Myanmar
Ang Myanmar, o ang Repulika ng Unyon ng Myanmar (internasyunal: Republic of the Union of Myanmar), dating Kaisahan ng Burma, ay ang pinakamalaking bansa (sa sakop pang-heograpiya) sa lupaing nasa loob ng kontinente ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Taylandiya sa timog-silangan, Banglades sa kanluran, at Indiya sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat).
Republika ng Unyon ng Myanmar
Pyidaunzu Thanmăda Myăma Nainngandaw | |
---|---|
Awiting Pambansa: Kaba Ma Kyei | |
Kabisera | Naypyidaw |
Pinakamalaking lungsod | Yangon (Rangoon) |
Wikang opisyal | Birmano |
Kinilalang wikang panrehiyon | Jingpho, Kayah, Karen, Chin, Mon, Rakhine, Shan |
Mga opisyal na sulat | Sulat Birmano |
Katawagan | Burmes/Myanmes |
Pamahalaan | pampanguluhang republika |
• Pangulo | Myint Swe |
• State Administration Council | Min Aung Hlaing |
Formation | |
• Bagan | 1044 |
4 Enero 1948 (mula sa Nagkakaisang Kaharian) | |
Mayo 2008 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 676,578 km2 (261,228 mi kuw) (40th) |
• Katubigan (%) | 3.06 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2009 | 50,020,000[1] (Ika-24) |
• Senso ng 1983 | 33,234,000 |
• Densidad | 73.9/km2 (191.4/mi kuw) (119th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2008 |
• Kabuuan | $67.963 billion[2] |
• Bawat kapita | $1,156[2] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2008 |
• Kabuuan | $26.205 bilyon[2] |
• Bawat kapita | $445[2] |
TKP (2007) | 0.586[3] katamtaman · 138th |
Salapi | kyat (K) (mmK) |
Sona ng oras | UTC+6:30 (MST) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan[4] |
Kodigong pantelepono | 95 |
Kodigo sa ISO 3166 | MM |
Internet TLD | .mm |
|
Mga teritoryong pampangasiwaan
baguhinKasaysayan
baguhinAng Burma ay naging tirahan ng iba’t-ibang lahi.Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at India. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Birmano. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma.
Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Burma. Naging malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Buddhism. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Budismo sa lipunang Birmano...
Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag-aaway na kaharian. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581.
Panitikang Burmes
baguhinSa kasaysayan, ang panitikan ng Burma (o Myanmar) ay naimpluwensiya ng mga kalinangang Indiyano at Thai, na makikita sa mga maraming gawa, katulad ng Ramayana. Ang wikang Burmes, na di tulad ng ibang wika sa Timog-silangang Asya (e.g. Thai, Khmer), ay hiniram ang mga salita mula sa Pāli imbis sa Sanskrit. Sa karagdagan, sinasalamin ng panitikang Burmes ang lokal na alamat at kalinangan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Department of Economic and Social Affairs Population Division (2009). "World Population Prospects, Table A.1" (PDF). 2008 revision. United Nations. Kinuha noong 12 Marso 2009.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Burma (Myanmar)". International Monetary Fund. Nakuha noong 1 Oktubre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Development Report 2009. Human development index trends: Table G" (PDF). The United Nations. Nakuha noong 5 Oktubre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Road infrastructure is still for driving on the left.
- ↑ "CIA - The World Factbook - Burma". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-01-17. Nakuha noong 2010-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-10-06 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Myanmar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.