Bilingguwalismo
Ang bilingguwalismo ay ipinahihiwatig sa pamamagitan ng paggamit ng hindi kukulang sa dalawang wika ng tao. Hindi ito tiyak sa mga bata at matanda sapagkat ang paggamit at kagalingan ng santao sa bawat wika ay maaaring magbago batay sa pagkakataong maaaring gamitin ang mga wika at sa pagiging lantad sa ibang mga wika. Batay ito sa mga tagpuan, pangyayari, kagalingan, gawi at panahon.[1]
Sa Pilipinas
baguhinUmusbong ang pagiging maalam sa dalawa o higit pang wika sa Pilipinas. Bago makarating ang mga taga-Espanya, ang nangibabaw na mga wika-pangkalakalan ay ang Bisaya, na binigkas sa kapuluang Kabisayaan, ang Kapampangan, na binigkas sa kilala ngayon bilang Gitnang Luzon, at ang Pangasinan at Iloko, na parehong binigkas sa Hilagang Luzon.[kailangan ang sanggunian]
Hanggang ngayon, maraming mga wika ay binibigkas sa Pilipinas. Humigit-kumulang na nasa 175 ang bilang ng mga wika na nasa bansa.[2] Ang mga pinakakinikilalang wika ay ang Aklanon, Bikol, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ibanag, Iloko, Ibatan, Kapampangan, Kinaray-a, Maguindanao, Mëranaw, Pangasinan, Sambal, Surigaonon, Tagalog, Tausug, Waray, at Yakan.[3]
Pamamahagi sa Daigdig
baguhinAng mga taong may alam sa dalawang wika lamang nang mahusay ay humigit-kumulang na apatnapu't tatlong porsiyento (43%) sa ating daigdig. Ang mga taong may alam sa isang wika lamang ay kumakatawan sa apatnapung porsiyento (40%) ng sangkatauhan, habang ang mga taong may alam sa dalawa o higit pang wika ay halos animnapung porsiyento ng mga tao sa daigidig (60%). Ayon sa pagsisiyasat, ang mga bansang karamihan ay nagsasalita ng Ingles (tulad ng USA, UK, Bagong Zealand at Australia) ay kung saan tumitira ang mga may-alam sa isang wika lamang. Ito ay dahil ayon sa kanila, hindi gaano kahalaga ang pagkikilanlan ng isang pangalawang wika. [4]
Uri
baguhinMay dalawang uri ng bilingguwalismo na kilala ngayon.
- Ang Bilingguwalismong Sabayan. Nagaganap ito kapag ang isang bata ay makararanas ng dalawang wika nang sabayan at makahulugan. Kadalasan, sa bata, ang dalawang wika ay pantay sa kahusayan.[1]
- Ang Bilingguwalismong Sunuran. Nagaganap ito kapag ang isang tao ay makararanas ng pangalawang wika nang makabuluhan, ngunit pagkatapos makilala ang unang wiki. Karaniwan, ito ay pagkatapos ng tatlong taong gulang.[1]
Kapakinabangan ng Kasanayang Ito
baguhinMaraming mga maaaring sabihin na kalamangan kapag nakatuto ang isang tao, bata man o matanda, ng dalawa (o higit pang) wika. Ilan sa mga ito ang pagtututo ng mga bagong salita nang mas mabilis at pagkakaroon ng isa o higit pang pamamaraan ng pag-uugnay sa mga ibang tao. [5]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 http://www.asha.org/practice/multicultural/issues/bll.htm
- ↑ https://www.ethnologue.com/
- ↑ Article XIV, Sec 7: For purposes of communication and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English. The regional languages are the auxiliary official languages in the regions and shall serve as auxiliary media of instruction therein. Spanish and Arabic shall be promoted on a voluntary and optional basis.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-24. Nakuha noong 2017-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.asha.org/public/speech/development/The-Advantages-of-Being-Bilingual/