Bimbisara
(Idinirekta mula sa Bimbisāra)
Si Bimbisara (Sanskrito: बिम्बिसारः, 558 BCE – 491 BCE)[1][2] ay isang Hari at kalaunan ay Emperador ng Imperyong Magadha mula 543 BCE hanggang sa kanyang kamatayan at nabibilang sa dinastiyang Hariyanka.[3] Ang kanyang pagpapalawig ng Kaharian lalo na ang kanyang pagsasama ng kaharian ng Anga sa silangan ay itinuturing na naglatag ng mga pundasyon para sa kalaunang pagpapalawig ng Imperyong Maurya.[4]
Bimbisara | |
---|---|
Emperador ng Imperyong Magadha | |
Paghahari | 543–491 BCE |
Kapanganakan | 558 BCE |
Kamatayan | 491 BCE |
Kahalili | Ajatasatru |
Konsorte | Kosala Devi |
Mga asawa | Chellana Kshema |
Supling | Ajatasatru |
Bahay Maharlika | Dinastiyang Haryanka |
Mga paniniwalang relihiyoso | Budismo |
Siya ay kilala sa kanyang mga nagawang pangkultura at isang dakilang kaibigan at tagapagingat ni Gautama Buddha. Itinayo ni Bimbisara ang siyudad ng Rajagriha na sikat sa mga kasulatang Budista. Siya ay hinalinhan sa trono ng kanyang anak na si Ajatashatru na pumatay sa kanyang ama upang makuha ang kapangyarihan. [4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Rawlinson, Hugh George. (1950) A Concise History of the Indian People, Oxford University Press. p. 46.
- ↑ Muller, F. Max. (2001) The Dhammapada And Sutta-nipata, Routledge (UK). p. xlvii. ISBN 0-7007-1548-7.
- ↑ Stearns, Peter N. (2001) The Encyclopedia of World History, Houghton Mifflin. pp. 76-78. ISBN 0-395-65237-5.
- ↑ 4.0 4.1 "Bimbisara". Encyclopædia Britannica Online. Nakuha noong 25 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)