Gautama Buddha

Tagapagtatag ng Buddhism

Si Gautama Buddha o Siddhārtha Gautama Buddha (Sanskrit: सिद्धार्थ गौतम बुद्ध; Pali: Siddhattha Gotama) ay isang gurong espiritwal mula sa subkontinenteng Indiyano na tagapagtatag ng Budismo. Siya ay isang prinsipeng ipinanganak sa Lumbini, mula sa angkan ng mga Shakya, sa isang lugar na matatagpuan sa makabagong Nepal malapit sa hangganan ng hilagang Indiya. Nanirahan siya ng halos buong buhay niya sa Hilagang Indiya at aktibong nagtuturo mula noong mga 563 BCE hanggang sa tinatayaang 483 BCE.

Gautama Buddha
Isang estatwa ni Buddha, Sarnath, ika-4 siglo CE
Kapanganakanc. 563 BCE [web 1]
Lumbini (ngayon ay Nepal)
Kamatayanc. 483 BCE (edad 80) o 411 at 400 BCE
Kilala saTagapagtatag ng Budismo
SinundanKassapa Buddha
SumunodMaitreya Buddha
Magulang

Ang Buddha ay nangangahulugang "isang nagising" o "isang naliwanagan". Ang "Buddha" ay ginagamit rin bilang isang pamagat para sa unang nagising na nilalang sa isang kapanahunan. Sa karamihan ng mga tradisyong Budista, si Siddhartha Gautama ang itinuturing bilang ang Kataastaasang Buddha (P. sammāsambuddha, S. samyaksaṃbuddha) ng ating panahon. [note 1] Si Gautama Buddha ay maaari ring tukuyin bilang Shakyamuni Buddha, Śākyamuni (Sanskrit: शाक्यमुनि "Pantas ng mga Śākya") o "Ang Isang Nagising ng Lahing Shakya." Si Gautama ay nagturo ng isang Gitnang Daan kumpara sa malalang asetisismo na matatagpuan sa kilusang Sramana [1] na karaniwan sa kanyang rehiyon. Kalaunan siyang nagturo sa buong mga rehiyon ng silanganing India gaya ng Magadha at Kośala.[2][3]

Isang mahalagang tao si Gautama sa Budismo at naging buod ang mga tala ng kanyang mga buhay, mga rasyonalidad, at monastikong mga panununtunan pagkatapos ng kanyang kamatayan at nasaulo ng mga sangha (komunidad). Naisalin ang mga katuruan sa pamamagitan ng tradisyong oral, naitala ito sa Tripitaka matapos ang apat na daang taon. Tinuturing ng mga Hindu si Gautama bilang isang avatar ni Panginoong Vishnu. Siya ang taga pagtatag ng buddismo.

Talambuhay

baguhin

Ang mga kuwento ukol sa buhay ni Buddha ay nagmula sa mga kasulatan ng Buddhismo.

Paglilihi at Kapanganakan

baguhin
 
Ang eksaktong lugar ng kapanganakan ni Gautama Buddha sa Lumbini,[web 1] na isa ring banal na dambana para sa mga Hindu na naniniwalang si Buddha ang ika-9 sa 10 mga Dashavatara ni Vishnu.[note 2]

]

 
Ang panaginip ni Māyādevī

Ayon sa tradisyon, si Buddha ay ipinanganak sa tinatayang 200 taon bago ang pamumuno ni haring Aśoka ng Maurya. Ayon sa karamihan ng mga tradisyonal na talambuhay ni Buddha, siya ay ipinanganak sa isang maharlikang pamilyang Hindu. Ang kanyang ama na si Haring Śuddhodana ang pinuno ng liping Shakya na ang kabisera ay Kapilavastu na kalaunang idinagdag na teritoryo ng Kaharian ng Kosala noong panahon ng buhay ni Buddha. Ang Gautama ang pangalan ng kanyang pamilya. Ang kanyang ina ay si Reyna Maha Maya (Māyādevī) na isang prinsesang Koliyan. Si Māyā at Haring Suddhodhana ay walang mga anak sa loob ng 20 taon ng kanilang kasal. Ayon sa isang salaysay, sa isang gabi na may buong buwan at natutulog sa palasyo, ang Reyna ay nagkaroon ng isang maningning na panaginip. Kanyang naramdaman ang kanyang sarili na tinatangay ng apat na mga deva (espirito) sa Ilog Anotatta sa mga Himalaya. Pagkatapos siyang paliguan sa ilog, siya ay binihasan ng mga deva ng mga makalangit na damit, pinahiran ng mga pabango at pinalamutian ng mga makadiyos na bulaklak. Sa sandaling pagkatapos nito, ang isang puting elepante na humahawak ng isang puting bulaklak na lotus sa nguso ay lumitaw at pumalibot sa kanya ng tatlong beses na pumasok sa kanyang sinapupunan sa pamamagitan ng kanyang kanang tagiliran. Ang elepante ay naglaho at ang reyna ay nagising na nalamang siya ay hinatiran ng isang mahalagang mensahe dahil ang elepante ay isang simbolo ng kadakilaan sa India.[4] Ayon sa tradisyong Budista, ang magiging si Buddha ay tumitira bilang isang bodhisattva sa langit na Tuṣita at nagpasyang kunin ang hugis ng isang elepante upang muling ipinanganak sa daigdig sa huling pagkakataon. Si Māyā ay nanganak kay Siddharta Gautama Buddha noong c. 563 BCE. Ang kaarawan ni Buddha ay malawak na pinagdiriwang sa mga bansang Theravada bilang Vesak. Ang kanyang kaarawan ay isang banal na araw na tinatawag na "Buddha Poornima" sa India dahil si Buddha ay pinaniniwalaang ipinanganak sa isang araw na buong buwan. Ang iba't ibang mga sanggunian ay nagsasaad na ang ina ni Buddha ay namatay sa kanyang kapanganakan na pagkatapos ng mga ilang araw o pitong araw. Ang sanggol ay pinangalang (Pāli: Siddhattha) na nangangahulugang "siya na nagkakamit ng kanyang layunin". Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ang hermitanyong manghuhula na si Asita ay naglalakbay mula sa kanyang tirahang bundok at naghayag na ang bata ay magigign isang dakilang hari (chakravartin) o isang dakilang banal na tao. Sa isang tradisyonal na salaysay, ito ay nangyari pagkatapos ilagay ni Siddharta ang kanyang mga paa sa buhok ni Asita at siniyasat ni Asita ang kanyang mga balat. Si Suddhana ay nagdaos ng isang seremonya ng pagpapangalan sa ikalimang araw at inanyayahan ang walong mga skolar na brahmin upang basahin ang hinaharap. Ang lahat ng mga ito ay nagbigay ng dalawang hula na ang sanggol ay magiging isang dakilang hari o isang dakilang banal na tao. Si Kaundinya (Pali: Kondañña) na pinakabata at kalaunang ang unang arahant maliban kay Buddha ang itinuturing na ang tanging isa na malinaw na humula na si Siddharta ay magiging Buddha. Bagaman ang kalaunang tradisyon ay naglarawan kay Śuddhodana bilang isang nagmanang hari na inapo ng Dinastiyang Solar ng Ikṣvāku (Pāli: Okkāka), maraming mga skolar ang nagpapalagay na siya ay hinalal na hepe ng isang pang-tribong kompederasiya.

Maagang buhay at pagpapakasal

baguhin
 
Paglisan ni Prinsipe Siddhartha

Ayon sa tradisyon, si Siddharate ay sinasabing nakatadhana sa kapanganakan sa buhay ng isang prinsipe at may mga tatlong palasyong itinayo para sa kanya. Bagaman ang kamakailang skolarship ay nagdududa sa katayuang ito, ang kanyang ama na sinasabing hari na nagnanais sa kanyang anak na maging isang dakilang hari ay nagprotekta sa kanya mula sa mga katuruang relihiyoso at mula sa kaalaman ng pagdurusang pantao. Si Siddharta ay pinalaki ng mas batang kapatid na babae ng kanyang ina na si Maha Pajapati.[5] Nang tumuntong siya sa edad na 16, pinagpapalagay na isinaayos ng kanyang ama ang kanyang pagpapakasal sa isang pinsan nang parehong edad sa nagngangalang Yaśodharā (Pāli: Yasodharā). Ayon sa tradisyonal na salaysay, ang kanyang asawa ay nanganak sa isang lalakeng pinangalanang Rāhula. Si Siddhartha ay sinasabing gumugol ng 29 taon bilang isang prinsipe sa Kapilavastu. Bagaman siniguro ng kanyang ama na si Siddharta ay binigyan ng lahat ng bagay na kanyang naisin o kailanganin, ang mga kasulatang Budista ay nagsasaad na nadama ng hinaharap na Buddha na hindi ang kayamanang materyal ang huling layunin ng Buhay.[5]

Paglisan

baguhin

Sa edad na 29, umalis si Siddhartha sa kanyang palasyon upang harapin ang kanyang mga nasasakupan. Sa kabila ng pagtatangka ng kanyang ma na itago mula sa kanya ang may karamdaman, matatanda, sinasabing nakakita pa rin si Siddhartha ng isang matandang tao. Nang ipaliwanag sa kanya ng kanyang magkakarwaheng si Channa na ang lahat ng mga tao ay tumatanda, naglakbay pa muli si Siddhartha nang lagpas sa kanyang palasyo. Sa mga paglalakbay na ito, kanyang nakita ang isang may karamdamang tao, isang nabubulok na bangkay at isang asetiko. Ito ay nagpabalisa sa kanya at sa simula ay sinikap na labanan ang pagtanda, karamdaman at kamatayan sa pamamagitan ng pamumuhay bilang asetiko.

Tumakas ng madali si Siddhartha sa palasyo sakay ang kanyang kabayong si Kanthaka at kasama si Chanan, at iniwan ang marangyang buhay upang maging pulubi. Naunang pumunta si Siddhartha sa Rajagaha at sinimulan ang buhay asetiko sa pamamagitan ng paglilimos sa daan. Ngunit siya’y nakikilala ng mga lalake ni Haring Bimbisara at inalok siya ng hari ng trono nito matapos marinig ang layunin ng paglalakbay ni Siddhartha. Ngunit tinanggihan niya ito at nangakong pupuntahan muna ang Magadha sa pagtatamo ng kaliwanagan.

Nilisan niya ang Rajagaha at nagsanay sa ilalim ng dalawang ermitanyo. Matapos makasanayan ang mga turo ni Alara Kalama, inalok siya ni Kalama na humalili sa kanya. Gayunpaman, si Siddharta ay hindi nakuntento sa pagsasanay at naging mag-aaral din siya ni Udaka Ramaputta, ngunit kahit marating na niya ang matataas na antas ng meditasyon at aluking palitan na si Udaka, nakita pa rin niya ang sarili niyang hindi kontento sa daang kangyang tinatahak kaya’t nagpatuloy na lamang siya.

Si Siddhartha at ang isang pangkat ng limang mga kasama na pinangunahan ni Kaundinya ay sinasabing nagtangka pa na higitan ang kanilang kahigpitan. Kanilang tinangkang hanapin ang kaliwanagan sa pamamagitan ng pag-aalis ng makamundong mga bagay kabilang ang pagkain na nagsasanay ng mortipikasyon ng sarili. Pagkatapos halos gutumin ang kanyang sarili tungo sa kamatayan sa pamamagitan ng pagtatakda ng kanyang pagkatain sa mga isang dahon o mani kada araw, siya ay bumagsak sa isang ilog samantalang naliligo at halos malunod. Pagkatapos ay naalala niya ang isang sandali sa kanyang pagkabata kung saan ay pinapanood niya ang kanyang ama na nagsisimula ng pag-aararo ng panahon. Kanyang nakamit ang isang nakatuon na estadong jhāna na sukdulang napakaligar at nagpananariwang muli.

Pagkamulat

baguhin
 
Ang Buddha na nagninilay-nilay ng nakaupo at pinapalibutan ng manunuksong demonyong si Mara at mga demonyong halimaw nito. Manuskritong Sanskrit; Nālandā, Bihar, India; Panahong Pāla

Ayon sa mga maagang tekstong Budista, pagkatapos niyang matanto na ang pagninilay nilay na jhana ang tamang landas sa pagkagising ngunit hindi ang sukdulang asetisismo, natuklasan ni Gautama ang tinatawag ng mga Budistang Gitnang Daan na isang landang ng kahinahunan mula sa mga kasukdulan ng pagpapapkasasa sa katawan at mortipikasyon ng sarili. Sa isang sikat na insidente, pagkatapos na magutom at manghina, sinasabing kanyang tinanggap ang gatas at pudding na kanin mula sa isang batang babae sa nayon na nagngangalang Sujata. Dahil sa kanyang pumayat na hitsura, napagkamalan siya ng bata na isang espirito na tumupad ng kanyang kahilingan. Pagkatapos nito, si Gautama ay sikat na umupo sa isang punong pipa na kilala ngayong punong Bodhi sa Bodh Gaya, India kung saan ay namanata siyang hindi kailanman tatayo hanggang sa matagpuan niya ang katotohanan. Sina Kaundinya at ibang apat na mga kasama ay lumisan dahil sa paniniwalang inabandona na niya ang kanyang paghahanap at naging hindi disiplinado. Sa pagninilay-nilay ni Siddharta sa ilalim ng punong Bodhi, tinukso siya ng demonyong si Mara ng mga magagandang anak na babae nito ngunit si Siddharta ay nanatili sa pagninilay-nilay. Pagkatapos ay nagpadala si Mara ng mga malalaking hukbo ng mga halimaw upang takutin si Buddha ngunit si Siddharta ay nakaupong hindi natitinag. Inangkin ni Mara na ang upuan ng kaliwanagan ay nararapat sa kanya at hindi kay Siddharta at nagsasabing ang kanyang mga nagawang espiritwal ay mas dakila kay Siddharta. Ang mga halimaw ni Mara ay tumangis ng sabay sabay na "Ako ang kanyang saksi!". Hinamon ni Mara si Siddharta na "sino ang magsasalita para sa iyo?". Hinipo ni Siddharta ang lupa ng kanyang kanang kamay at ang mundo ay umugong na "Ako ay nagpapatotoo sa iyo!" at pagkatapos ay naglaho si Mara.[6] Sa ilang salaysay, ang inang mundo ay umahon mula sa lupa at nagpadala ng isang malaking baha na tumangay kay Mara at kanyang mga hukbo. Pagkatapos ng 49 araw ng pagninilay-nilay sa edad na 35, sinasabing nakamit ni Siddharta ang Kaliwanagan. Ayon sa ilang mga tradisyon, ito ay nangyari sa tinatayang ikalimang buwang pangbuwan o sa ilan ay sa ikalabindalawang buwan. Mula noon, si Gautama ay nakilala ng kanyang mga alagad na ang Buddha o "Ang Isang Namulat o Nagising". Ang "Buddha" ay minsang isinasaling "Ang Isang Naliwanagan". Ayon sa Budismo, sa panahon ng kanyang pagkamulat, kanyang natanto ang kumpletong kabatiran tungo sa sanhi ng pagdurusa at sa mga hakbang na kailangan upang matanggal ito. Ang mga pagkakatuklas na ito ay tinatawag na "Ang mga Apat na Maharlikang Katotohanan" na nasa puso ng katuruang Budista. Sa pamamagitan ng pagsasanay ng katotohanang ito, ang isang katayuan ng supremang kalayaan ay pinaniniwalaang posible para sa sinumang nilalang. Ang Buddha ay naglarawan sa Nirvāna bilang ang sakdal na kapayapaan ng isipan na malaya mula sa kamangmangan, kasakiman, poot at ibang mga nagpapahirap na kalagayan o mga karumihan (kilesas). Ang Nirvana ay itinuturing ring ang "wakas ng daigdig" sa kadahilanang walang pansariling pagkakakilanlan o mga hangganan ng isipan ang nananatili. Sa gayong isang estado, ang isang nilalang ay sinasabing nag-aangkin ng Mga Sampung Katangian na kabilang sa Buddha. Ayon sa isang kuwento ng Āyācana Sutta (Samyutta Nikaya VI.1) — na isang kasulatang matatagpuan sa Pāli at iba pang mga kanon ng Budismo- sa sandaling pagkatapos ng kanyang pagkamulat, dinebate ni Buddha kung o kung hindi niya dapat ituro ang Dharma sa iba. Siya ay nabahala na ang mga tao ay labis na napanaigan ng kamangmangan, kasakiman at poot na hindi nila kailanman makikilala ang landas na malalim at mahirap maunawaan. Ayon sa kuwento, hinikayat siya ni Brahmā Sahampati na nangangatwirang kahit papaano ang ilan ay makakaunawa nito. Ang Buddha ay lumubag at umayon na magturo nito.

Pagkakabuo ng Sangha

baguhin
 
Ang Dhâmek Stûpa sa Sârnâth, India, na lugar ng unang pagtuturo ni Buddha kung saan ay kanyang itinuro ang Mga Apat na Maharlikang Katotohanan sa kanyang unang limang mga alagad.

Pagkatapos ng kanyang pagkamulat, kanyang nakilala ang dalawang mga mangangalakal na nagngangalang Tapussa at Bhallika na naging kanyang mga unang disipilong lay. Sila ay maliwanag na binigyan ng mga buhok mula sa kanyang ulo na ngayong inaangking nakalagay sa dambana bilang mga reliko sa Templong Shwe Dagon sa Rangoon, Burma. Nilayon ni Buddha na dalawin si Asita at ang kanyang mga dating guro na sina Alara Kalama at Udaka Ramaputta upang ipaliwanag ang kanyang mga natuklasan ngunit namatay na sila. Pagkatapos ay naglakbay siya sa Deer Park malapit sa Vārāṇasī (Benares) sa hilagaang India kung saan niya sinimulan ang Gulong ng Dharma sa pamamagitan ng paghahatid ng kanyang unang sermon sa kanyang mga limang kasama. Ang limang ito ay naging mga arahant at sa loob ng unang dalawang buwan sa pagkaakay ni Yasa ang limampung apat sa kanyang mga kaibigan, ang bilang ng mga gayong arahant ay sinasabing lumago sa 60. Ang pagkaakay ng tatlong mga magkakapatid na lalakeng nagngangalang Kassapa ay sumunod kasama ng kanilang mga respektibong alagad na 200,300 at 500. Ito ay nagpalago sa sangha sa higit sa 1,000.

Mga paglalakbay at mga pagtuturo

baguhin

Sa natitirang 45 taon ng kanyang buhay, si Buddha ay sinasabing naglakbay sa Kapatagang Gangetiko sa ngayong Uttar Pradesh, Bihar at katimugang Nepal na nagtuturo sa iba't ibang mga tao mula sa mga maharlika sa mga hindi kabilang sa kasteng mga tagawalis ng mga lansangan, mga mamamatay tao gaya nina Angulimala at mga kanibal gaya ni Alavaka. Sa simula, ang Budismo ay katumbas na bukas sa lahat ng mga lahi at mga klase at walang istruktura ng kaste na patakaran para sa mga Hindu sa panahong ito. Ang Sangha ay naglakbay sa subkontintente na nagpapaliwanag ng dharma. Ito ay nagpatuloy sa buong taon maliban sa mga apat na buwan ng panahong maulang vassana nang ang mga asetiko ng lahat ng mga relihiyon ay bihirang naglalakbay. Sa panahong ito ng tao, ang sangha ay pupunta sa mga monasteryo, mga parkeng pampubliko o mga kagubatan kung saan pumupunta ang mga tao sa kanila. Ang unang vassana ay ginugol sa Varanasi kung saan nabuo ang sangha. Pagkatapos nito, si Buddha ay tumupad ng pangako na maglakbay sa Rajagha na kabisera ng Magadha upang dalawin si Haring Bimbisara. Sa pagdalaw na ito, sina Sariputta at Maudgalyayana ay naakay ni Assaji na isa sa mga unang alagad ni Buddha. Ang mga ito ay naging nangungunang mga alagad ni Buddha. Ginugol ni Buddha ang kanyang sumunod na tatlong mga panahon sa monasteryong Veluvana Bamboo Grove sa Rajagaha. Sa pagkakarinig ng pagkamulat ng kanyang anak na lalake, si Suddhodana ay nagpadala sa isang panahon ng mga sampung delegasyon upang hilingin na bumalik sa Kapilavastu. Sa unang mga siyam na okasyon, nabigo ang mga delagado na ihatid ang mensahe at sa halip ay sumali sa sangha upang maging mga arahant. Gayunpaman, ang ikasampung delegasyon na pinangunahan ni Kaludayi na kaibigan sa kabataan ni Gautama naging isa ring arahant ay nabigong ihatid ang mensahe. Pagkatapos ng dalawang taon sa kanyang pagkamulat, si Buddha ay umayong bumalik at gumawa ng isang dalawang buwang paglalakbay sa pamamagitan ng paa sa apilavastu na nagtuturo ng dharma. Ang mga tekstong Budista ay nagsasalaysay na inanyayahan ni Suddhoana ang sangha sa palasyo para kumain na sinundan ng isang pagsasalita ng dharma. Pagkatapos nito, siya ay sinasabing naging isang sotapanna. Sa kanyang pagdalawa, maraming mga kasapi ng pamilyang maharlika ay sumali sa sangha. Ang mga pinsan ni Buddha na sina Ananda at Anuruddha ay naging dalawa sa kanyang mga limang pangunahing alagad. Sa edad na pito, ang kanyang anak na lalakeng si Rahula ay sumali rin naging isa sa kanyang mga sampung pangunahing alagad. Ang kanyang kalahating kapatid na si Nanda ay sumali rin at naging isang arahant. Sa mga alagad ni Buddha, sina Sariputta, Maudgalyayana, Mahakasyapa, Ananda at Anuruddha ang pinaniniwalaang ang limang mga malalapit sa kanya. Ang kanyang mga nangungunang alagad ay binuo nina Upali, Subhoti, Rahula, Mahakaccana at Punna. Sa ikalimang vassana, si Buddha ay nananatili sa Mahavana malapit sa Vasali nang kanyang marinig ang balita ng papalapit na kamatayan ng kanyang ama. Siya ay tumungo sa kanyang amang si Suddhodana at nagturo ng dharma na pagkatapos ay naging isang arahant ang kanyang ama. Ang kamatayan at kremasyon ng kanyang amang hari ay nagbigay inspirasyon sa orden ng mga madre. Ang mga tekstong Budista ay nag-uulat na nag-aatubili si Buddha na ordinahan ang mga babae. Ang kanyang umampong inang si Maha Pajapati ay lumapit sa kanya na humihiling na sumali sa sangha ngunit siya ay tumanggi. Gayunpaman, si Maha Pajapati ay masikap sa landas ng pagkamulat na kanyang pinangunahan ang isang pangkat ng mga maharlikang babaeng Sakyan at Koliyan na sumunod sa sangha sa isang mahabang paglalakbay sa Rajagaha. Kalaunan, pagkatapos na itaguyod ni Ananda ang kanilang layunin, sinasabing muling nagsaalang alang si Buddha at pagkatapos ng limang taon ng pagkakabuo ng sangha ay umayon na ordinahan ang mga babae bilang mga madre. Kanyang ikinatwirang ang mga lalake at babae ay may magkatumbas na kakayahan para sa pagkamulat. Gayunpaman, siya ay nagbigay sa mga babae ng mga karagdagang patakarang (Vinaya) susundin.

Mga pagtatangkang asasinasyon kay Buddha

baguhin

Ayon sa mga alamat, kahit sa buhay ni Buddha, ang sangha ay hindi malaya sa alitan at sigalutan. Halimbawa, si Devadatta na isang pinsan ni Buddha na naging monghe ngunit hindi isang arahant ay nagtangkang pumatay sa kanya ng higit sa isang beses. Sa isang instansiya, hiniling ni Devaddata na tumabi si Buddha at hayaan siyang mamuno sa sangha. Nang ito ay mabigo, siya ay inakusahang tatlong beses na nagtangkang pumatay sa kanyang guro. Ang unang pagtatangka ay sinasabing kinasasangkutan ng pag-upa ng isang pangkat ng mga arkero na panain ang isang namulat. Ngunit sa pakikipagkita kay Buddha, kanilang isinuko ang kanilang mga pana at sa halip ay naging mga alagad ni Buddha. Ang ikalawang pagtatangka sa buhay ni Buddha ay kinasasangkutan ng pagpapagulong ng isang malaking bato pababa sa bundok ngunit ito ay tumama sa isa pang bato at nagkahati hati na dumaplis lang sa paa ni Buddha. Sa ikatlong pagtatangka ni Devadata sa buhay ni Buddha, kanyang pinalasing ang isang elepante at pinalaya ngunit ito ay nabigo rin. Pagkatapos mabigo ni Devaddata sa pagpatay kay Buddha, siya ay natangkang lumikha ng pagkakabaha-bahagi sa sangha sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng karagdagang restriksiyon sa vinaya. Nang manaig muli si Buddha, si Devadatta ay nagpasimula ng isang humiwalay na orden. Sa simula, kanyang nagawang akayin ang ilan sa mga bhikku ngunit sinasabing epektibong naipaliwanag nina Sariputta at Maudgalyayana ang dharma sa kanila na sila ay nanumbalik.

Mga milagro

baguhin

Si Buddha ay sinasabing nagsagawa ng mga 3,500 milagro. Ang Mahajima Nikaya ay nagsasaad na si Buddha ay nag-angkin ng mas maraming mga labis na kapangyarihan kabilang ang kakayahan na lumakad sa tubig na karagdagang pinatunayan sa Angutara Nikaya. Si Buddha ay may kakayahang dumami sa milyon at pagkatapos ay bumalik. Siya ay may kakayahan na maglakbay sa espasyo, gawin ang kanyang sarili na kasing laki ng higante at kasing liit ng langgam, lumakad sa mga kabundukan, maglakbay sa kahanga hangang bilis,[7] sumisid papasok at palabas sa daigdig, maglakbay sa mga langit upang aralan ang mga diyos at bumalik sa daigdig, gawing hindi nakikita ang isang tao.[8] Si Buddha ay sinasabi ring nag-aangkin at nagsanay ng Iddhi, Telepatiya, labis na pagdinig, pagtingin at pagtingin sa mga nakaraang buhay.[9] Ayon sa isang salaysay: "[Ang isang alagad na nagnais] na bumisita kay Buddha sa isang gabi...ay natagpuan ang bangka na nawawala mula sa gilid ng ilog Acirvati. Sa isang pananampalatayang pagtitiwala kay Buddha, siya ay humakbang sa tubig at lumakad na tila sa tuyong lupain hanggang sa gitna ng daloy. At pagkatapos ay lumabas siya sa kanyang nakuntentong pagninilay nilay kay Buddha na kanyang nawala ang kanyang sarili at nakita ang mga ilog at natakot at ang kanyang mga paa ay nagsimulang lumubog. Ngunit kanyang pinilit ang kanyang sarili na mabalot muli sa kanyang pagninilay nila at sa pamamagitan ng kapangyarihan nito ay umabot sa malayong gilid ng ilog ng ligtas at naabot ang kanyang Panginoon".[10] Si Buddha ay iniulat na nagpakain ng 500 mga monghe Budista ng isang keyk na inilagay sa isang mangkok na panglimos at ito ay higit na sumobra na ang natira nito ay itinapon.[11] Sa Mahavagga 20:16, nagkaroon ng malakas na pag-ulan at pagbaha na ang tirahan ni Buddha ay lumubog sa baha. Gayunpaman, si Buddha ay nagkonseptualisa at sinanhi na ang tubig ay umurong upang makapaglakad siya sa gitna ng tubig sa tuyong lupain. Si Uruvela ay natakot na si Buddha ay tinangay ng baha at kaya ay naglayag sa baha upang tumungo sa tirahan ni Buddha at nakita ang paglutang ni Buddha sa hangin at pagbaba ni Buddha ng kanyang sarili sa bangka. Sinanhi rin ni Buddha na ang panggatong na kahoy ay mahati sa 400 piraso. Si Buddha ay isinaad na dalawang beses na sumailalim sa transpigurasyon sa sandali ng kanyang kaliwanagan at sa sandali ng kanyang kamatayan.[12]

Kamatayan

baguhin
 
Pagpasok ng Buddha sa Parinirvana. Sanskrit manuscript; Nālandā, Bihar, India; panahong Pāla
 
Ang pagsasalo ng mga reliko ng Buddha, Zenyōmitsu-Temple Museum, Tokyo

Ayon sa Mahaparinibbana Sutta ng kanon na Pali, sa edad na 80, inanunsiyo ni Buddha na sandaling maaabot na niya ang Parinirvana na huling katayuang walang kamatayan at kanyang lilisanin ang kanyang katawang panglupa. Pagkatapos nito, kinain ni Buddha ang kanyang huling pagkain na kanyang natanggap bilang handog mula sa panday na si Cunda. Si Buddha ay nagkasakit at inutos ni Buddha sa kanyang lingkod na si Ānanda na hikayatin si Cunda na ang pagkaing kanyang kinain ay walang kinalaman sa kanyang pagpanaw at ang pagkaing ito ang pagmumulan ng pinakadakilang merito dahil ito ay nagbigay ng huling pagkain para sa isang Buddha. Ayon kina Mettanando at von Hinüber, si Buddha ay namatay sa mesenterikong inparksiyon na isang sintomas ng matandang edad sa halip na pagkalason sa pagkain. Ang mga tiyak na nilalaman ng huling pagkain ni Buddha ay hindi maliwanag sanhi ng pagkakaiba sa mga tradisyong skriptural at hindi kalinawan sa salin ng ilang mga mahahalagang termino. Ang tradisyong Theravada ay naniniwalang si Buddha ay inalukan ng isang uri ng karne ng baboy samantalang ang tradisyong Mahayana ay naniniwalang si Buddha ay kumain ng isang kabuti na maaaring nakakalason. Si Ananda ay nagprotesta sa desisyon ni Buddha na pumasok sa Parinirvana sa inabandonang mga kagubatan ng Kuśināra (kasalukuyang Kushinagar, India) ng kahariang Malla. Gayunpaman, sinasabing pinaalalahanan ni Buddha si Ananda kung paanong ang Kushinara ay isang lupaing minsang pinamunuan ng isang matuwid na nagpapaikot ng gulong na hari na umaalingawngaw sa kagalakan. Pagkatapos ay hiniling ni Buddha ang lahat ng mga lingkod na Bikkhu na liwanagin ang anumang mga pagdududa at pagtatanong na meron sila. Sila ay wala. Ayon sa mga kasulatang Budista, si Buddha ay pumasok sa Parinirvana. Ang mga huling salita ni Buddha ay iniulat na: "Ang lahat ng mga kompositong bagay (Saṅkhāra) ay mabubulok. Sikapin ang inyong kalayaan nang may kasigasigan" (Pali: 'vayadhammā saṅkhārā appamādena sampādethā'). Ang katawang panglupa ni Buddha ay sinunog at ang kanyang mga reliko ay inilagay sa mga monumento o stupa. Ang ilan sa mga ito ay sinasabing umiiral hanggang sa kasalukuyan. Ang isa sa mga ito ang Templo ng Ngipin o "Dalada Maligawa" sa Sri Lanka na lugar na pinaniniwalang pinaglalagyan sa kasalukuyang ng kanang ngipin ni Buddha. Ayon sa mga historikal na kronika ng Pali ng Sri Lanka na Dīpavaṃsa at Mahāvaṃsa, ang koronasyon ni Emperador Ashoka ay 218 taon pagkatapos ng kamatayan ni Buddha. Ayon sa dalawang mga rekord sa Tsino na 十八部論 at 部執異論, ang koronasyon ni Emperador Ashoka ay 116 taon pagkatapos ng kamatayan ni Buddha. Kaya ang kamatayan ng pagpanaw ni Buddha ay 486 BCE ayon sa rekord na Theravāda o 383 BCE ayon sa rekord na Mahayana. Gayunpaman, ang aktuwal na tradisyonal na tinatanggap na petsa ng kamatayan ni Buddha sa mga bansang Theravāda ay 544 o 545 BCE dahil ang paghahari ni Emperador Ashoka ay tradisyonal na kinukwenta na mga 60 taong mas maaga kesa sa mga kasalukuyang pagtatantiya. Sa kamatayan ni Buddha, sikat na pinaniniwalaang kanyang sinabi sa kanyang mga alagad na huwag sumunod sa isang pinuno. Si Mahakasyapa ay pinili ng sangha na maging pinuno ng Unang Konsehong Budista. Ang dalawang mga pangunahing alagad ni Buddha na sina Maudgalyayana at Sariputta ay namatay bago si Buddha. Bagaman si Buddha ay tinatawag sa mga pinakaginagalang na mga pamagat na Buddha, Shākyamuni, Shākyasimha, Bhante at Bho, si Buddha ay nakilala pagkatapos ng kanyang parinirvana bilang Arihant, Bhagavā/Bhagavat/Bhagwān, Mahāvira, Jina/Jinendra, Sāstr, Sugata, at pinakasikat sa mga kasulatang Budista bilang Tathāgata.

Mga katuruan

baguhin

Ang ilang mga pundamental na katuruang itinuturo kay Gautama Buddha ang sumusunod:

  • Ang Apat na Maharlikang Katotohanan: Ang katotohanan ng dukkha (pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon), ang katotohanan ng pinagmulan ng dukkha, ang katotohanan ng pagtigil ngdukkha, ang katotohanan ng landas tungo sa pagtigil ngdukkha
  • Ang Maharlikang Makawalong Landas: Tamang pananaw o pagkaunawa, tamang layunin o tamang pag-iisip, tamang pananalita, tamang aksiyon, tamang pamumuhay, tamang pagsisikap, tamang kamatyagan, at tamang konsentrasyon.
  • Ang Pratitya-samutpada: ang isipan ay lumilikha ng pagdurusa bilang isang natural na produkto ng mga masalimuot na proseso.
  • Pagtakwil sa inpalibilidad ng tinatanggap na kasulatan: Ang mga katuruan ay hindi dapat tanggapin malibang ang mga ito ay nagmula sa karanasan at pinuri ng mga matatalino. Tingnan ang Kalama Sutta
  • Anicca (Sanskrit: anitya): Ang lahat ng mga bagay ay magwawakas.
  • Dukkha (Sanskrit: duḥkha): Walang iiral na sa huli ay nakakasapat.
  • Anattā (Sanskrit: anātman): Wala sa sakop ng karanasan na tunay na masasabing "Ako" o "Akin".
  • Nibbāna (Sanskrit: Nirvāna): Posible para sa mga may kamalayang nilalagang na matanto ang isang dimensiyon ng kamalayan na buong hindi binuo at mapayapa at magwakas ng lahat ng pagdurusa sanhi ng interaksiyon ng isipan sa kinondisyong mundo.

Si Buddha sa ibang relihiyon

baguhin
 
Si Buddha bilang ang ika-9 na Avatar ng Diyos ng Hinduismo na si Vishnu.

Sa Hinduismo, si Gautama Buddha ay itinuturing na isa sa mga 10 avatar ng Diyos na si Vishnu.[13] Si Gautama Buddha ay itinuturing ring isang propeta ng mga Ahmaddiya.[14][15][16] Si Buddha ay itinuturing na Manipestasyon ng Diyos sa pananampalatayang Bahá'í.[17] Ang ilang mga maagang mga Tsinong Taoistang-Budista ay naniwalang si Buddha ay isang reinkarnasyon ni Lao Tzu.[18] Ang Kristiyanong si San Josaphat ay nakabase sa buhay ni Buddha. Ang pangalang ito ay nagmula sa Sanskrit Bodhisatva sa pamamagitan ng Arabiko na Būdhasaf at Georgianong Iodasaph.[19] Ang tanging kuwento na pinaglitawan ni San Josaphat na Barlaam at Josaphat ay binase sa buhay ni Buddha.[20] Si Josaphat ay isinama sa mga mas maagang edisyon ng Martirolohiyang Romano (ang araw ng kanyang pista ay Nobyembre 27) bagaman hindi sa Romanong Missal. Si Josaphat ay isinama rin sa liturhikal na kalendaryo ng Simbahang Silangang Ortodokso sa Agosto 26 at itinuring na santo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Laumakis, Stephen. An Introduction to Buddhist philosophy. 2008. p. 4
  2. Warder, A.K. Indian Buddhism. 2000. p. 45
  3. Skilton, Andrew. A Concise History of Buddhism. 2004. p. 41
  4. "Life of Buddha: Queen Maha Maya's Dream (Part 1)". Buddhanet.net. Nakuha noong 2012-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Narada (1992), p14
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-03-26. Nakuha noong 2013-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mahavagga 20:7-9
  8. Mahavagga 7:8-10
  9. Maha-sihanada Sutta
  10. Rudolf Bultmann, The Gospel of John, Westminster, Philadelphia 1971: p240 quoted in Helms, Gospel Fictions, 81
  11. Jataka 78
  12. E.J. Thomas, The Life of Buddha, p245; EW Hopkins, The Message of Buddhism to Christianity, The Biblical World, Vol. 28, No. 2 (Aug., 1906), pp. 94-107
  13. Nagendra Kumar Singh (1997). "Buddha as depicted in the Purāṇas". Encyclopaedia of Hinduism, Volume 7. Anmol Publications PVT. LTD. pp. 260–275. ISBN 978-81-7488-168-7. Retrieved 2012-04-16 List of Hindu scripture that declares Gautama Buddha as 9th Avatar of Vishnu as as follows Harivamsha (1.41) Vishnu Purana (3.18) Bhagavata Purana 1.3.24, 2.7.37, 11.4.23 Bhagavata Purana 1.3.24 Bhagavata Purana 1.3.24, Garuda Purana
  14. Islam and the Ahmadiyya jamaʻat Retrieved on Pebrero 2011
  15. "Buddhism". Islam International Publications. Nakuha noong 9 Setyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "An Overview". Alislam. Nakuha noong 9 Setyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Smith, Peter (2000). "Manifestations of God". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 231. ISBN 1-85168-184-1.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. The Cambridge History of China, Vol.1, (The Ch'in and Han Empires, 221 BC—220 BC) ISBN 0-521-24327-0 hardback
  19. Macdonnel, Arthur Anthony (1900). "  Sanskrit Literature and the West.". A History of Sanskrit Literature. New York: D. Appleton and Co. p. 420.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Herbermann, Charles, pat. (1913). "Barlaam and Josaphat" . Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  1. 1.0 1.1 "Lumbini, the Birthplace of the Lord Buddha". UNESCO. Nakuha noong 26 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  1. Hypothetical root budh "perceive" 1. Pali buddha – "understood, enlightened", masculine "the Buddha"; Aśokan (the language of the Inscriptions of Aśoka) Budhe nominative singular; Prakrit buddha – ‘ known, awakened ’; Waigalī būdāī, "truth"; Bashkarīk budh "he heard"; Tōrwālī būdo preterite of , "to see, know" from bṓdhati; Phalūṛa búddo preterite of buǰǰ , "to understand" from búdhyatē; Shina Gilgitī dialect budo, "awake"; Gurēsī dialect budyōnṷ intransitive "to wake"; Kashmiri bọ̆du, "quick of understanding (especially of a child)"; Sindhī ḇudho, past participle (passive) of ḇujhaṇu, "to understand" from búdhyatē, West Pahāṛī buddhā, preterite of bujṇā, "to know"; Sinhalese buj (j written for d), budu, bud, but, "the Buddha".Turner, Sir Ralph Lilley (1962–1985). "buddha 9276". A comparative dictionary of the Indo-Aryan languages. London: Oxford University Press. Digital Dictionaries of South Asia, University of Chicago. p. 525. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 17 Hulyo 2012. Nakuha noong 22 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nagendra Kumar Singh (1997). "Buddha as depicted in the Purāṇas". Encyclopaedia of Hinduism, Volume 7. Anmol Publications PVT. LTD. pp. 260–275. ISBN 978-81-7488-168-7. Nakuha noong 2012-04-16.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) List of Hindu scripture that declares Gautama Buddha as 9th Avatar of Vishnu as as follows [Harivamsha (1.41) Vishnu Purana (3.18) Bhagavata Purana 1.3.24, 2.7.37, 11.4.23 Bhagavata Purana 1.3.24 Bhagavata Purana 1.3.24 Naka-arkibo 2007-09-26 sa Wayback Machine., Garuda Purana (1.1, 2.30.37, 3.15.26) Agni Purana 160.Narada Purana (2.72)Linga Purana (2.71) Padma Purana (3.252) etc. Bhagavata Purana, Canto 1, Chapter 3 Naka-arkibo 2013-05-21 sa Wayback Machine. - SB 1.3.24: "Then, in the beginning of Kali-yuga, the Lord will appear as Lord Buddha, the son of Anjana, in the province of Gaya, just for the purpose of deluding those who are envious of the faithful theist." ... The Bhavishya Purana contains the following: "At this time, reminded of the Kali Age, the god Vishnu became born as Gautama, the Shakyamuni, and taught the Buddhist dharma for ten years. Then Shuddodana ruled for twenty years, and Shakyasimha for twenty. At the first stage of the Kali Age, the path of the Vedas was destroyed and all men became Buddhists. Those who sought refuge with Vishnu were deluded." Found in Wendy O'Flaherty, Origins of Evil in Hindu Mythology. University of California Press, 1976, page 203. Note also SB 1.3.28: "All of the above-mentioned incarnations [avatars] are either plenary portions or portions of the plenary portions of the Lord [Krishna or Vishnu]"