Papa Benedicto XVI

(Idinirekta mula sa Benedicto XVI)

Ang Papa Benedicto XVI, (sa Latin: Benedictus PP. XVI; Italian: Benedetto XVI), (ipinanganak Abril 16, 1927 bilang Jose Luis Ratzinger o Joseph Aloisius Ratzinger – namatay Disyembre 31, 2022) ang inihalal na Papa ng Simbahang Katoliko noong Abril 19, 2005, tatlong araw matapos ang kanyang kaarawan. Bilang Papa, siya rin ang Obispo ng Roma (o Arsobispo Metropolitano ng Lalawigan ng Roma), Pinuno ng Estado ng Lungsod ng Vaticano, Patriyarka ng Kanluran, Primado ng Italya, at Kataas-taasang Pontipika ng pandaigdigang Simbahang Katolikong kaugnay sa Roma, kasama ng mga Simbahan ng Silanganang Rito na kakomunyon sa Santa Sede. Pormal syang ginawang Papa noong Abril 24, 2005, sa kanyang Misa ng Papal Inauguration noong.

Benedicto XVI
Benedicto XVI sa Brasil noong 2007
Nagsimula ang pagka-PapaAbril 19, 2005
Nagtapos ang pagka-PapaPebrero 28, 2013
HinalinhanJuan Pablo II
KahaliliFrancisco
Mga orden
OrdinasyonHunyo 29, 1951
ni Michael von Faulhaber
KonsekrasyonMayo 28, 1977
ni Josef Stangl
Naging KardinalHunyo 27, 1977
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanJoseph Aloisius Ratzinger
Kapanganakan16 Abril 1927(1927-04-16)
Marktl, Bavaria, Germany
Yumao31 Disyembre 2022(2022-12-31) (edad 95)
Mater Ecclesiae Monastery, Vatican City
KabansaanAlemanya
Dating puwestoArchbishop of Munich and Freising (1977–1982)
Cardinal-Priest of Santa Maria Consolatrice al Tiburtino (1977–1993)
President of the International Theological Commission (1981–2005)
Prefect of the Congregation for the Doctrine of the Faith (1981–2005)
President of the Pontifical Biblical Commission (1981–2005)
Cardinal-Bishop of Velletri-Segni (1993–2005)
Dean of the College of Cardinals (2002–2005)
Cardinal-Bishop of Ostia (2002–2005)
MottoCooperatores veritatis (Mga katrabaho ng katotohanan)[1]
Lagda{{{signature_alt}}}
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}

Matapos ang kanyang pag-orden bilang pari noong taong 1951 sa kanyang sinilangang Baviera, sinimulan ni Ratzinger ang kanyang akademikong karera. Kinilala siya bilang isang dublahasang teologo pagkarating ng katapusan ng dekadang 1950. Itinakda siyang ganap na propesor noong 1958, sa edad ng 31. Pagkalipas ng maraming taon bilang isang propesor ng teolohiya sa ilang pamantasan sa Alemanya, hinirang siya bilang Arsobispo ng Munich at Freising at kardinal sa desisyon ni Papa Pablo VI.

Pagkamatay

baguhin

Si Benedicto ay namatay noong Disyembre 31, 2022 sa oras 9:34 (8:34 sa GMT) noong Sabado. Ang kanyang sinundang Papa na si Papa Francisco ang nangasiwa sa kanyang libing, ginanap noong Enero 5, 2023.[2] Mga hindi lalagpas 50,000 ang mga dumalo sa misa noong panahong iyon, inilibing siya sa ilalim ng St. Peter's Basilica kung saan kasama niya ang mga humigit siyamnapu na mga yumaong papa.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Biography of His Holiness Pope Benedict XVI". Vatican.va. Nakuha noong 9 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Former Pope Benedict XVI dies at 95". BBC News (sa wikang Ingles). 2022-12-31. Nakuha noong 2022-12-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Pope Benedict XVI funeral: Mourners applaud ex-Pope at Vatican Mass". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Sinundan ni:
Juan Pablo II (1978-2005)
Kronolohikong tala ng mga Papa (2005-2013) Humalili:
Francisco (2013-Kasalukuyan)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.