Belisario
Si Flavio Belisario (505–565) ang isa sa mga pinakadakilang heneral ng Silangang Imperyong Romano. Sa mga dakilang heneral ng kasaysayan, hindi ngayon gaanong kakilala si Belisario (lalo na’t kung ihahambing kina Alejandrong Dakila o Julio Cesar) bagaman mas bunga ito ng pangkalahatang kawalan ng pansin sa kasaysayang Silangang Romano kaysa sa kaniyang kakayahan at mga nagawa na natapatan lamang ng iilang, kung mayroon mang, mga komander panghukbo. Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.