Tsaa

mainit na inumin na gawa sa tubig at dahon ng tsaa
(Idinirekta mula sa Black tea)

Ang tsaa ay isang masamyong inumin na inihahanda sa pagbuhos ng mainit o kumukulong tubig sa preserbado o sariwang dahon ng Camellia sinensis, isang laging-lunting palumpong na katutubo sa Silangang Asya na marahil nagmula sa may hanggahan ng timog-kanlurang Tsina at hilagang Myanmar.[3][4][5] Nagagawa rin ang tsaa, ngunit bihira, mula sa mga dahon ng Camellia taliensis.[6][7][8] Kasunod ng purong tubig, ang tsaa ay ang pinakainiinom sa buong mundo.[9] Maraming mga uri ng tsaa; nakakaginhawa, medyo mapait, at matapang ang lasa ng ilan,[10] habang matamis, malanuwes, mabulaklak, o maladamo ang lasa ng iba. Nakakapagpasigla ang tsaa sa mga tao dahil sa nilalaman nitong kapeina.[11]

Tsaa
Tsaang longjing na ibinabad sa gaiwan
UriMainit o malamig na inumin
Bansang pinagmulanTsina[1]
IpinakilalaUnang naitala sa Tsina noong 59 BK, pero marahil umiral ito nang mas maaga[2]

Pinetsahan ang isang maagang kapani-paniwalang talaan ng pag-inom ng tsaa sa ikatalong siglo PK, sa tekstong medikal na isinulat ni Hua Tuo, isang Tsinong mediko.[12] Pinasikat ito bilang inumin sa libangan noong dinastiyang Tang sa Tsina, at mula noon, kumalat ang pag-iinom ng tsaa sa mga ibang bansa sa Silangang Asya. Ipinakilala ito ng mga pari at mangangalakal na Portuges sa Europa noong ika-16 na siglo.[13] Noong ika-17 siglo, umuso ang pag-iinom ng tsaa sa mga Ingles, na nagsimulang magtanim ng tsaa nang malawakan sa Indiyang Britaniko.

Epekto sa kalusugan

baguhin

Kahit inakala na marami ang mga benepisyo sa kalusugan ng Camellia sinensis sa buong kasaysayan ng pagkonsumo nito, walang de-kalidad na ebidensya na nagpapakita na may malalaking kapakinabangan ang pag-inom ng tsaa maliban sa posibleng pagtaas ng pagkaalisto, isang epekto na dulot ng kapeina sa mga dahon ng tsaa.[14][15] Sa klinikal na pananaliksik na isinagawa noong unang bahagi ng ika-21 siglo, natuklasan na walang siyentipikong ebidensya na nagpapahiwatig na ang pag-inom ng tsaa ay may epekto sa anumang sakit o nagpapabuti sa kalusugan.[14]

Muntik wala sustansiyang esensyal ang mga tsaang itim at lunti, maliban sa pandiyetang mineral na mangganiso, na 0.5 mg kada tasa o 26% ng Sanggunian ng Arawang Konsumo (Reference Daily Intake).[16] May plurayd minsan sa tsaa; ang may pinakamarami nito ay ilang uri ng "tsaang laryo", gawa sa lumang dahon at tangkay, sapat upang makasama sa kalusugan kung maraming nainom na tsaa, na ipinapalagay na galing sa mataas na halaga ng plurayd sa lupa, asidong lupa, at matagal na pagpapakulo.[17]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Fuller, Thomas (21 Abril 2008). "A Tea From the Jungle Enriches a Placid Village" [Tsaa Mula sa Gubat, Nagpayaman sa Isang Mapayapang Nayon]. The New York Times (sa wikang Ingles). New York. p. A8. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2017. Nakuha noong 23 Pebrero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mair & Hoh 2009, pp. 29–30.
  3. Yamamoto, T; Kim, M; Juneja, L R (1997). Chemistry and Applications of Green Tea [Kimika at Mga Aplikasyon ng Tsaang Lunti] (sa wikang Ingles). CRC Press. p. 4. ISBN 978-0-8493-4006-2. Sa mahabang panahon, iginiit ng mga botanista ang dualismo ng pinagmulan ng tsaa mula sa kanilang mga obserbasyon na mayroong mga kaibahan sa mga katangiang morpolohikal ng mga baryanteng Asames at mga baryanteng Tsino... Inulat ni Hashimoto at Shimura na ang pagkakaiba sa mga katangiang morpolohikal sa mga halamang tsaa ay hindi naman ebidensya ng ipotesis ng dualismo mula sa mga saliksik na gumamit ng pagsusuri ng mga estadistikong kumpol. Sa mga kamakailang imbestigasyon, nilinaw din na pareho ang bilang ng kromosomo (n=15) ng dalawang baryante at madaling gumawa ng hibrido ng dalawang ito. At saka natagpuan ang iba't ibang uri ng mga intermedyang hibrido o mga kusang poliployde ng mga halamang tsaa sa malawak na lugar sa binanggit na rehiyon. Maaaring maipatunay ng mga katunayang ito na ang pinagmulan ng Camellia sinensis ay nasa lugar sa pagitan ng hilagang bahagi ng distrito ng Burma, Yunnan, at Sichuan sa Tsina. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mary Lou Heiss; Robert J. Heiss. The Story of Tea: A Cultural History and Drinking Guide. Camellia sinensis originated in southeast Asia, specifically around the intersection of 29th parallel and 98th meridian, the point of confluence of the lands of southwest China and Tibet, north Burma, and northeast India, citing Mondal (2007) p. 519
  5. Heiss & Heiss 2007, pp. 6–7.
  6. "Laoshu Dianhong (Old Tree Yunnan)".
  7. "Yunnan da Bai Silver Needles – Tea Trekker". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-10. Nakuha noong 2023-08-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Liu et al. (2012)
  9. Macfarlane, Alan; Macfarlane, Iris (2004). The Empire of Tea [Ang Imperyo ng Tsaa] (sa wikang Ingles). The Overlook Press. p. 32. ISBN 978-1-58567-493-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Penelope Ody (2000). Complete Guide to Medicinal Herbs [Kumpletong Gabay sa Yerbang Panggamot] (sa wikang Ingles). New York: Dorling Kindersley Publishing. p. 48. ISBN 978-0-7894-6785-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Cappelletti S, Piacentino D, Daria P, Sani G, Aromatario M (Enero 2015). "Caffeine: cognitive and physical performance enhancer or psychoactive drug?" [Kapeina: pampatalino at pampalakas o drogang sikoaktibo?]. Current Neuropharmacology (sa wikang Ingles). 13 (1): 71–88. doi:10.2174/1570159X13666141210215655. PMC 4462044. PMID 26074744.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Martin, pa. 29: "simula noong ikatlong siglo PK, tila mas kapani-paniwala ang mga pagbanggit sa tsaa, partikular ang mga napetsahan sa panahon ni Hua T'o, isang lubhang iginagalang na manggagamot at siruhano (Isinalin mula sa Ingles)"
  13. Bennett Alan Weinberg; Bonnie K. Bealer (2001). The World of Caffeine: The Science and Culture of the World's Most Popular Drug [Ang Mundo ng Kapeina: Ang Agham at Kultura ng Pinakasikat na Gamot sa Mundo] (sa wikang Ingles). Psychology Press. p. 63. ISBN 978-0-415-92722-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Abril 2016. Nakuha noong 10 Enero 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Black tea" [Tsaang itim] (sa wikang Ingles). MedlinePlus, US National Library of Medicine. 30 Nobyembre 2017. Nakuha noong 27 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Green tea" [Tsaang lunti] (sa wikang Ingles). National Center for Complementary and Integrative Health, US National Institutes of Health. 30 Nobyembre 2016. Nakuha noong 27 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Tea, brewed, prepared with tap water [black tea], one cup, USDA Nutrient Tables, SR-21" [Tsaa, pinakulo, inihanda gamit ang tubig-gripo [tsaang itim], isang tasa, Talahanayang Pansustansiya ng USDA] (sa wikang Ingles). Conde Nast. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2014. Nakuha noong 25 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Fung KF, Zhang ZQ, Wong JW, Wong MH (1999). "Fluoride contents in tea and soil from tea plantations and the release of fluoride into tea liquor during infusion" [Nilalamang plurayd sa tsaa at lupa mula sa taniman ng tsaa at pagkalat ng plurayd sa inuming tsaa sa panahon ng pagbabad]. Environmental Pollution (sa wikang Ingles). 104 (2): 197–205. doi:10.1016/S0269-7491(98)00187-0.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)