Laos
Ang Laos (bigkas: /ˈlɑː.oʊs/, /ˈlaʊs/, or /ˈleɪ.ɒs/), opisyal na Demokratikong Republika ng mga Mamamayan ng Lao[6] o Demokratikong Republikang Bayan ng Lao[kailangan ng sanggunian] (Ingles: Lao People's Democratic Republic), ay isang bansa sa Timog silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang kanluran, sa Vietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog, at sa Thailand sa kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o "Lupain ng Milyong Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon hanggang ikalabingwalong siglo.
Demokratikong Republikang Bayan ng Laos | |
---|---|
Salawikain: ສັນຕິພາບ ເອກະລາດ ປະຊາທິປະໄຕ ເອກະພາບ ວັດທະນາຖາວອນ Santiphap Ekalat Paxathipatai Ekaphap Vatthanathavon "Kapayapaan, kasarinlan, demokrasya, pagkakaisa, at kasaganahan" | |
Awitin: ເພງຊາດລາວ Pheng Xat Lao "Himno ng Bayang Lao" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Vientiane |
Wikang opisyal | Lao |
Kinilalang pambansang wika | Pranses |
Mga wika | |
Pangkat-etniko (2005[1]) |
|
Relihiyon | Budismo |
Katawagan | Laotian Lao |
Pamahalaan | Marxista-Leninista single-party state |
• Pangulo | Thongloun Sisoulith |
Bounthong Chitmany Pany Yathotou | |
Sonexay Siphandone | |
Saysomphone Phomvihane | |
Lehislatura | Pambansang Kapulungan |
Pagbuo | |
1354–1707 | |
1707–1778 | |
1778–1893 | |
1826–1828 | |
1893–1949 | |
• Kasarinlan mula Pransiya | 19 Hulyo 1949 |
• Nagpahayag ng Kasarinlan | 22 Oktubre 1953 |
9 Nobyembre 1953 – 2 Disyembre 1975 | |
• Binuwag ang Monarikiyang Lao | 2 Disyembre 1975 |
Lawak | |
• Kabuuan | 236,800 km2 (91,400 mi kuw) (ika-82) |
• Katubigan (%) | 2 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 7,749,595[2] (ika-103) |
• Densidad | 26.7/km2 (69.2/mi kuw) (ika-177) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $74.760 billion[3] eta (ika-106) |
• Bawat kapita | $9,727[3] eta (ika-125) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $14.949 billion[3] (ika-145) |
• Bawat kapita | $1,945[3] (ika-152) |
Gini (2012) | 36.4[4] katamtaman |
TKP (2022) | 0.569[5] katamtaman · ika-139 |
Salapi | Kip (LAK) |
Sona ng oras | ICT |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +856 |
Kodigo sa ISO 3166 | LA |
Internet TLD | .la |
|
Pagkatapos ng panahong ng pagiging protectorate o kolonya ng Pransiya, nakamtan nito ang kalayaan noong 1949. Isang mahabang digmaang sibil ang nagwakas nang ang makuha ng Kilusang Komunistang Pathet Lao ang kapangyarihan noong 1975, subalit ang protesta sa pagitan ng dalawang magkatunggaling paksiyon ay nagpatuloy parin sa mga sumunod na taon.
Etimolohiya
baguhinSa Wikang Lao, ang pangalan ng bansa ay "Meuang Lao". Ang Imperyong Pranses, na gumawa sa bansa bilang bahagi ng Pranses na Indotsina noong 1893, ay binaybay ito ng walang tunog na "s", halimbawa ang "Laos" (ang wikang Lao ay wala tunong 's' sa kanilang mga salita, kaya ang mga taga-Lao ay hindi binibigkas ang salitang Laos).
Ang Laos (opisyal: Lao People’s Democratic Republic) ay isang bansang walang pampang sa Timog-silangang Asya, pinapaligiran ng Myanmar at ng Tsina sa hilaga-kanluran, Vietnam sa silangan, Cambodia sa timog, at Thailand sa kanluran. Mula noong ika-14 hanggang ika-1 siglo, tinatawag Lan Xang o Lupain ng Isang Milyong Elepante ang bansa.
Kasaysayan
baguhinAng kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang, na naitatag noong ikalabingapat na dantaon ni Fa Ngum, na mula sa mga henerasyon ng mga Haring Lao, na nagsimula pa noong kay Khoun Boulom. Ang Lan Xang ay naging maunlad hanggang noong ikalabingwalong dantaon, nang ang kaharin ay hinati sa tatlong prinsipalidad, na lumaon ay sumailim sa pamamahalang ng mga taga-Siam. Noong ika-19 na dantaon, Ang Luang Prabang ay isinama sa mga 'Protectorate' o kolonya ng Pranses na Indotsina, at saglit pagkatapos noon, ang Kaharia ng Champasak at ang teritoryo ng Vientiane ay dinagdag na rin sa protectorate. Sa ilalim ng mga Pranses, ang Vientiane ay muling naging kabisera ng pinag-isang estadong Lao. Pagkatapos ng pananakop ng mga Hapones noong Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang bansa ay naghayag ng kalayaan noong 1945, subalit ang Pransiya, sa ilalim ng pamununo ni De Gaulle ay muling inihayag ang pagkontrol sa bansa at noong 1950 lamang binigyang ng semi-autonomiya bilang kasamang estado (Associate State) sa loob ng Unyong Pranses. Ang Pransiya ay nanatiling de facto na namumuno sa bansa hanggang 1954, nang matamasa na ang buong kalayaan bilang isang monarkiyang konstitusyunal. Sa ilalim ng isang natatanging eksepyon sa Kumbensiyon sa Geneva, isang misyong pagsasanay pansandatahan ang itinuloy upang suportahan ang Sandatahang Royal ng Laos. Noong 1955, ang Kagawaran ng Depensa ng Estados Unidos ay binuo ang isang natatanging Tanggapang ng Pagsusuri Programs Evaluation Office upang palitang ang ang suportang Pranses sa Sandatahang Royal ng Lao laban sa komunistang Pathet Lao bilang bahagi ng polisiyang containment ng Estados Unidos.
Nadamay sa Digmaang Biyetnam ang Laos, at ang silangang bahagi ng bansa ay nilusob at sinakop ng Sandatahan ng Hilagang Biyetnam (NVA), kung saan ang mga teritoryong Lao ay ginamit bilang ruta ng mga suplay para sa digmaan laban sa Timog Biyetnam. Bilang pagtugon, ang Estados Unidos ay nagsimula sa kampanyang bombahin ang mga Taga-HilagangBiyetnam, at sinuportahan ang mga regular at iregular na pwersang laban sa komunista sa Laos, at sinuportahan ang paglusob sa Laos ng mga taga-Timog Vietnam. Ang resulta ng mga aksiyong ito ay ang mga serye ng kudeta at, ang pinakamalala ay ang Digmaang Sibil ng mga Lao sa pagitan ng Pamahalaang Royal ng mga Lao at sa komunistang Pathet Lao.
Mga administratibong dibisyon
baguhinAng Laos ay nahahati sa 17 na mga lalawigan (khoueng) at isang prepek (kampheng nakhon) na kasama ang Vientiane (Nakhon Louang Viangchan)
No. | Mga Subdibisyon | Kabisera | Lawak (km2) | Populasyon |
---|---|---|---|---|
1 | Attapeu | Attapeu (Distrito ng Samakkhixay) | 10,320 | 114,300 |
2 | Bokeo | Houayxay (Distrito ng Houayxay) | 6,196 | 149,700 |
3 | Bolikhamsai | Paksan (Distrito ng Paksane) | 14,863 | 214,900 |
4 | Champasak | Pakse (Distrito ng Pakse) | 15,415 | 575,600 |
5 | Houaphanh | Xam Neua (Distrito ng Xamneua) | 16,500 | 322,200 |
6 | Khammouane | Thakhek (Distrito ng Thakhek) | 16,315 | 358,800 |
7 | Luang Namtha | Luang Namtha (Distrito ng Namtha) | 9,325 | 150,100 |
8 | Luang Prabang | Luang Prabang (Distrito ng Luang Prabang) | 16,875 | 408,800 |
9 | Oudomxay | Muang Xay (Distrito ng Xay) | 15,370 | 275,300 |
10 | Phongsaly | Phongsali (Distrito ng Phongsaly) | 16,270 | 199,900 |
11 | Sainyabuli | Sayabouly (Distrito ng Xayabury) | 16,389 | 382,200 |
12 | Salavan | Salavan (Distrito ng Salavan) | 10,691 | 336,600 |
13 | Savannakhet | Savannakhet (Distrito ng Khanthabouly) | 21,774 | 721,500 |
14 | Sekong | Sekong (Distrito ng Lamarm) | 7,665 | 83,600 |
15 | Vientiane Prefecture | Vientiane (Distrito ng Chanthabouly) | 3,920 | 1,001,477 |
16 | Vientiane Province | Phonhong (Distrito ng Phonhong) | 15,927 | 373,700 |
17 | Xiengkhouang | Phonsavan (Distrito ng Pek) | 15,880 | 229,521 |
18 | Xaisomboun | Anouvong (Distrito ng Anouvong) | 8,300 | 82,000 |
Ang bansa ay hinahati pa sa mga distrito (muang).
Heograpiya
baguhinAng Laos ay isang walang baybaying bansa sa Timog Silangang Asya at ang magubat na lupain nito ay halos binubuo ng matatarik na kabundukan, ang pinakamataas sa mga ito ay ang Phou Bia sa taas na 2,817 m (9,242 talampakan), at mga kapatagan at talampas. Ang Ilog Mekong ay bumubuo sa malaking bahagi ng kanlurang hangganan nito sa Thailand, gayundin ang mga bulubundukin ng Annamite Chain na bumubuo sa silangang hangganan sa Vietnam.
Ang klima ay tropikal at maulan. Mayroong itong dalawang uri ng panahon ang tag-ulan mula Mayo hanggang Nobyembre, na sinundan ng tag-init na panahon mula Disyembre hanggang Abril. Ang mga lokal na tradisyon ay nagsasabi na may tatlong uri ng panahon (tag-ulan, tag-lamig, at tag-init) dahil ang dalawang huling mga buwan ayon sa klimatolohiya ay kapansin pansin na mas mainit kaysa sa mga naunang apat na buwan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Laos ay ang Vientiane, at ang iba pang mahahalang lungsod ay kinabibilangan ng Luang Prabang, Savannakhet at Pakxe.
Noong 1993, ang pamahalaan ay nagtakda ng 21% ng lupa ng bansa bilang National Biodiversity Conservation Areas (NBCA), na maaaring paunlaring bilang isang sistemang pambansang liwasan.
Ang Laos ay tahanan ng Tigreng Indotsino, ang higanteng gaur, at ang elepanteng Asyano. May ilang specie ng mga hayop ang natuklasan o muling natuklasan sa Laos noong mga nakalipas na taon. Ito ay kinabibilangan ng Annamite rabbit, ang saola, at ang pinakahuli ang ang Batong Daga ng Lao o Kha-nyou.
Pamahalaan at Politika
baguhinAng Laos ay isang solong partidong sosyalistang republika. Ang nag-iisang legal na partidong pampolitika ay ang Partidong Rebolusyunaryo ng mga Mamamayang Lao (LPRP). Ang pinuno ng estado ay si Pangulong Choummaly Sayasone, na siya ring kalihim-panglahat (pinuno) ng LPRP. Ang pinuno ng pamahalaan ay si Punong ministro Bouasone Bouphavanh. Ang mga alituntunin ng mga pamahalaan ay ginagawa ng partido sa pamamagitan ng makapangyarihang siyam na kasapi ng Politburo at ang 49 kasapi ng Kumiteng Sentral. Ang mga mahahalagang desisyon ng pamahalaan ay sinusuri ng Konseho ng mga Ministro.
Ang kauna-unahan, at nasa wikang pranses na konstitusyong pangmonarkiya ay inihayag noong 11 Mayo 1947 at naghayag ito bilang isang malayang estado sa loob ng Unyong Pranses. Ang binagong saligang batas ng 11 Mayo 1957 ang nagtanggal sa pagiging bahagi ng Unyong Pranses, subalit ang edukasyunal, pangkalusugan at mga teknikal na pakikiisa sa dating kapangyarihang kolonyal ay patuloy pa rin. Ang dokumento ng 1957 ay ibinasura noong 3 Disyembre 1975, nang ihayag Republikang Komunista ng Mamamayan. Isang bagong saligang batas ang ginamit noong 1991 at nagpanatili sa pamumuno ng LPRP. Sa sumunod na taon, isang halalan ang ginanap para sa bagong 85 pwesto para sa Pambansang Asambleya ng Laos na ihahalal sa pamamagitan ng isang lihim na balota para sa limang taong panunungkulan.
Ekonomiya
baguhinAng ekonomiya ng Laos ay labis na nakabatay sa mga pamumuhunan at kalakalan ng mga kalapit bansa nito gaya ng Thailand, Vietnam, at higit na sa hilaga, ang Tsina. Ang Pakxe ay nakaranas din ng mabilisna pag-unald bayat sa mga palitan ng kalakal sa hangganan ng Thailand at Vietnam.Karamihan sa bansa, ganunpaman, ay may labis na kakulangan imprastruktura. Ang Laos ay walang tren, maliban na lamang sa isang koneksiyong mula Vientiane patunong Thailand na nasa Tulay ng Pagkakaibagang Lao at Thai. Ang mga pangunahing lansangan na nagdudugtong sa mga pangunahing sentrong urban, partikular ang Ruta 13 Timog, ay kinakitaan ng pagpapaunlad noong mga nakalipas na mga taon, subalit ang mga barangay na malayo sa pangunahing mga lansangan ay mararating lamang sa daang lubak lubak. Mayroong limitadong panlabas at panloob na telekomunikasyon, partikuarl na ang mga linya ng telepono, subalit ang paggamit ng mga cellular phone ay laganap sa kalunsuran. Karamihan sa mga kanayunan ay hindi pa rin naaabot ng elektrisidad o kaya naman ay mayroon lamang limitadong panahon ng paggamit. Ang Songthaew o isang trak na may mga upuan ay ang ginagamit sa bansa para sa mga malalayong paglalakbay sa lalawigan at ito rin ang nagsisilbing pampublikong transportasyon ng bansa.
Relihiyon
baguhin67 % ng mga tao sa Laos ay nananalig sa Budhismo, 1.5% ay mga Kristiyano, at 31.5% ay nananalig sa ibang relihiyon o hindi nabanggit ayon sa sensus ng 2005.[7]
Posisyong Pang-Internasyunal
baguhinOrganisasyon | Survey | Ranggo |
---|---|---|
Heritage Foundation/The Wall Street Journal | Index of Economic Freedom | 149 out of 157 |
Reporters Without Borders | Worldwide Press Freedom Index | 156 out of 167 |
Transparency International | Corruption Perceptions Index | 163 out of 179 |
United Nations Development Programme | Human Development Index | 130 out of 177 |
Kultura
baguhinPara sa pinaka-bahagi, ang kakanyahan ng mga taong Lao ay tinukoy ng kanilang mga paniniwala sa Theravda Buddhism. Ang isang pangunahing katangian ng Theravada ay ang 'pagpapatahimik ng damdamin ng tao', na kung saan ay para sa malakas at malasakit damdamin upang makita bilang bawal sa Lao lipunan. Kamma Ang (karma), ay nakikita bilang tumutukoy na kadahilanan kung paano maglaro ang buhay ng isang tao, kaya't ang mga tao ay may posibilidad na maging mas lundo pagdating sa kanilang hinaharap. Ang isang parirala na karaniwan sa lipunan ng Lao ay 'ang labis na trabaho ay masama para sa iyo', at ang pag-iwas sa hindi kinakailangang stress ay itinuturing na isang pamantayan sa kultura. Bilang isang resulta, ang buhay sa Lao ay may kaugaliang mabuhay sa isang mas mabagal na tulin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Laos. CIA – The World Factbook. Cia.gov. Hinango noong 28 Hulyo 2018.
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangCIA
); $2 - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "World Economic Outlook Database, October 2024 Edition. (Laos)". International Monetary Fund. 20 Oktubre 2024. Nakuha noong 3 Nobyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gini Index". World Bank. Nakuha noong 2 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2014 Human Development Report Summary" (PDF). United Nations Development Programme. 2014. pp. 21–25. Nakuha noong 27 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ang Saligang Batas ng ASEAN" (PDF). Association of Southeast Asian Nations. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Enero 2018. Nakuha noong 10 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "the World Factbook". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-26. Nakuha noong 2009-01-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)