Seksuwalidad sa Bibliya

(Idinirekta mula sa Bibliya at seksuwalidad)

Nagaganap ang Seksuwalidad sa Bibliya, partikular itong madalas na matutunghayan sa Bibliyang Hebreo na mayroong malawig na mga batas na tumataban sa paksang ito.

Kinakatawan ng larawang ito ang unang halik na naganap sa pagitan nina Adan at Eba. Inakdaan ito ni Salvador Viniegra y Lasso de la Vega noong 1891.

Kasama seksuwalidad na nabanggit sa Bibliya ang sumusunod na mga talataan o halimbawa:

  • Ang mga gawain ni Ham, anak ni Noe, sa Henesis 9:20-25, ay pinagtatalunan dahil sa kalabuan ng panitik, subalit may mga dalubhasang nagpapaunawa na si Ham ay may ginagawang bagay na seksuwal sa kanyang ama, habang si Noe ay natutulog dahil sa pagkalasing habang nasa loob ng kanyang kubol.
  • Si Lot ay nakipagtalik sa kanyang mga anak na babae pagkaraang malasing siya ng mga ito para sa layunin na mabuntis, sa Henesis 19:30-36.
  • Ang kasalanan ni Onan (Henesis 38:8-10), na kadalasang naipagkakamali bilang masturbasyon, ay katunayang isang ginambalang pagtatalik o coitus interruptus (paglalabas ng ari ng lalaki mula sa ari ng babae bago labasan sa loob ng ari ng katalik na babae). Lumabag din si Onan sa katungkulan niya sa Yibbum, isang batas sa Hudaismo (ayon sa Torah) na ang kapatid na lalaki ng isang lalaking namatay na walang anak ay may obligasyong pakasalan ang nabalong babaeng si Tamar. Si Onan ay pinagbuhatan ng kamay ng Diyos at namatay, dahil "ibinuhos niya ang kanyang binhi sa lupa" habang mayroon siyang katungkulang buntisin ang asawa ng kanyang kapatid (kung kaninong si Onan ay ang kapatid-sa-batas ng kasal). Si Onan ang pinagmulan ng salitang Onanismo, na katumbas ng salitang masturbasyon.
  • Inilahad sa Henesis 38:13-24 ang kuwento ni Tamar na nakikipagkalak ng pagtatalik kay Judah para sa pag-aari ng isang kambing.
  • Sa Exodus 20:14, bilang pampitong utos, ipinagbabawal ang gawaing pangangalunya. "Huwag kang makikiapid."
  • Sa Leviticus 18, nakatala ang ilang mga pagbabawal hinggil sa pagtatalik ayon sa panuntunang pambibliya.[1]
  • Sa Deuteronomiyo 23:17-18, inilahad ang pagbabawal ng prostitusyon.
  • Sa 2 Samuel 11:3-5, inilarawan si David na kasama si Bathsheba at ang kanyang kilos ng pakikiapid sa kanya.
  • Sa Mga Kawikaan 5, ipinakita kung paanong ang kasalanang seksuwal ay nakapagdurulot ng mga pilat at hapdi.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga tala

baguhin
  1. Leviticus 18, Online Study Bible.
  2. Proverbs 5, Online Study Bible.

Mga sanggunian

baguhin
  • Akerly, Ben Edward, The X-Rated Bible: An Irreverent Survey of Sex in the Scriptures (American Atheist Press, 1985) ISBN 0-910309-19-1
  • Smith, Morton H., Shorter Catechism of the Westminster Confession Standards, (Escondido, CA: Ephesians Four Group) 1999.

Basahin pa

baguhin
  • Miller, Lisa (14 February 2011). "What the Bible Really Says About Sex". Newsweek.
  • Coogan, Michael (1 Oktubre 2010). God and Sex: What the Bible Really Says. Twelve. ISBN 9780446545259.
  • Knust, Jennifer Wright (25 Enero 2011). Unprotected Texts: The Bible's Surprising Contradictions About Sex and Desire. HarperOne. ISBN 0061725587.