Binagkat
Ang binagkat ay isang lutuing tinamisan sa pulo ng Poliliyo sa lalawigan ng Quezon. Ang lamang kati na gamit dito ay tinawag na galyang (palaw sa Bisaya) na isang uri ng malaking gabi na nakukuha sa kumunoy o tabi ng bukal ng tubig. Ayon sa nakarating na sa Poliliyo, ang binagkat ay lalung masarap kapag hinahampas muna bago iluto sa gata ng niyog. Ang tamis o sirup nito ay bukod na niluluto at ibinubuhos na lang sa lutong galyang kapag kakainin na. Isa nga itong kilalang pagkain sa mga liblib na dako na mainam ipalit sa tinapay at sitsirya sa agahan at merienda. Sa ibang lalawigan, ang balinghoy ang ginagamit dahil madali itong makita sa kapaligiran at sa pamilihan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Pagluluto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.