Pagkalason sa pagkain
Ang pagkalason sa pagkain ay nangyayari kung kailan ang isang tao ay nagkakasakit mula sa pagkain o inuming panis na o ‘di kaya ay kontaminado. Mayroong dalawang klase ng pagkalason sa pagkain: pagkalason dahil sa toksik na tagapangasiwa o nakakahawang tagapangasiwa. Ang impeksyon mula sa pagkain ay nangyayari kung kailan ang pagkain ay mayroong bakterya o ibang mga mikrobyo na hinahawaan ang katawan matapos itong makain. Ang intoksikasyon mula sa pagkain ay nangyayari kung kalian ang pagkain ay mayroong mga toksin, kasali ang eksotoksin na ginagawa ng mga bakterya, na maaaring mangyari kahit na ang mikrobyo na gumagawa ng toksin ay hindi na matagpuan o kayang magdulot ng impeksyon. Kahit na ito ay karaniwang tinatawag na “pagkalason sa pagkain,” ang nagiging sanhi sa halos lahat ng pagkakataon ay ang iba't ibang pathogenic na mga bakterya, mga birus, mga prion o mga parasitiko na nagiging kontaminado ng pagkain, bukod sa kemikal o natural na mga toksin na karaniwan nating tinatawag na lason. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, tinatayang 76 milyong katao sa Estados Unidos ang nagakasakit dahil sa pagkaing kinain nila at tinatyang limang libo sa kanila ang namamatay taun-taon.
Ang mga sintomas ay nagsisimula ng ilang oras hanggang ilang araw matapos ang pagkain. Depende sa kung ano ang naging sanhi ng pagkalason, binubuo sila ng maaaring isa o higit pa ng mga sumusunod: pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, gastroenteraytis, lagnat, pananakit ng ulo o panghihina.
Sa halos lahat pagkakataon, ang katawan ay may kakayahan na gumaling ng permanente matapos ang maikling panahon ng kahirapan at sakit. Ang mga sakit mula sa pagkain ay maaring magdulot ng permanenteng mga problema sa kalusugan o kaya'y kamatayan, lalo na para sa mga tao kung saan ito ay higit na mapanganib, napapabilang dito ang mga sanggol, mga bata, mga buntis (at ang kanilang mga anak), mga matatanda, mga maysakit at ang iba pang mayroong mahihinang sistemang imyuno.