Black Blood Brothers
Ang Black Blood Brothers (ブラック・ブラッド・ブラザーズ Burakku Buraddo Burazāzu) ay isang nobelang sinulat ni Kōhei Azano at ginuhit ni Yuuya Kusaka. Naging anime ito noong 2006.
Ang istorya
baguhinSa isang giyerang piksiyon na tinawag na Hong Kong Crusade, isang Cold Blood na bampira na si Jirou Mochizuki alyas Silver Blade o cold blood, ang lumaban at tumalo sa hari ng Kowloon at halos lahat ng anak ng Kowloon. Sampung taon ang lumipas at pumunta sa bansans Hapon si Jirou kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Kotaro sa pag-asang marating ang Special Zone, isang sikretong siyudad kung saan payapang naninirahan ang ilang bampira. Kalaunan, madidiskubre nila ang isang masamang plano sa Special Zone ng mga natitirang anak ng Kowloon. Habang naglalakbay, may mga luma at bagong kalaban siyang nakaingkwentro na maaring maglagay sa Special Zone sa panganib.
Noong 1997, isang bampira na naging kilala kalaunan bilang hari ng Kowloon ang lumabas at pinalawak ang kanyang bloodline. Ang mga anak ng Kowoon na kilala din bilang pangalan ng kanyang bloodline, ay kaiba mula sa ibang bloodline dahil ang mga tao na kinagat ng mga anak ng Kowloon ay nagiging isang Kowloon na din. Maging ang isang bampira ay nagiging isang anak ng Kowloon. Ang naging kaguluhan ay naging dahilan upang ang katauhan ng mga bampira, na noon ay isang lihim, ay nabunyag. Nagtulong-tulong ang mga tao at bampira upang labanan ang mga anak ng Kowloon at nang matalo ang mga ito, itinayo ang Special Zone, isang siyudad para sa mga bampira. Nang matapos ang giyera, ihinayag na namatay na lahat ng mga bampira at inilihim sa kanila ang Special Zone. Si Jirou Mochizuki na kilala bilang Silver Blade ay isang bayani ng Hong Kong Crusade, ngunit nawala ang kanyang pinakamamahal na babae at tinraydor siya ng isang malapit na kaibigan sa proseso.