng mga pagkakasulat o mga selyo at sagisag.
  5. Maging Kakaiba o Maging Kaugnay: iwasan ang pangongopya ng ibang mga bandila, ngunit gumamit ng mga similaridad para ipakita ang mga koneksiyon

Mapapansin na hindi lagaing sinusunod ang mga prinsipyong ito. Marami sa mga bandila ng iba't ibang mga lungsod, distrito, mga ahensiya ng gubyerno, at iba pa ay simpleng ang kanilang sagisag na may likurang isang kulay. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga bandila ng mga probinsiya ng Pilipinas, o ang watawat ng pangulo ng Pilipinas o ng Estados Unidos.

Tingnan din

baguhin
  • Leepson, Marc. Flag: An American Biography New York: Thomas Dunne Books, 2005. Print.
  • Smith, Whitney. Flags Through the Ages and Across the World New York: McGraw-Hill, 1975. Print.

Mga kawing na panlabas

baguhin