Wikang pampanitikan
Ang wikang pampanitikan ay isang uri ng wika. Ito ang pinakamayaman na uri. Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang pakahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idyoma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Sinasabi na ang panitikan ay ang kakambal na babae ng kasaysayan,[1] ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahan na lumikha ng mga tauhang kathang-isip o piksiyonal. Ito ay kadalasa'y nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan at malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan.
Sa isang malalim na kahulugan, ang wikang pampanitikan ay isang rehistro ng isang wika na ginagamit sa pagsusulat sa isang pormal, akademiko, o partikular ang magalang na tono; kapag nagsasalita o nagsusulat ng ganoong tono, tinatawag itong wikang pormal. Maaari itong pamantayang uri ng isang wika. Maaaring mapansin iba ito minsan mula sa iba't ibang uri ng wikang pasalita, subalit ang pagkakaiba sa pagitan ng mga anyong pampanitikan at di-pampanitikan ay mas malaki sa ilang wika kaysa sa iba. Kung may malakas na pagkakaiba sa pagitan ng anyong nakasulat at katutubong sinasalita, sinasabing nagtataglay ng diglosya ang wika.
Ang pag-unawa sa termino ay naiiba mula sa isang linggwistikong tradisyon sa isa pa at nakasalalay sa mga kumbensiyong terminolohikal na pinagtibay.[2][3]
Pampanitikang Tagalog
baguhinAng wikang Tagalog ang naging batayan ng wikang Filipino; parehong may iisang bokabularyo at sistemang pambalarila. Gayunpaman, mayroong makabuluhang kasaysayang pampulitika at panlipunan na pinagbabatayan ang mga dahilan ng pagkakaiba ng Tagalog at Filipino.
Hango ang makabagong Tagalog sa sinaunang Tagalog, na maaaring sinasalita noong panahong Klasikal, na siyang wika ng Estado ng Mai, Dinastiyang Tondo ayon sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna at timog Luzon. Ang mismong Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna ay ang pinakamaagang kilalang pampanitikang dokumento na umiiral pa sa ngayon na nakasulat ang ilan sa lumang Tagalog.[4] Isinulat ang sinauna o lumang Tagalog gamit ang Baybayin, isang pantig na bahagi ng pamilyang Brahmiko, bago ang ginawang Romanisado ng mga Kastila ang alpabeto simula sa huling bahagi ng ika-15 dantaon. Tagalog din ang sinasalitang wika sa Himagsikang Pilipino noong 1896.
Naninindigan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 na ang Filipino ang pambansang wika ng bansa at isa sa dalawang opisyal na wika, kasama ng Ingles. Ngayon, ang Filipino ay itinuturing na angkop na termino para sa wika ng Pilipinas, lalo na ng mga nagsasalita ng Filipino na hindi Tagalog, kung saan marami ang tumutukoy sa wikang Filipino bilang "batay sa Tagalog". Itinuturo ang wika sa mga paaralan sa buong bansa at ang opisyal na wika ng edukasyon at negosyo. Ang mga katutubong nagsasalita ng Tagalog naman ay binubuo ng isa sa pinakamalaking pangkat ng wika at sining ng Pilipinas, na tinatayang 14 milyon ang bilang.[5]
Ibang wika
baguhinIngles
baguhinSa karamihan ng kasaysayan nito, walang naging pagkakaiba sa wikang Ingles sa pagitan ng wikang pampanitikan (nakasulat) at wikang kolokyal o katutubo (sinasalita, subalit kinakatawan minsan ng nakasulat).[6] Pagkatapos ng Normanong Pagsakop ng Inglatera, halimbawa, inalis ng Latin at Pranses ang Ingles bilang mga wikang opisyal at pampanitikan,[7] at ang pamantayang pampanitikang Ingles ay hindi umusbong hanggang sa dulo ng Gitnang Panahon.[8] Sa panahong ito hanggang sa Renasimiyento, ang pagsasanay ng aureation (ang pagpakilala ng katawagan mula sa mga klasikong wika, kadalasan sa pamamagitan ng panulaan) ay naging isang mahalagang bahagi sa pagbawi sa katayuan para sa wikang Ingles, at maraming makasaysayang katawagang aureate ay bahagi na ngayon ng pangkalahatang karaniwang gamit. Ang modernong Ingles ay wala nang parehong pagkakaiba sa pagitan ng mga rehistrong pampanitikan at kolokyal.[6]
Tsino
baguhinAng pampanitikang Tsino (文言文; wényánwén; "pagsusulat ng nakasulat-na-pananalita") ay ang anyo ng sinulat na Tsino na ginamit sa dulo ng dinastiyang Han hanggang sa unang bahagi ng ika-20 dantaon. Patuloy na humiwalay ang pampanitikang Tsino mula sa Klasikong Tsino, habang ang mga diyalekto ng Tsina ay naging mas magkakahiwalay at habang klasikong wikang nakasulat ay naging mas mababang kinakatawan ng wikang sinasalita. Kasabay nito, malawak na nakabatay ang pampanitikang Tsino sa klasikong Tsino, at madalas na humihiram mula klasikong wika sa kanilang mga sulating pampanitikan. Kaya, pinapakita ng pampanitikang Tsino ang isang malaking pagkakatulad sa klasikong Tsino, kahit na bumaba ang pagkakatulad sa paglipas ng mga dantaon.[9]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Longmens Green (1945). British Book News 1945 (sa wikang Ingles).
- ↑ Siatkowska, Ewa (2017). "Standaryzacja po kurpiowsku". Polonica (sa wikang Polako). 37: 5. doi:10.17651/polon.37.12. ISSN 0137-9712.
- ↑ Polański, Kazimierz, pat. (1999). Encyklopedia językoznawstwa ogólnego (sa wikang Polako). Wrocław: Ossolineum. p. 271. ISBN 83-04-04445-5.
- ↑ Postma, Antoon (April–June 1992). "The Laguna Copper-Plate Inscription: Text and Commentary". Philippine Studies (sa wikang Ingles). 40 (2). Ateneo de Manila University: 182–203. JSTOR 42633308.
- ↑ "Tagalog - Language Information & Resources". www.alsintl.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2017. Nakuha noong 7 Hunyo 2025.
- ↑ 6.0 6.1 Matti Rissanen, History of Englishes: New Methods and Interpretations in Historical Linguistics, Walter de Gruyter, 1992, p9. ISBN 3-11-013216-8 (sa Ingles)
- ↑ Elaine M. Treharne, Old and Middle English C.890-c.1400: An Anthology, Blackwell Publishing, 2004, pxxi. ISBN 1-4051-1313-8 (sa Ingles)
- ↑ Pat Rogers, The Oxford Illustrated History of English Literature, Oxford University Press, 2001, p3. ISBN 0-19-285437-2 (sa Ingles)
- ↑ Li, Chris Wen-chao (2016). The Routledge encyclopedia of the Chinese language (sa wikang Ingles). Oxon. pp. 408–409. ISBN 9781317382492. Nakuha noong 3 Abril 2023.
{{cite book}}
: CS1 maint: location missing publisher (link)