Sari
Ang pagkakasunud-sunod (herarkiya) ng walong pangunahing hanay pang-taksonomiya sa katipunang biyolohikal. Hindi ipinakikita ang mga ranggong panggitna.
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Sari (paglilinaw).
Ang sari[1] (o genus [isahan] o genera [maramihan])[1] ay isang mababang kahanayang pangtaksonomiya na ginagamit sa pagtitipun-tipon ng mga nilikhang nabubuhay at maging ng mga bakas ng mga organismong nawala na sa mundo. Katulad ng lahat ng iba pang mga pamangkat (yunit) na pangtaksonomiya, ang sari ay maaaring hatiin pa sa mga kuburhay (subgenus o subgenera). Nasa ilalim ng hanay ng mga sari ang mga sarihay
Pamantayan at patakaranBaguhin
Ang patakarang-gabay sa pagtatakda ng hangganan ng isang sari ay ang mga sumusunod,[2] kung saan sinasabing dapat na matupad ang tatlong pamantayang nakalahad upang maging ganap ang paglalarawan:
- monopilya (monophyly) – lahat ng mga anak ng mga ninunong “taxon” ay pinagsama-sama
- makatuwirang pagkakasiksik (reasonable compactness) – dapat na hindi pinapalawig ang sari kung hindi naman kinakailangan
- kaibahan (distinctness) – hinggil ito sa pamantayang may kaugnayan sa pagunlad (ebolusyon) ng sari, katulad ng ekolohiya, morpolohiya, o biyoheograpiya; tandaan lamang na ang mga pag-uugpungang pang-DNA ay mga “kinalabasan,” sa halip na mga “pangyayari” ng mga nagsasangang mga pagunlad ng salinlahi, maliban na lamang sa mga kaso kung saan tuwiran nilang pinipigilan ang saling-agos ng mga yunit ng pagmamana ng mga katangian o (gene). Tinatawag na mga pangharang matapos mabuo ang zygote (postzygotic barrier) ang mga ito.
Tingnan dinBaguhin
Mga sanggunianBaguhin
Mga talababaBaguhin
- ↑ 1.0 1.1 "Sari at Genus, pahina 1200". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
- ↑ Gill, et al. 2005
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Genus " ng en.wikipedia. |
Iba pang mga sanggunianBaguhin
- Nomenclator Zoologicus (Pagpapangalang pang-Soolohiya): Indeks ng lahat ng mga kapangalanang pang-sari at pang-subsari ng soolohiya mula 1758 hanggang 2004.
- Pangkalahatang katawagan mula sa biolib.cz