Realpolitik
Ang realpolitik (mula sa Aleman: real: "realistiko", "makatotohanan", "praktikal", o "aktuwal"; at politik: "pulitika", Pagbigkas sa Aleman: [ʁeˈaːlpoliˌtɪk]) ay ang pulitika o diplomasya na pangunahing nakabatay sa kapangyarihan at sa mga bagay na praktikal o materyal at mga pagsasaalang-alang o mga kunsiderasyon, sa halip na tahasan o malinaw na mga pagkahiwatig (nosyon) o mga saligang moral o etikal. Sa ganitong respeto, kaisa ito ng mga aspeto ng pagharap nitong pampilosopiya (pilosopikal) sa mga aseptong realismo at pragmatismo. Ang katagang realpolitik ay paminsan-minsang ginagamit na panira upang magpahiwatig ng pulitikang mapilit o namimigil (koersiyon), amoral, o Machiavelliano. Sa Estados Unidos, ang realpolitik ay isang patakarang panlabas (ng bansa) kung saan ang mga interes o kapakanan ng Estados Unidos ay ipinangingibabaw sa mga pagsasaalang-alang na pang-etika o pangprinsipyo.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R127.