Si Toghon Temür (Mongol: Тогоонтөмөр, Togoontömör; 25 Mayo 1320 – 23 Mayo 1370) ang pinakahuling enperador ng Dinastiyang Yuan na mas kilala sa pangalang Toghon Temur.

Toghon Temür
Kapanganakan25 Mayo 1320 (Huliyano)
  • ()
Kamatayan23 Mayo 1370 (Huliyano)
MamamayanImperyong Monggol
Yuan
Trabahoastronomo, pintor
AsawaEmperatris Gi

Naluklok siya sa trono sa edad na labingtatlo noonf 1333 at namuno hanggang bumagsak ang dinastiya noong 1368. Ginamit niya ang mga pangalang Shundi, Emperador Huizong nong siya ay namuno.

Dahil sa kanyang kabataan ay nagkaroon ng alitan sa kapangyarihan at ang pinakamakapangyarihan sa mga iyon ay si Bayan na may layon na ibalik ang dating sigla ng Yuan sa pamamagitan ng pagbabawal sa.mga Tsino na matuto ng wikang Mongol, pagbabawal sa mga magkakaibang lahing pag aasawa, pagmamay-ari ng kabayo at pagkumpiska sa mga kagamitang bakal at maging pagpatay sa mga Tsinong nagtataglay ng limang pinakamaraming apelyido.

Sa kabutihang palad, hindi sapat ang kagamitan ng pamahalaan upang paslangin ang 90% ng kabuuang bilang ng populasyon na nagtataglay ng mararaming apelyido. Noong 1340, sa pamamagitan ng kudetang pinamunuan ni Togtogh na kanyang pamangkin, napaalis si Bayan at siya ang humalili bilang ministro.

Maging sa pagtanda, walang interes sa pamumuno si Toghon mas binigyan niya ng pansin ang kakaibang ritwal ng Buddista at katiwalian at ipinagutos ang paglilimbag ng perang papel na may malaking halaga dahil sa kakulangan ng nalikom na pera sa pagbubuwis.

Habang nangyayari ang himagsikan ag patuloy na nagtatalo ang mga prinsipeng Mongol sa pagkontrol sa hilagang Tsina, patuloy siya sa maluhong pamumuhay. Tumakas siya mula sa Dadu kasama ng kanyang hukbo at nagtungo sa kapatagan ng Mongolia. Nanatili siya roon at namatay Noong 1370 makalipas ang dalawang taon.

Sanggunian

baguhin

[1]

  1. Toghon Temur (afe.easia.columbia.edu.mongols/china/china.htm)