Biyolohiyang pandagat
Ang biyolohiyang pandagat o biyolohiyang pangkaragatan ay ang makaagham na pag-aaral ng anumang nabubuhay na hayop o halaman sa karagatan, pati iyong mga nasa iba pang mga maalat o matabsing na mga katawan ng katubigan. Tinatawag na mga biyologong pandagat (lalaki) o biyologang pandagat (babae) ang mga taong nag-aaral ng biyolohiyang pandagat. Dapat na malaman ng mga biyologong pandagat ang maraming mga bagay-bagay tungkol sa mga hayop at halaman na kanilang pinag-aaralan. Dapat rin nilang maunawaan kung paano gumagana ang karagatan. Tinatawag na osyanograpiya ang pag-aaral kung paano gumagana ang karagatan. Maraming mga uri ng mga hayop at halaman sa dagat na mapag-aaralan.
Sa biyolohiya, maraming mga uri mula sa mga lapi, mga pamilya, at sari na namumuhay sa karagatan at mayroon ding nabubuhay sa lupa. Sa biyolohiyang marina, biyolohiyang pangmarina, o biyolohiyang pandagat, iniuuri ang mga uri ayon sa kapaligiran sa halip sa taksonomiya. Naiiba ang biyolohiyang pandagat mula sa ekolohiyang pandagat dahil nakatuon ang ekolohiyang pandagat o ekolohiyang marina sa kung paano ang interaksiyon sa pagitan ng mga organismo sa isa't isa at sa kanilang kapaligiran, at ang biyolohiya ay ang pag-aaral ng mga organismo mismo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.