Imperyong Monggol

(Idinirekta mula sa Mongol Empire)

Ang Imperyong Monggol (Monggol: Mongolyn Ezent Güren; Sirilikong Monggol: Монголын эзэнт гүрэн) ay umiral noong ika-13 at ika-14 na siglo at ang pinakamalaking magkakaratig na lupang imperyo sa kasaysayan.[2] Nagmula sa mga steppe ng Gitnang Asya, ang Imperyong Monggol ay kalaunan na umunat mula sa Gitnang Europa hanggang sa Dagat ng Hapon, lumalawak pahilaga sa Siberia, patungong silangan at patimog sa Indiyanong subcontinent, Indotsina, at ang Iranyang talampas, at pakanluran hanggang sa Levant at Arabia.

Imperyong Monggol
Ikh Mongol Uls
1206–1368
Pagpapalawak ng Imperyong Monggol 1206–1294.
Pagpapalawak ng Imperyong Monggol 1206–1294.
KatayuanImperyong pagala
Kabisera
Karaniwang wika
Relihiyon
PamahalaanInihahalal na monarkiya;
mamayang namamana rin
Dakilang Khan 
• 1206–1227
Genghis Khan
• 1229–1241
Ögedei Khan
• 1246–1248
Güyük Khan
• 1251–1259
Möngke Khan
• 1260–1294
Kublai Khan (Nominal)
• 1333–1368
Toghan Temür Khan (Nominal)
LehislaturaKurultai
Kasaysayan 
• Inihayag ni Genghis Khan
ang Imperyong Monggol
1206
• Kamatayan ni Genghis Khan
1227
1250–1350
1260–1294
• Pagbagsak ng Dinastiyang Yuan
1368
• Pagguho ng
Kanatong Chagatai
1687
Lawak
1206 (Pagkakaisa ng Mongolia)[1]4,000,000 km2 (1,500,000 mi kuw)
1227 (Kamatayan ni Genghis Khan)[1]13,500,000 km2 (5,200,000 mi kuw)
1294 (Kamatayan ni Kublai)[1]23,500,000 km2 (9,100,000 mi kuw)
1309 (Huling pormal na muling pagkakaisa)[1]24,000,000 km2 (9,300,000 mi kuw)
SalapiIba't-iba [c]
Pinalitan
Pumalit
Monggol na Khamag
Imperyong Khwarazmian
Qara Khitai
Dinastiyang Jīn
Dinastiyang Song
Kanluraning Xia
Kalipatong Abbasid
Estadong Nizari Ismaili
Kievan Rus'
Volga Bulgaria
Cumania
Alania
Kaharian ng Dali
Kanatong Kimek
Sultanato ng Rum
Kanatong Chagatai
Ginintuang Kawan
Ilhanato
Dinastiyang Yuan
Hilagaing Dinastiyang Yuan
Imperyong Timurid
Anatolian na mga Beylik
Sultanong Mamluk
Kaharian ng Poland

Ang Imperyong Monggol ay lumitaw mula sa pag-iisa ng lagalag na tribu sa Monggol na lupang tinubuan sa ilalim ng pamumuno ni Genghis Khan, na naihayag bilang pinuno ng lahat ng mga Monggol noong 1206. Ang imperyo ay mabilis na lumago sa ilalim ng mga tuntunin niya at ng kanyang mga inapo, na nagsugo sa mga pagsalakay sa bawat direksyon.[3][4][5][6][7] Ang malawak na transkontinental na imperyo ay nadugtong sa silangan sa kanluran ng ipinatupad na Pax Mongolica na nagpapahintulot sa kalakalan, teknolohiya, mga kailanganin, at ideyolohiya na mapalaganap at mapaagpalit-palitan sa kabuuan ng Eurasya.[8][9]

Ang imperyo ay nagumpisang mabiak dahil sa mga digmaan para sa paghalili, bilang ang mga apo ni Genghis Khan ay nagtalo kung ang maharlikang linya ay dapat na sundin mula sa kanyang anak na lalaki at unang tagapagmana na si Ögedei o isa sa kanyang iba pang mga anak, tulad nina Tolui, Chagatai, o Jochi. Ang mga Toluid ay nanaig matapos ang isang madugong pagpurga ng Ögedeid at Chagataid na mga paksiyon, ngunit ang mga alitan ay nagpatuloy kahit na sa mga inapo ni Tolui. Matapos ang kamatayan ni Möngke Khan, ang mga magkakaribal na kurultai na konseho ay sabay na naghalal ng ibang mga kapalit, ang magkapatid na sina Ariq Böke at Kublai Khan, na pagkatapos ay hindi lamang nakipaglaban sa isa't isa sa Digmaang Sibil ng Toluid, ngunit humarap din ng mga hamon mula sa mga inapo ng iba pang mga anak ni Genghis.[10][11] Matagumpay na nakuha ni Kublai ang kapangyarihan, ngunit sumunod ang digmaang sibil nang hindi matagumpay na minithi ni Kublai ang pagbawi ng kontrol ng mga Chagatayid at Ögedeid na pamilya.

Ang Labanan ng Ain Jalut sa 1260 ay nagmarka ng mataas na punto ng Monggol na pananakop at naging ang unang pagkakataon kailanman na ang isang Monggol na pagsulong ay natalo sa direktang pagbabaka sa labanan. Bagaman ang mga Monggol ay naglunsad ng marami pang mga pagsalakay sa Levant, saglit na inokupahan ito at lumusob hanggang sa Gaza pagkatapos ng isang hindi mapag-aalinlanganang tagumpay sa Labanan ng Wadi al-Khazandar sa 1299, sila ay umurong dahil sa iba't ibang heopolitikal na kadahilanan.

Sa panahon ng kamatayan ni Kublai noong 1294, ang Imperyong Monggol ay nabiak sa apat na magkakahiwalay na mga kanato o imperyo, ang bawat isa humahabol sa sarili nitong hiwalay na mga interes at mga layunin: ang Ginintuang Kawan na kanato sa hilagang-kanluran; ang Kanatong Chagatai sa gitna; ang Ilhanato sa timog-kanluran; at ang Dinastiyang Yuan sa silangan na nakabase sa modernong-araw na Beijing.[12] Noong 1304, ang tatlong kanluraning mga kanato ay daglian na tumanggap ng nominal na suzerainty ng Dinastiyang Yuan,[13][14] ngunit mamaya ito ay napatalsik ng Tsinong Han na Dinastiyang Ming sa 1368. Ang mga Genghisid na pinuno ng Yuan ay bumalik sa Mongolia lupang tinubuan at patuloy na namuno sa Hilagang Dinastiyang Yuan, habang ang Ginintuang Kawan at ang Kanatong Chagatai ay tumagal sa isang anyo o iba ng ilang karagdagang mga siglo matapos ang pagbagsak ng Dinastiyang Yuan at ang Ilhanato.

Pangalan

baguhin

Kung ano ang tinutukoy sa Tagalog bilang ang Imperyong Monggol ay tinawag na Ikh Mongol Uls (ikh: dakila, uls: estado; Dakilang Monggol na Estado).[15] Sa bahagi ng 1240s, ang isa sa mga inapo ni Genghis, si Güyük Khan, ay nagsulat ng isang liham kay Papa Inocencio IV na gumamit ng panimula na "Dalai (dakila / makaragatan) Khagan ng dakilang Monggol na estado (ulus)".[16]

Matapos ang paghalili na digmaan sa pagitan ni Kublai Khan at ng kanyang kapatid na si Ariq Boke, nilimita ni Ariq ang kapangyarihan ni Kublai sa silanganing bahagi ng imperyo. Opisyal na naglathala si Kublai ng imperyal na kautusan noong Disyembre 18, 1271 na magpangalan sa bansa bilang "Dakilang Yuan" (Dai Yuan, o Dai Ön Ulus) upang itatag ang Dinastiyang Yuan. Ang ilang mga pinagkukunan ay naghahayag na ang buong Monggol na pangalan ay Dai Ön Yehe Monggul Ulus.[17]

Kasaysayan

baguhin

Pre-imperyo na konteksto

baguhin
 
Mga Monggol na tribu sa panahon ng Khitan na Dinastiyang Liao (907-1125)

Ang lugar sa paligid ng Mongolia, Manchuria, at mga bahagi ng Hilagang Tsina ay kontrolado ng Dinastiyang Liao mula pa ng ika-10 siglo. Sa 1125, ang Dinastiyang Jin na itinatag ng mga Jurchen ay nagpatalsik sa Dinastiyang Liao at nagtangkang makuha ang kontrol sa dating Liao na teritoryo sa Mongolia. Sa mga 1130, ang Dinastiyang Jin na mga mamamahala na kinilala bilang ang mga Ginintuang Hari ay matagumpay na nilabanan ang Kalaguman ng Monggol na Khamag, na pinamahalaan sa panahon ni Khabul Khan, ang kalolololohan ni Temujin (Genghis Khan).[18]

Ang Monggol na talampas ay inokupahan kaunaunahan ng limang makakapangyarihang mga kalaguman ng tribo (khanlig): Keraites, Monggol na Khamag, Naiman, Mergid, at Tatar. Ang mga Jin na emperador, sumusunod sa isang patakaran ng hatiin at pamahalaan, ay humikayat ng mga alitan sa mga tribu, lalo na sa pagitan ng mga Tatar at Monggol, upang panatilihin ang mga tribong pagala-gala na nagagambala ng kanilang sariling mga laban at sa gayong paraan ay lumayo sa Jin. Ang kahalili ni Khabul ay si Ambaghai Khan, na ipinagkanulo ng mga Tatar, ipinasa sa mga Jurchen, at ipinapatay. Ang Monggol ay gumanti sa pamamagitan ng paglusob ng hangganan, na nagreresulta sa isang nabigong Jurchen na ganting-salakay sa 1143.[18]

Noong 1147, medyo binago ng mga Jin ang kanilang mga patakaran, naglagda sa isang kasunduang pangkapayapaan kasama ang mga Monggol at nag-urong ng ilang mga muog. Ang Monggol pagkatapos ay nagpatuloy ng mga daluhong sa Tatar upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang huling khan, magbubukas ng isang mahabang panahon ng aktibong labanan.[18]

Sa panahon ng pagbangon ng Imperyong Monggol sa ika-13 siglo, ang karaniwang malamig at tigang na mga steppe ng gitnang Asya ay nagtangkilik sa kanilang pinakalumanay at pinakabasang kalagayan sa mahigit na isang libong taon. Pinaniniwalaan na bilang isang resulta, isang mabilis na pagdami ng bilang ng mga kabayong pandigma at iba pang hayop ay makabuluhang nagpahusay sa militar na lakas ng mga Monggol.[19]

Pag-angat ni Genghis Khan

baguhin
 
Si Genghis Khan, Museo Pambansang Palasyo sa Taipei, Taiwan

Kilala sa kanyang pagkabata bilang Temujin, si Genghis Khan ay ang anak na lalaki ng isang Monggol na pinuno. Noong ang kanyang batang asawang si Börte ay inagaw ng isang karibal na tribo, pinagisa ni Temujin ang pagala-galang, dati kailanman-magkakaribal na Monggol na mga tribo sa ilalim ng kanyang pamamahala sa pamamagitan ng pampulitikang manipulasyon at militar na lakas. Ang kanyang pinaka-makapangyarihang mga kaalyado ay ang kaibigan ng kanyang ama, isang Khereid na pinunong si Wang Khan Toghoril, at kababatang anda (kaibigan) ni Temujin na si Jamukha ng angkan ng Jadran. Sa kanilang tulong, natalo ni Temujin ang tribong Merkit, nasagip niya ang kanyang asawang si Börte, at tumuloy siya upang talunin ang mga Naiman at Tatar.[20]

Pinagbawalan ni Temujin ang paghihikpa ng kanyang mga kaaway ng walang pahintulot, at nagpatupad siya ng isang patakaran ng pagbabahagi ng mga sinamsam sa kanyang Monggol na mga mandirigma at sa kanilang mga pamilya sa halip ng pagbibigay ng lahat nito sa mga aristokrato.[21] Sa gayon, hinawakan niya ang pamagat na Khan. Ang mga patakarang ito ang nagdala sa kanya sa pakikipagsalungatan sa kanyang mga tiyo, na mga lehitimong tagapagmana rin sa luklukan; itinuturing nila si Temujin hindi bilang pinuno ngunit isang walang galang na mangangamkam lamang. Pagtatalong ito ay kumalat sa kanyang mga heneral at iba pang mga kasamahan, at winasak ng ilang mga Monggol na kaalyado niya dati ang kanilang katapatan.[20]

Humantong ito sa digmaan, at si Temujin at ang mga puwersa na tapat sa kanya ay nanaig, sumisira sa lahat ng mga natitirang karibal na tribo mula 1203 hanggang 1205 at nadala sa ilalim niya. Noong 1206, si Temujin ay kinoronahan bilang ang khagan ng Yekhe Monggol Ulus (Dakilang Monggol na Estado) sa isang kurultai (pangkalahatang pagtitipon/konseho). Doon niya ipinapalagay ang pamagat ng Genghis Khan (pandaigdig na pinuno) sa halip ng isa sa mga lumang mga pamagat ng tribo tulad ng Gur Khan o Tayang Khan, minamarkahan ang simula ng Imperyong Monggol.[20]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Rein Taagepera (Setyembre 1997). "Expansion and Contraction Patterns of Large Polities: Context for Russia". International Studies Quarterly. 41 (3): 499. doi:10.1111/0020-8833.00053. Nakuha noong 16 Setyembre 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Morgan. The Mongols. p. 5.
  3. The Mongols and Russia, by George Vernadsky
  4. The Mongol World Empire, 1206–1370, by John Andrew Boyle
  5. The History of China, by David Curtis Wright. p. 84.
  6. The Early Civilization of China, by Yong Yap Cotterell, Arthur Cotterell. p. 223.
  7. Mongols and Mamluks: The Mamluk-Ilkhanid War, 1260–1281 by Reuven Amitai-Preiss
  8. Gregory G.Guzman "Were the barbarians a negative or positive factor in ancient and medieval history?", The Historian 50 (1988), 568-70.
  9. Allsen. Culture and Conquest. p. 211.
  10. "The Islamic World to 1600: The Golden Horde". University of Calgary. 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Nobyembre 2010. Nakuha noong 3 Disyembre 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Michael Biran. Qaidu and the Rise of the Independent Mongol State in Central Asia. The Curzon Press, 1997, ISBN 0-7007-0631-3
  12. The Cambridge History of China: Alien Regimes and Border States. p. 413.
  13. Jackson. Mongols and the West. p. 127.
  14. Allsen. Culture and Conquest. pp. xiii, 235.
  15. Sanders. p. 300.
  16. Saunders. History of the Mongol conquests. p. 225.
  17. Rybatzki. p. 116.
  18. 18.0 18.1 18.2 Barfield. p. 184.
  19. Neil Pederson. "Pluvials, droughts, the Mongol Empire, and modern Mongolia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-14. Nakuha noong 2017-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 Morgan. The Mongols. pp. 49–73.
  21. Riasanovsky. Fundamental Principles of Mongol law. p. 83.

Mga tala

baguhin
  1. Ang Karakorum ay itinatag noong 1220 at nagsilbi bilang kabisera mula 1235 hanggang 1260.
  2. Sumunod sa kamatayan ni Möngke Khan noong 1259, walang isang lungsod ang nagsilbi bilang kabisera. Khanbaliq (Dadu), ang modernong-araw na Beijing, ay ang Yuan na kabisera sa pagitan ng 1271 at 1368.
  3. Kabilang ang mga barya tulad ng mga dirham at papel na salapi hango sa pilak (sukhe) o sutla, o ang mamayang salaping Chao ng Dinastiyang Yuan.