Sa Budismo, ang isang bodhisattva (Sanskrito: बोधिसत्त्व bodhisattva; Pali: बोधिसत्त bodhisatta) ay isang naliwanagan (bodhi) na pag-iral (sattva) o o isang nilalang ng kaliwanagan na may anyong Sanskrit na baybay na satva sa halip na sattva, "isang may isipang bayani (satva) para sa kaliwanagan (bodhi)." Ang terminong Pali ay minsang isinasalin na "nilalang-karunungan"[1] bagaman sa mga modernong publikasyon at lalo na sa mga kasulatang tantriko, ito ay masa karaniwang inilalaan para sa terminong jñānasattva ("kamalayan-nilalang"; Tib. ཡེ་ཤེས་སེམས་དཔའ་་, Wyl. ye shes sems dpa’). Sa tradisyon, ang isang bodhisattva ay sinuman na inudyokan ng malaking kahabagan ay lumikha ng bodhicitta na isang kusang loob na kahilingan na makamit ang pagka-Buddha para sa kapakinabangan ng lahat ng mga may kamalayang nilalang.[2]

Dalawampu't limang mga Bodhisattva na bumababa mula sa Langit. Sining na Hapones, c. 1300.
Mga salin ng

Bodhisattva

Ingles: Enlightenment Being
Pali:बोधिसत्त
Sanskrit:बोधिसत्त्व
Birmano:ဗောဓိသတ်
(IPA: [bɔ́dḭθaʔ])
Tsino:菩薩, 菩萨
(pinyinpúsà)
Hapones:菩薩
(rōmaji: bosatsu)
Koreano:보살, 菩薩
(RR: bosal)
Mon:တြုံလၟောဝ်ကျာ်
([kraoh kəmo caik])
Sinhala:බෝධි සත්ත්‍ව (Bodhi Saththva)
Tibetan:བྱང་ཆུབ་སེམས་དཔའ་
(byang chub sems dpa)
Tamil:போதிசத்துவர்
Thai:โพธิสัตว์
phothisat
Vietnamese:Bồ Tát
Glossary of Buddhism

Ang bodhisattva ay isang sikat na paksa sa sining na Budismo. Ang paggamit ng terminong bodhisattva ay nagbago sa paglipas ng panahon. Sa maagang Budismong Indiano, halimbawa, ang terminong bodhisattva ay pangunahing ginagamit upang spesipikong tumukoy kay Buddha Shakyamuni sa kanyang mga dating naging buhay.[1][3] Ang mga Jataka na mga kuwento ng mga buhay ni Gautama Buddha ay nagpapakita ng iba't ibang mga pagtatangka ng bodhisattva na yakapin ang mga kalidad tulad ng sakripisyo sa sarili at moralidad.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Coomaraswamy, Ananda (1975). Buddha and the Gospel of Buddhism. Boston: University Books. p. 225. LCCN 64056434. ...the term Bodhisatta, or Wisdom-being, first used of Gautama between the Going-forth and the attainment of Nibbāna, came to mean a Buddha-designate....{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Bodhisattva Vow: A Practical Guide to Helping Others, page 1, Tharpa Publications (2nd. ed., 1995) ISBN 978-0-948006-50-0
  3. 3.0 3.1 http://www.britannica.com/EBchecked/topic/70982/bodhisattva