Wikang Ibatan

wikang sinasalita sa mga pulo ng Batanes ng mga Ibatan
(Idinirekta mula sa Ivatan language)

Ang wikang Ibatan na kilala rin bilang Chirin nu Ivatan ("Ang wika ng Mga Taong Ibatan"), ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa mga isla ng Batanes.

Ibatan
Ivatan
Chirin nu Ibatan
Katutubo saPilipinas
RehiyonMga pulo ng Batanes
Pangkat-etnikoMga Ibatan
Mga Pilipino sa Taywan
Mga natibong tagapagsalita
(33,000 ang nasipi 1996–2007)[1]
Austronesyo
Mga diyalekto
  • Ivasay
  • Isamurung
  • Babuyan
Opisyal na katayuan
Wikang panrehiyon sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3Alinman:
ivv – Ivatan
ivb – Ibatan (Babuyan)
Glottologivat1242  Ivatan
ibat1238  Ibatan

Kahit na mas malapit ang mga pulo sa bansang Taywan kaysa sa Luzon, hindi ito isa sa mga wikang Pormosano. Isa sa mga wikang Bataniko ang Ibatan, na maaaring sabihin na isang pangunahing sanga ng pamilyang Malayo-Polinesyo ng mga wikang Austronesyo.

Nauuri minsan ang wika ng Pulo ng Babuyan bilang isang diyalekto nitong wika. Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, lumipat sa Pulo ng Batan at kalupaang Luzon ang karamihan ng populasyon ng Babuyan. Tanging muling nadagdagan ang populasyon sa katapusan ng ika-19 na siglo sa pagdating ng mga pamilya mula sa Batan, karamihan sa kanila ay nagsasalita ng isa sa mga diyalekto ng Ivatan.[2]

Silipin din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ivatan sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
    Ibatan (Babuyan) sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. Ross, Malcolm (2005). "The Batanic Languages in Relation to the Early History of the Malayo-Polynesian Subgroup of Austronesian" [Ang Mga Wikang Bataniko Kaugnay sa Unang Kasaysayan ng Subgrupong Malayo-Polinesyo ng Austronesyo] (PDF). Journal of Austronesian Studies (sa wikang Ingles). 1 (2). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-03-22. Nakuha noong 2012-10-15.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.   Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.