Otto von Bismarck

(Idinirekta mula sa Bismarck)

Si Otto Eduard Leopold, Prinsipe ng Bismarck, Duke ng Lauenburg (1 Abril 1815 – 30 Hulyo 1898), kilala bilang Otto von Bismarck, ay isang konserbatibong Prusong estadista na nangingibabaw sa mga gawaing Aleman at Europeo mula sa mga 1860 hanggang 1890. Noong mga 1860, siya ay naginhinyero ng isang serye ng mga digmaan na nakapag-isa sa mga estadong Aleman, makabuluhang at kusang hindi sinama ang Austria, sa isang malakas na Imperyong Aleman sa ilalim ng Prusong pamumuno. Sa gayon na mga naganap nang 1871, kanyang mahusay na ginamit ang diplomasyang balanse ng kapangyarihan upang mapanatili ang posisyon ng Alemanya sa isang Europa na kung saan, sa kabila ng maraming mga alitan at takot ng digmaan, ay nanatili sa kapayapaan. Para sa historyador na si Eric Hobsbawm, si Bismarck ang "nanatiling itinuturing na kampeon ng mundo sa laro ng maraming panig na diplomatikong ahedres para sa halos dalawampung taon matapos ang 1871, [at] tinuon ang kanyang sarili eksklusibo, at matagumpay, sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng mga kapangyarihan."[2]

Otto von Bismarck
Si Bismarck noong 1881
Unang Kansilyer ng Alemanya
Nasa puwesto
21 Marso 1871 – 20 Marso 1890
MonarkoWilhelm I
Friedrich III
Wilhelm II
DiputadoOtto zu Stolberg-Wernigerode
Karl Heinrich von Boetticher
Nakaraang sinundanPagtatag ng puwesto
Sinundan niLeo von Caprivi
Pangulong Ministro ng Prusya
Nasa puwesto
9 Nobyembre 1873 – 20 Marso 1890
MonarkoWilhelm I
Friedrich III
Wilhelm II
Nakaraang sinundanAlbrecht von Roon
Sinundan niLeo von Caprivi
Nasa puwesto
23 Setyembre 1862 – 1 Enero 1873
MonarkoWilhelm I
Nakaraang sinundanAdolf zu Hohenlohe-Ingelfingen
Sinundan niAlbrecht von Roon
Kansilyer ng Hilagang Aleman na Kalaguman
Nasa puwesto
1 Hulyo 1867 – 21 Marso 1871
PanguloWilhelm I
Nakaraang sinundanPagtatag ng puwesto
Sinundan niPagbuwag ng puwesto
Ministrong Panlabas ng Prusya
Nasa puwesto
23 Nobyembre 1862 – 20 Marso 1890
Punong MinistroKanyang sarili
Albrecht von Roon
Nakaraang sinundanAlbrecht von Bernstorff
Sinundan niLeo von Caprivi
Personal na detalye
Isinilang1 Abril 1815
Schönhausen, Kreis Jerichow II, Lalawigan ng Sahonya, Prusya
(sa modernong Sahonya-Anhalt, Alemanya)
Yumao30 Hulyo 1898 (edad 83)
Friedrichsruh, Schleswig-Holstein, Imperyong Aleman
Partidong pampolitikaNagsasarili
AsawaJohanna von Puttkamer
(1847–94; kanyang kamatayan)
AnakMarie
Herbert
Wilhelm
MagulangKarl Wilhelm Ferdinand von Bismarck (1771–1845)
Wilhelmine Luise Mencken (1789–1839)
Alma materUnibersidad ng Göttingen
Unibersidad ng Berlin
Unibersidad ng Greifswald[1]
PropesyonManananggol
Pirma

Noong 1862, inihalal ni Haring Wilhelm I si Bismarck bilang Pangulong Ministro ng Prusya, isang posisyon na panghahawakan niya hanggang 1890 (mabilang sa isang maikling pagkatigil noong 1873). Kumilos siya ng tatlong maiikling, hindi mapag-aalinlanganan na mga digmaan laban sa Dinamarka, Austria, at Pransiya, na naghanay ng mas maliit na mga estadong Aleman sa likod ng Prusya sa pagtalo nito sa Pransiya. Noong 1871, binuo niya ang Imperyong Aleman na ang kanyang sarili bilang Kansilyer, habang napanatili ang pagkontrol sa Prusya. Ang kanyang diplomasya ng realpolitik at malakas na panuntunan sa amang-bayan ay nagkamit sa kanya ng palayaw na "Kansilyer na Bakal." Ang pag-iisang Aleman at ang mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ay ang pundasyon sa kanyang patakarang panlabas. Ayaw niya ang kolonyalismo ngunit atubili na nagtayo ng isang imperyong ibayong dagat noong ito ay hiniling ng parehong mga piling tao at opinyon ng masa. Napagsabaysabay ang isang napaka-komplikadong magkakakabit na serye ng mga kumperensya, mga negosasyon at mga alyansa, ginamit niya ang kanyang mga diplomatikong kasanayan upang mapanatili ang posisyon ng Alemanya at ginamit ang balanse ng kapangyarihan upang mapanatili ang kapayapaan ng Europa noong mga 1870 at mga 1880.

Isang dalubhasa ng mga kumplikadong politika sa bahay, nilikha ni Bismarck ang unang estadong pangkapakanan sa modernong mundo, na may layunin ng pagkakamit ng suporta ng klase ng mga nagtatrabaho na maaaring 'di kaya'y pumunta sa kanyang mga Sosyalistang kaaway.[3]

Mga maagang taon

baguhin
 
Si Bismarck nang siya'y 21, 1836

Ipinanganak si Bismarck sa Schönhausen, isang arian ng mayamang pamilya na matatagpuan kanluran ng Berlin sa Prusong lalawigan ng Sahonya. Ang kanyang ama, si Karl Wilhelm Ferdinand von Bismarck (1771–1845), ay isang Junker na may ari-arian at dating Prusong militar na opisyal; ang kanyang ina, si Wilhelmine Luise Mencken (1789–1839), ay ang edukadong anak na babae ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan sa Berlin. Mayroon siyang dalawang kapatid, si Bernhard (1810–1893) at si Malwine (1827–1908). Nakita ng mundo si Bismarck bilang isang karaniwang Prusong Junker, isang imahe na hinihikayat niya sa pamamagitan ng pagsuot ng mga unipormeng pangmilitar. Si Bismarck ay mahusay na edukado at kosmopolitan na may regalo para sa pag-uusap. Bukod pa sa kanyang katutubong Aleman, siya ay matatas sa wikang Ingles, Pranses, Italyano, Polako at Ruso.[4]

Si Bismarck ay nag-aral sa mababang paaralan ng Johann Ernst Plamann, at ang Friedrich-Wilhelm at Graues Kloster sekundaryong mga paaralan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Steinberg, Jonathan. Bismarck: A Life. p. 51. ISBN 9780199782529.
  2. Eric Hobsbawm, The Age of Empire: 1875–1914 (1987), p. 312.
  3. Steinberg, 2011, pp.8, 424, 444; Bismarck specifically referred to Socialists, among others, as "Enemies of the Reich".
  4. Lowe, Charles (2005). Prince Bismarck: An Historical Biography With Two Portraits. Kessinger Publishing. p. 538. ISBN 9781419180033.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)