24°41′45.29″N 84°59′29.29″E / 24.6959139°N 84.9914694°E / 24.6959139; 84.9914694

Ang punong Mahabodhi Tree sa Sri Templong Mahabodhi sa Bodh Gaya
Ang Vajrashila kung saan si Gautama Buddha ay umupo sa ilalim ng Punong Bodhi sa Bodh Gaya.

Ang punong Bodhi na kilala bilang Bo (mula sa Sinhalese Bo) ay isang malaki at napakatandang punong Sagradong Igos (Ficus religiosa) na nasa Bodh Gaya (mga 100 km (62 mi) mula sa Patna sa estado ng India ng Bihar) na sa ilalim nito ay si Gautama Buddha ay sinasabing nagkamit ng kaliwanagan o Bodhi. Sa ikonograpiyang relihiyoso, ang punong Bodhi ay makikilala sa mga dahon nitong hugis puso na karaniwang prominenteng pinapakita. Ang terminong Bodhi ay malawakan ring nilalapat sa kasalukuyang mga umiiral na puno partikular na ang Sagradong Igos na lumalago sa Templong Mahabodhi sa Bodh Gaya na isang direktang supling na itinanim noong 288 BCE mula sa orihinal na specimen. Ang punong ito ay kadalasang destinasyon para sa mga peregrino na pinakamahalaga sa mga apat na pangunahing mga lugar ng Budistang peregrinasyon. Ang ibang mga banal na punong Bodhi na may malaking kahalagahan sa kasaysayan ng Budismo ang punong Anandabodhi sa Sravasti at ang punong Bodhi sa Anuradhapura, Sri Lanka. Ang pareho ay pinaniniwalaang pinarami mula sa orhinal na punong Bodhi.