Biyoimpormatika

(Idinirekta mula sa Bioimpormatika)

Ang biyoimpormatika ay ang pag-aaral ng malalaking mga dami ng impormasyong biyolohikal o kabatirang pambiyolohiya. Sa karamihan, tumutuon ito sa mga molekulang katulad ng DNA. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng tulong ng mga kompyuter. Kung kaya't ito ang paggamit ng estadistika at agham pangkompyuter sa larangan ng biyolohiyang molekular. Ang katawagang biyoimpormatika ay inimbento nina Paulien Hogeweg at Ben Hesper noong 1978 para sa pag-aaral ng mga prosesong pangkabatiran o impormatika sa mga sistemang biyotiko[1]. Magmula noong hindi bababa sa hulihan ng dekada ng 1980, ang pangunahing gamit nito ay ang sa henomiks (henomika) at henetika, partikular na sa mga area ng henomiks na kinasasangkutan ng may malakihang sukat na pagsesekuwensiya ng DNA. Sa kasalukuyan, kinasasangkutan na ang biyoimpormatika ng paglikha at pagpapasulong ng mga kalipunan ng dato (database), mga algoritmo, mga teknikong pangkomputasyon at pang-estadistika at teoriya upang malutas ang mga suliraning pormal at praktikal na nagmumula sa pamamahala at pagsusuri ng datong pambiyolohiya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hogeweg, P. (1978). Simulating the growth of cellular forms. Simulation 31, 90-96; Hogeweg, P. at Hesper, B. (1978) Interactive instruction on population interactions. Comput Biol Med 8:319-27.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya at Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.