Itim na pamilihan

(Idinirekta mula sa Black market)

Ang itim na pamilihan, kilala rin sa wikang Ingles bilang black market, underground economy, o shadow economy, ay isang lihim na pamilihan o transaksyon na may ilang aspeto ng pagiging ilegal o makikilala sa pamamagitan ng ilang uri ng di sumusunod na gawi na may kasamang mga patakarang institusyonal. Kung ang patakaran ay pinapaliwaang ang magkasamang mga kalakal at serbisyo na ang produksyon at pamamahagi ay ipinagbabawal sa batas, ang hindi pagsunod sa patakaran ay binubuo ng isang kalakalan sa itim na pamilihan yayamang ang transaksyon mismo ay ilegal. Ang mga partidong kasangkot sa produksyon o pamamahagi ng pinagbabawal na kalakal o serbisyo ay kasapi ng ilegal na ekonomiya. Kabilang sa halimbawa ang pangangalakal ng droga, prostitusyon (kung saan bawal), ilegal na pagpapalit ng pananalapi at pagtratrapik ng tao. Ang paglabag sa kodigo ng buwis na kinakasangkutan ng pag-iwas sa buwis para sa kinita ay binubuo ng pagkakasapi sa ekonomiyang hindi inulat.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Internal Revenue Service Summary of Estimation Methods" (PDF). irs.gov (sa wikang Ingles).
  2. Edgar L. Feige (1989). Edgar L.Feige (pat.). The Underground Economies:Tax Evasion and Information Distortion (sa wikang Ingles). Cambridge University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)