Betty Chua Sy
Maaaring naglalaman ang artikulo o seksiyong ito ng orihinal na pagsasaliksik o kaya hindi pa natitiyak na mga pag-aangkin. Pagbutihin ang artikulo sa paglalagay ng mga sanggunian. Silipin ang usapang pahina para sa mga detalye. (Agosto 2008) |
Si Betti Chua Sy ay isang Filipino-Chinese executive ng Cola-Cola sa Pilipinas na dinukot noong Nobyembre 17, 2004 sa Novaliches habang siya ay patungo sa kanyang pinapasukan sakay ang kanyang Toyota Rav 4. Siya ay binaril sa hita nang ayaw niya bumaba mula sa kanyang sasakyan. Ayon sa talaan ng korte, Sampung milyon ang hininging patubos kay Chua-Si na dinala sa lungsod ng Tres Martires, Cavite kung saan siya ay namatay dahil sa natamong sugat sa pamamaril. Natagpuang patay at binalot sa "trash bag" sa kahabaan ng Diosdado Macapagal highway sa Lungsod ng Paranaque si Chua-Si. 19 na salarin ng Waray-Waray Kidnap for Ransom (KFR) gang ay inaresto ng mga pulis sa kasong pagdukot at pagpatay. Hinatulang mabilanggo pang-habang buhay sina Alvin Labra, Cesar Amado, Benedicto de Lima, Mariolito Demol, Edith Alazer, Silverio Superable, Renato Superable, Ramon Demol, Ernesto Callos, Fidel Superable, Rodolfo Artoza, Hector Cornista, Jose Artoza Jr., Vicencio Soliat, Ciderio Macanib, Ramil Victoriano, Gerardo Anover and Alejandro Aldas. Ang ika-labing siyam na salarin na si Herlito Cacalloso ay nagtestigo para sa estado.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.