Wikang Tamil
(Idinirekta mula sa Tamil language)
Ang wikang Tamil ay isang wikang sinasalita sa estado ng Tamil Nadu ng Indiya. Ginagamit din ang wikang ito sa Sri Lanka, Singgapur at Malaysia. Kabilang ito sa mag-anak ng wikang Drabida. Isa itong wikang klasiko, at isa sa pinakamatandang wikang pampanitikan sa mundo. Ang pinakamatandang tekstong natagpuan na nasa wikang Tamil ay ang Tolkāppiyam. Isa ang Tamil sa pinakamatandang nabubuhay o umiiral pang wika sa mundo.
Ang Edisyon ng Wikang Tamil ng Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.