Mara (demonyo)
Si Mara (Sa Sanskrit rin ay Māra; Tibetan Wylie: bdud; Birmano: မာရ်နတ်) sa Budismo ang demonyo na tumukso kay Gautama Buddha sa pamamagitan ng pang-aakit sa kanya ng pangitain ng mga magagandang babae na ayon sa iba't ibang mga alamat ay kadalasang sinasabing ang mga anak na babae ni Mara.[1] Sa Kosmolohiyang Budista, si Mara ay kumakatawan sa mga hindi malusog na udyok, kawalang kasanayan, ang "kamatayan" ng buhay espiritwal. Siya ay manunukso na gumugulo sa mga taong magsanay ng buhay espiritwal sa pamamagitan ng paggawa sa makamundo na nakakabighani o ang mga negatibo ay tila positibo. Gayunpaman, sa mga maagang eskwelang Budista, sa halip na isang demonyo si Mara ay halos makapangyarihan sa lahat na Panginoon ng Kasamaan at tumuturing na mas panggulo.
Sa tradisyonal na Budismo, ang mga apat na kahulugan ng salitang "mara" ay ibinigay:
- Klesa-mara, o Mara bilang pagkakatawan ng lahat ng mga walang kasanayang emosyon.
- Mrtyu-mara, o Mara bilang kamatayan sa kahulugan ng walang tigil na ikot ng kapangakan at kamatayan.
- Skandha-mara, o Mara bilang metapora ng kabuuan ng may kondisyong pag-iral.
- Devaputra-mara, o Mara na anak na lalake ng isang deva(diyos) na si Mara bilang isang obhektibong umiiral na nilalang sa halip na isang metapora.
Ang maagang Budismo ay kumikilala sa parehong isang literal at sikolohikal na interpretasyon ng Mara. Si Mara ay inilalarawan bilang isang entidad na mayroon isang literal na pag-iral gaya ng iba't ibang mga diyos ng panteon na Vediko na ipinapakitang umiiral sa paligid ni Buddha. Siya ay inilalarawan rin bilang pangunahing isang pwersang sikolohikal na isang metapora para sa iba't ibang mga proseso ng pagdududa at tukso na humahadlang sa kasanayang espiritwal. Ang "pagsalangsalang ni Buddha kay Mara" ay isang karaniwang pose ng mga iskultura ni Buddha. Si Buddha ay ipinapakita na may kaliwang kamay sa kanyang kandungan, ang palma ay nakaharap pataas at ang kanyang kanang kamay sa kanyang kanang tuhod. Ang mga daliri sa kanyang kanang kamay ay humihipoi sa mundo upang tawagin ang mundo bilang saksi sa kanyang pagsalangsang kay Mara at pagkakamit ng kaliwanagan. Ang posturang ito ay tinuturing ring "humihipo sa mundong" mudra.