Pampublikong transportasyon
Ang pampublikong transportasyon ay isang sistema ng transportasyon para sa mga pasahero sa mga sistema ng panggrupong sakay na magagamit ng publiko hindi tulad ng pribadong transportasyon, karaniwang nakaiskedyul, pinapatakbo sa mga nakatakdang ruta, at maaaring maningil ng pamasahe para sa bawat biyahe.[1][2] Walang tiyak na kahulugan kung aling mga uri ng transportasyon ang kasama rito, at madalas na hindi itinuturing na kasama ang mga panlipad kagaya ng eroplano kapag tinatalakay ang pampublikong sasakyan—ginagamit ng mga diksiyonaryo ang mga salita tulad ng "mga bus, tren, atbp."[3] Kabilang sa mga halimbawa ng pampublikong sasakyan ang mga bus, trolebus, trambiya (o light rail) at pampasaherong tren, mabilisang paglulan (metro/subwey, atbp.) at mga lantsa. Kapag may biyahe patungo sa ibang lungsod, karaniwan ang pagsakay sa mga eroplano, bus, at tren. Binubuo ang mga kalambatan ng matuling daambakal sa maraming bahagi ng mundo.
Tumatakbo ang karamihan ng mga sistema ng pampublikong transportasyon sa mga nakatakdang ruta at nakatakdang punto ng sakayan at babaan sa nakaayos na talaorasan, at may agwatan sa pagpapatakbo ng mga pinakamadalas na serbisyo (hal.: "bawat 15 minuto" sa halip na nakaiskedyul sa tiyak na oras ng araw). Gayunpaman, sa karamihan ng biyahe sa pampublikong transportasyon, may iba pang kasamang paraan ng pagbiyahe, kagaya ng paglalakad o pagsasakay ng bus para makarating sa estasyon ng tren.[4] Nag-aalok ang mga siyertaksi, kagaya ng mga dyipni, ng serbisyong on-demand sa maraming bahagi ng mundo, na maaaring makiagaw sa mga nakapirming linya ng pampublikong transportasyon, o makatulong sa kanila, sa pagdadala ng mga pasahero sa mga sakayan. Minsan ginagamit ang paratransit sa mga lugar na may mababang demand at para sa mga taong nangangailangan ng serbisyong papinto-pinto.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "public transport" [pampublikong transportasyon]. English Oxford Living Dictionaries (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 31 Enero 2018. Nakuha noong 2018-01-30.
Mga bus, tren, at ibang anyo ng transportasyon na magagamit ng publiko, naniningil ng nakatakdang pamasahe, at tumatakbo sa mga nakatakdang ruta. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "public transport in British" [pampublikong transportasyon sa Britaniko]. Collins English Dictionary (sa wikang Ingles). HarperCollins. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2018. Nakuha noong 2018-01-30.
isang sistema ng mga bus, tren, atbp. na tumatakbo sa mga nakatakdang ruta, kung saan makakasakay ang publiko (isinalin mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Coronavirus (COVID-19): safer travel guidance for passengers - Walking, cycling, and travelling in vehicles or on public transport" [Coronavirus (COVID-19): gabay sa mas ligtas na biyahe para sa mga pasahero - Paglalakad, pagbibisikleta, at pagsasakay sa mga behikulo o sa pampublikong transportasyon]. UK Government (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Hulyo 2021.
Check with your transport operator: bus, coach, tram and ferry operators/National Rail/TfL
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McLeod, Sam (2017). "Urban Public Transport: Planning Principles and Emerging Practice" [Pampublikong Transportasyon sa Lungsod: Mga Prinsipyo sa Pagpaplano at Umuusbong na Kasanayan]. Journal of Planning Literature (sa wikang Ingles). 32 (3): 223–239. doi:10.1177/0885412217693570. S2CID 157431405.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PublicTransportation.org". www.publictransportation.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Abril 2011. Nakuha noong 15 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)