Bluey (palabas)
Ang Bluey ay isang animadong palabas na pambata sa Australia na unang ipinalabas sa ABC Kids noong Oktubre 1, 2018. Ang programa ay ginawa ni Joe Brumm at ng kumpanya sa Queensland na Ludo Studio. Ito ay kinomisyon ng Australian Broadcasting Corporation at ng British Broadcasting Corporation, kung saan hawak ng BBC Studios ang mga karapatan sa ibang lugar sa mundo. Ipinalabas ng serye sa iba pang mga bahagi ng mundo sa Disney Jr. sa Estados Unidos at sa Disney+.
Bluey | |
---|---|
Talaksan:Bluey logo.svg | |
Uri | Pambata |
Gumawa | Joe Brumm |
Isinulat ni/nina | Joe Brumm |
Direktor | Joe Brumm (series 1) Richard Jeffery (series 2–3) |
Boses ni/nina | David McCormack Melanie Zanetti |
Kompositor | Joff Bush |
Bansang pinagmulan | Australia |
Bilang ng season | 3 |
Bilang ng kabanata | 154 |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Michael Carrington (series 1) Libbie Doherty (series 2–3) Henrietta Hurford-Jones Charlie Aspinwall Daley Pearson |
Prodyuser | Sam Moor |
Oras ng pagpapalabas | 7 minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABC Kids |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 1 Oktubre 2018 kasalukuyan | –
Website | |
Opisyal |
Ang palabas ay tungkol kay Bluey Heeler, isang anim na taong gulang (pagkatapos pitong taong gulang)[1] na tuta na Blue Heeler (Australian Cattle Dog) na napakasigla, mapanlikha, at mausisa sa mundo. Ang batang aso ay nakatira kasama ang kanyang ama na si Bandit; ina na si Chilli; at nakababatang kapatid na babae na si Bingo. Sinasamahan nila si Bluey sa kanilang mga paglalakbay habang magkasama silang naglalaro ng mga malikhaing laro. Ang iba pang mga tauhan sa palabas ay ibang-ibang lahi ng aso. Nakatuon ang tema sa pamilya, paglaki, at ang kultura ng Australia. Ang programa ay nilikha sa Queensland; nagaganap ang palabas sa Brisbane. Ang mga nagboses ng mga batang tauhan ay ang mga anak ng production staff at sa gayon ay hindi ipinapakita o binibigyan ng kredito.
Ang Bluey ay may mataas na bilang ng mga manonood sa Australia sa parehong telebisyon at video-on-demand. Maraming paninda at isang palabas sa entablado na nagtatampok sa mga tauhan nito ang ginawa. Ang programa ay nanalo ng tatlong Logie Award para sa Most Outstanding Children's Program[2], isang International Emmy Kids Award noong 2019[3], at isang Peabody Award noong 2024[4]. Ang palabas ay pinuri ng mga kritiko ng telebisyon sa pagpapakita ng modernong pang-araw-araw na buhay ng pamilya, magandang mensahe ng pagiging magulang, at si Bandit bilang isang positibong halimbawa ng isang ama.[5]
Ipalabas ang una at ikalawang season ng Bluey sa TV5 Network sa wikang Filipino noong ika-29 ng Abril 2024, tuwing linggo ng 7:30 AM, Sabado at Linggo ng 8:00 AM sa TV5 Kids.[6] Natapos ito noong Setyembre 27, 2024.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Writer: Joe Brumm (4 December 2021). "Pass the Parcel". Bluey. Season 3. ABC Kids.
- ↑ https://tvtonight.com.au/2019/06/logie-awards-2019-winners.html
- ↑ https://tvtonight.com.au/2020/04/bluey-wins-international-emmy.html
- ↑ https://variety.com/2024/tv/news/peabody-awards-winners-kumail-nanjiani-the-bear-bluey-the-last-of-us-1235996798/
- ↑ https://www.usatoday.com/story/life/parenting/2019/10/21/bluey-disney-must-watch-kids-show-parents-love/4022776002/
- ↑ https://www.facebook.com/share/Fat9FfoNj8dapwDW