Biyospero

(Idinirekta mula sa Biospero)

Ang biyospero ay ang kabuuan ng nasasakupan ng mga organismong nabubuhay sa daigdig, kasama ang pinamumuhayan nilang hangin o himpapawid, lupa o lupain, at tubig. Subalit hindi kasama sa biospero ang mga bahagi ng mundo na hindi pinaninirahan ng mga bagay na may buhay.[1]

Sa pangkalahatan, matatawag na biyospero ang kahit anong lugar na sarado at nakakatakbo ng mag isa na ekosistema. Kasama na rito ang tulad ng Biosphere 2 at BIOS-3 at iba pang mga potensyal na lugar tulad ng ibang planet at buwan.

Etimolohiya

baguhin

Ang salitang "biyospero" o "biosphere" ay inisip ni Eduard Suess noong 1875. Kung saan ang lugar sa planetang ito kung saan ang buhay ay naninirahan.[2]

Biyospero ng Daigdig

baguhin

Ang kaunaunahang ebidensya ng buhay sa planeta ay ang biyohenikong biogenic grapayt na may edad na 3.7 bilyong taong gulang. Ang buhay ay nakakalat sa buong planeta, mula sa malamig na niyebe hanggang sa ekwador ay nagmamalas ng mga buhay sa iba't ibang paraan.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga buhay na selula ay tinatayang nasa 1030; ang kabuuan simula noong nagsimula ang Daigdig, bilang 1040, at ang kabuuang bilang para sa buong panahon ng isang natitirhang planetang Daigdig bilang 1041.[3][4]

Biyoma

baguhin

Sa ekolohiya, ang biyoma o bioma (Ingles: biome) ay bahagi ng biyospero na inilalarawang pangklima at pangheograpiya bilang parehong mga kondisyong pangklima sa daigdig gaya ng pamayanan ng mga halaman, hayop at mga organismo sa lupa[5] at kadalasang tinutukoy bilang mga ekosistema.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Biyospero". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na B, pahina 514.
  2. Suess, E. (1875) Die Entstehung Der Alpen [The Origin of the Alps]. Vienna: W. Braunmuller. (sa Ingles)
  3. Overbye, Dennis (1 Disyembre 2023). "Exactly How Much Life Is on Earth? - According to a new study, living cells outnumber stars in the universe, highlighting the deep, underrated link between geophysics and biology". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Crockford, Peter W.. The geologic history of primary productivity. Current Biology. 6 Nobyembre 2023 [cited 1 Disyembre 2023];33(21):P7741-4750.E5.
  5. The World's Biomes, nakuha noong Agosto 19, 2008, mula sa University of California Museum of Paleontology