Bhawaiya
Ang Bhawaiya ay isang musikal na anyo o isang sikat na katutubong musika na nagmula sa Hilagang Bengal, lalo na ang Dibisyong Rangpur sa Bangladesh, Distrito ng Cooch Behar ng Kanlurang Bengal, India at Hindi nahahati na distrito ng Goalpara ng Assam, India.[1][2][3][4][5] Isang musikang "uring manggagawa", na may paulit-ulit na pigura ng mga mahout (mga tagapagsanay at tagahuli ng mga elepante), mahishal (mga tagapag-alaga ng kalabaw) at mga gariyal (mga cart driver) ang mga liriko ng mga awiting ito ay nagpapahayag ng hapdi ng paghihiwalay at kalungkutan ng kanilang mga kababaihan,[6] kasama ang pinahabang tono na nagpapatingkad ng sakit, pananabik at "malalim na damdamin".[7] Karaniwang pinaniniwalaan na nagmula noong ika-16 na siglo sa ilalim ng hari ng Koch na si Vishwa Singha,[8] ito ay umunlad sa mga pagtatanghal sa entablado mula noong deakda 1950 at mas malawak mula noong dekada 1990.[9] Ang mga liriko ng mga kanta ng Bhawaiya ay hindi denominasyonal.[10]
Pinagmulan ng pangalan Bhawaiya
baguhinMayroong iba't ibang paliwanag ng kahulugan ng Bhawaiya. Ang mababang lupain na may mga palumpong at iba pang gulay ay tinatawag na Bhawa. Kinakanta noon ng mga tagabantay ng kalabaw ang kantang ito habang nag-aararo. Kaya naman umiral ang pangalang Bhawaiya. Ayon sa ilang iba pang mananaliksik, ang Bhawaiya ay nagmula sa salitang Bawaiya, na kasunod ay nagmula sa salitang bao (hangin). Ang hinango ng salitang Bhawaiya ay Bhav > Bhao + Iya = Bhawaiya. Kaya ang deribatibong kahulugan ng salitang ito ay labis na tulak emosyonal. Ayon kay Abbas Uddin, isang kilalang mang-aawit at kompositor ng kantang Bhawaiya, ang kantang ito ay parang random at kaaya-ayang ihip ng hangin ng Hilagang Bengal at pinangalanan ito bilang Bhawaiya. Ayon sa isang survey (na isinagawa ng Folk cultural and tribal cultural center, Pamahalaan ng Kanlurang Bengal) sa mga gumanap ng kantang Bhawaiya ang pangalan ay nagmula sa salitang Bhao > Bhav . Ang mga awiting ito ay may dalang malalim na "damdamin" ng biraha o paghihiwalay at kalungkutan.[11]
Tagapagtanghal
baguhinAng pinaka nangingibabaw na nagtatanghal ng Bhawaiya ay ang mga Bengali ng Hilagang Bengal at ang Koch Rajbanshi (isang tiyak at hiwalay na etnisidad) na mga panhkat mula sa Hilagang Bengal. Ngunit ang mga hindi Bengali at hindi rajbanshi sa lugar ay nakikibahagi rin sa musikang ito. Sa ngayon ang ilan sa mga kilalang Bhawaiya na kanta ay pinagtibay sa Bangladesi na Cinema, Kanlurang Bengali Cinema at Asames na Cinema gayundin sa ilang modernong katutubong banda.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Bhawaiya". Banglapedia. Nakuha noong 29 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rahman, Urmi. (2014). Bangladesh - culture smart! : the essential guide to customs & culture. Kuperard. p. 121. ISBN 978-1-85733-696-2. OCLC 883354783.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ahmed, A. F. Salahuddin; Chowdhury, Bazlul Mobin (2004). Bangladesh, national culture, and heritage : an introductory reader. University of Michigan. p. 407. ISBN 984-8509-00-3. OCLC 56598621.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Khāna, Mobāraka Hosena (1988). Music and its study. New Delhi: Sterling Publishers. p. 69. ISBN 81-207-0764-8. OCLC 18947640.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Goalpariya folk music genre (which combines both song and dance), originating in the Goalpara region of Assam, contains several characteristic yet diverse themes, principally spirituality, longing, desire, and separation.
- ↑ "(T)he popular image that the term bhawaiya still conjures up is a form of plaintive ballads that speak of love and loss and endless longing within a woman’s heart."
- ↑ (Sarma & Monteiro 2019)
- ↑ "There is an approximate consensus that the origins of the form may be dated back to at least the sixteenth century, during the reign of Raja Bishwa Sinha, who established the kingdom of Koch Bihar."
- ↑ "The initial set of changes started to unfold in the 1950s when the folk genre was transferred from its natural setting to the ‘stage’.
- ↑ "(B)hawaiya developed as an integral cultural expression of the Rajbanshis, and these songs are composed in Rajbanshi (or Kamrupi or Kamtapuri), the most widely spoken Bengali dialect across this belt.
- ↑ "[W]hen mahouts went away (often to Bhutan, which was close to Goalpara and is sometimes mentioned in the songs) to catch the elephants, they were unable to return home for six months to a year.