Bawal na gamot

(Idinirekta mula sa Droga)
Tungkol ito sa iligal na mga na ipinag babawal na gamot, at inilahad ito para sa awit tingnan ang Bawal na Gamot (awit).

Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga gamot[1], o mapanganib na mga gamot[2] ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o cannabis, heroina, at mga isteroyd.[3]

Isang karatulang nagsasabing bawal magdala ng anumang alak at mga hindi pinapayagang mga gamot sa pook na ito. Ayon sa mensahe: Isa itong banal na lugar! Walang mga droga, o alkohol na pinapahintulutan!

Paglalarawan

baguhin

May mabibigat na mga hindi kapakinabangan ang ilang mga uri ng gamot na mainam sanang nagagamit lamang para sa layunin ng panggagamot, sa halip na kapinsalaan sa tao at kanyang katawan at isipan. Subalit mayroon sa mga ito ang may kaakibat na mga katangian nakakaakit at nakalilikha ng pagkakalulong o hindi maiwasan at hindi mapigil na paghahanap ng taong nakagamit o gumamit na ng mga ito. Humahantong ito sa tuluyang hindi na pagkapigil ng taong iwasan ang mga gamot na ito. Nakagagawa ang mga nakahuhumaling na mga gamot ng pansamantalang damdamin o pakiramdam ng kabutihan o ginhawa ng katawan at pagkatao dahil sa kanilang pag-apekto sa sistemang nerbiyos ng katawan.[4]

baguhin

Ibinabatay ang legal na kalagayan ng mga bawal na gamot sa ilang mga kadahilanan. Katulad ito ng hinggil sa mga alak. Sa legal na katayuan ng alak, hindi ito itinuturing na bawal na gamot, subalit mayroong batas kaugnay ng pagbebenta nito sa mga menor-de-edad. Hindi pinapahintulutan ng batas ang pagbibili o pagbebenta ng alak sa mga taong may edad na may mababa sa 18 taong gulang.[3]

Batay sa talaan ng Batas Republika bilang 9165 (Republic Act 9165) ng Pilipinas, tinatawag at itinuturing na bawal na mga gamot ang mga sumusunod at kanilang mga kauri: marihuwana, resin ng marihuwana, langis ng resin ng marihuana, ang ecstacy (methylenedioxymethamphetamine o MDMA), paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), liserhikong asidong dietilamino (lysergic acid diethylamine o LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB), methamphetamine hydrochloride (mas tanyag bilang shabu, ice, o meth), opyo, morpina, heroina, at kokaina (cocaine hydrochloride). Kabilang din sa mga ito ang anumang bagong natuklasang mga gamot at pinagkunan ng mga ito na hindi naman nakakagamot, bagkus ay nakapipinsala sa tao.[1][2]

Mga pangkat ng bawal na gamot

baguhin

Mayroong mga kapangkatan ang ilegal na mga gamot. Pinagpapangkat-pangkat ang mga ito ayon sa kanilang sa panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan. Kasama sa pangunahing mga pangkat ng ilegal na mga gamot ang mga pampahina o depresante (pampakalma), mga pampasigla o estimulante, at mga pampatakbo ng guni-guni o halusinoheno.[3]

Mga pampahina

baguhin

Kahulugan

baguhin

Tinatawag na pampahina, depresante, o pampakalma ang mga gamot na nakapagpapabagal sa pagtakbo o pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa pagdadala ng mga mensaheng papunta at nagmumula sa utak ng tao. Dahil sa gamot na ito, bumabagal ang paghinga at ang pintig ng puso ng tao. Hindi ito mga gamot na nagpapahina o nagpapalungkot sa isang tao.[3]

Mga bawal na pampahina

baguhin

Kabilang sa mga illegal na pampahina ang mga marihuwana, hashish, langis ng hashish, heroina at iba pang mga pampakalma.[3]

Mga di-bawal na pampahina

baguhin

Kabilang sa mga legal o hindi ipinagbabawal na mga pampahina ang alak, mahihinang mga trankilayser, mga nilalanghap na sangkap (tulad ng kola, gasolina, pinturang iwiniwisik), mga gamot na may kodeina (halimbawa na ang Panadeine), metadona at iba pang mga pampakalma.[3]

Mga epekto ng pampahina

baguhin

Nakakaapekto sa konsentrasyong pang-isipan at koordinasyong pangkatawan ng tao ang mga pampahina o pampakalma. Nakapagpapabagal ito sa pagtugon ng tao sa mga hindi inaasahang mga situwasyon. Dahil dito, mapanganib para sa taong nakainom ng pampahinang gamot ang pagmamaneho. Kapag naghalo sa katawan ng tao ang iba’t ibang uri ng mga pampahina (tulad ng pinagsamang alak at marihuwana), mas masidhi ang epekto nito sa tao.[3]


Malalakas na mga epekto
baguhin

Kabilang sa mga malalakas na mga epekto ang pagsasalitang hindi malinaw o hindi maunawaan, hindi tugmaang paggalaw o pagkilos, pagsusuka at pagduwal, pagkawala ng malay na dulot ng mabagal na paghina at bumagal na pintig ng puso, at pagkamatay.[3]

Malalang mga epekto
baguhin

Dahil sa kaantasan ng pagkapuro o pagkadalisay ng mga pampahinang gamot, nagkakaroon ng mga malalalang mga epekto ito sa katawan ng tao. Kabilang sa mga malalalang epekto at kumplikasyon ng mga pampahina ang pagkakaroon ng HIV o AIDS, Hepatitis B, Hepatitis C, at mga katulad na impeksiyon. Nagiging kinalabasan ang mga ganitong malalalang epekto dahil sa pakikigamit ng taong nalulong sa pampahinang mga gamot na nakikisalo o nakikigamit ng karayom ng hiringgilya, ng mismong hiringgilya, at mga katulad na kasangkapang pang-iniksiyon ng pampahinang mga gamot.[3]

Mga pampasigla

baguhin

Kahulugan

baguhin

Tinatawag na mga pampasigla o estimulante ang mga bawal na gamot kung nakapagpapabilis o nakapagpapadali ito sa pagtakbo ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na rin ng mga mensaheng patungo at palabas mula sa utak ng tao. Dahil sa kanila, dumadagsa rin ang pintig ng puso, tumataas ang temperatura ng katawan, at umaangat din ang presyon ng dugo o nagkakaroon ng altapresyon.[3]

Mga bawal na pampasigla

baguhin

Kabilang sa mga bawal ang kokaina, walang pagrereseta ng manggagamot na mga ampetamina, speed, LSD, at ekstasi methamphetamine hydrochloride.[3]

Mga di-bawal na pampahina

baguhin

Kabilang sa mga hindi bawal na pampasiglang gamot ang nikotina ng mga sigarilyo; ang kapeina ng kape, kola, tsokolate, tabletang nakapagpapapayat, at ilang mga inuming nakapagpapalakas; at ang sudoepedrina mula sa mga gamot na para sa ubo at sipon.[3]

Mga epekto ng pampasigla

baguhin
Katamtamang mga epekto
baguhin

Kabilang sa mahihinang mga epekto ng mga pampasigla ang pagkauhaw, walang ganang kumain, hindi makatulog, kadaldalan, at pagiging balisa.[3]

Malalakas na mga epekto
baguhin

Kabilang sa malalakas na mga epekto ng mga pampasigla ang pagkabalisa, pagkatakot, atake, sakit ng ulo, pangangalambre ng sikmura, pagka-agresibo, nakakatuwang guni-guni, pagkawala ng malay-tao, kalituhan ng isipan, at kapaguran.[3]

Mga pampatakbo ng guni-guni

baguhin

Kahulugan

baguhin

Tinatawag na halusinoheno o mga pampatakbo o pampaandar ng guni-guni ang mga bawal na gamot kapag nakakaapekto ito sa pang-unawa o kakayahang umunawa ng isang tao. Dahil sa pag-inom ng mga pampatakbo ng guni-gunit, nakakakita o nakakatanaw ang tao ng mga baligtad na mga bagay-bagay, nagkakaroon ng kaguluhan ang isipan ng tao particular na kung may ingay at kulay sa paligid.[3]

Mga bawal na pampatakbo ng guni-guni

baguhin

Kabilang sa mga bawal na halusiheno ang LSD, kabuti ng salamangka (magic mushrooms), meskalina, ekstasi, marihuwanang may matapang na dosis o dosahe.[3]

Mga epekto ng halusinoheno

baguhin

Kabilang sa mga epekto sa katawan ng tao ng mga halusinoheno ang pagkakaroon panlalamig ngunit may biglaang pagkaramdam ng init, panlalaki ng balintataw, walang gana sa pagkain, pangangalambre ng sikmura, pagduduwal, pagkakaroon ng kabilisan o pagmamadali sa paggawa, pagsasalita at pagtawa, mayroon din pagkatakot, pagkaramdam ng nakakatuwang guni-guni, pakiramdam na naaapi, at may mahabang panahong pagbabalik ng mga nangyari na sa nakaraan.[3]

Paggamit sa relihiyon

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Anu-ano ang mga Ipinagbabawal na Gamot?[patay na link], tl.wiki.answers.com
  2. 2.0 2.1 Isang Praymer Tungkol sa Comprehensive Dangerous Drug Act (Republic Act 9165) ng 2002 Naka-arkibo 2009-10-07 sa Wayback Machine., Gov.ph, pahina 5 (pahina 6 sa pagpapahinang pang-PDF).
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 3.13 3.14 3.15 3.16 Impormasyon Tungkol sa mga Bawal na Gamot para sa mga Magulang Naka-arkibo 2009-06-29 sa Wayback Machine., (PDF), Kagawaran ng Edukasyon at Pagsasanay (Pilipinas) at Pondong Pansuporta ng Komunidad (Community Support Fund), Health.NSW.gov.au
  4. Robinson, Victor, pat. (1939). "Drug habits". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 251.

Panlabas na mga kawing

baguhin