Bob Ong
Si Bob Ong ay isang kontemporaryong Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino. Ang Bob Ong ay kaniya lamang sagisag-panulat at walang nakaaalam ng kaniyang tunay na pagkakikilanlan, ayon sa kagustuhan ng tao (o ng mga tao) na nasa likod nito.
Bob Ong | |
---|---|
Kapanganakan | Hindi ipinaaalam at hindi nais ipaalam ng taong gumagamit ni Bob Ong ang kaniyang tunay na pangalan Kalakhang Maynila, Pilipinas |
Sagisag-panulat | Bob Ong |
Trabaho | Manunulat |
Nasyonalidad | Pilipino |
Kaurian | Katatawanan, Komentaryo, Politika, Kontemporaryo, Satirika, Katatakutan |
(Mga) nakaimpluwensiya
|
Punang Pangkritiko (Critical Reception)
baguhinMula sa isang kritiko :
" Biling-bili ng mga Pinoy ang mga akda ni Bob Ong dahil may halo mang pagpapatawa ang karamihan sa kanyang mga libro, ito ay prinisinta sa paraang nagrereplika pa rin ng kultura at gawing Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung kaya't ang kanyang mga naunang inilathalang libro - pati ang mga susunod pa, ay matuturing na ring totoong Pinoy classics."
Ang anim na aklat na kanyang inilathala ay may mahigit sa isa-ika-apat na milyong kopya sa kasalukuyan.
Ang website
baguhinAng sagisag panulat na “Bob Ong” ay nabuo noong mga panahon na ang manunulat ay nagtatrabaho bilang isang web developer at guro. Nilikha niya ang Bobong Pinoy website na kanyang inaatupag sa mga libre niyang oras. "Kahit nabilib," ayon kay Bob Ong, "marahil ay sinesante na ako ng boss ko kung nalaman niya na ako ang nasa likod ng paglikha ng website." Nabuo ang kanyang sagisag panulat nang may isang taong nakipag-ugnayan sa kanya sa pag-aakalang siya ay totoong taong nagngangalang Bob Ong. Ang site ay nakatanggap ng People's Choice Philippine Web Award for Weird or Humor noong 1998, ngunit ito ay isinara noong pinatalsik sa pwesto ang dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada matapos ang Second People Power Revolution.
Sagisag panulat
baguhinMadalas akalain na si Bob Ong at ang Filipino-Chinese na manunulat na si Charlson Ong ay iisa. Subalit, ayon sa nabanggit ni Bob Ong sa kanyang aklat na Stainless Longganisa, siya ay hindi talaga Filipino-Chinese. At hindi rin nya totoong apelyido ang "Ong." Ang apelyidong "Ong" ay nangmula lamang sa pangalan ng kanyang website na BobOng Pinoy. Inakala din noon na ang manunulat na si Paolo Manalo ay si Bob Ong, ngunit itinanggi niya ito. Ang mga aklat ni Bob Ong ay kadalasang nakakatawa kaya ang mga ito ay nakakaaliw at paboritong libangan ng mga mambabasa.
Isa pang haka-haka ang nagsasabi na ang tagatanggap ng parangal na Carlos Palanca Memorial para sa Panitikan na si Eros S. Atalia, nagtapos sa Philippine Normal University at ngayon ay nagtuturo sa University of Santo Tomas, ay si Bob Ong. Siya ay naglathala din ng dalawang aklat na may pamagat na "Peksman, Mamatay ka Man Nagsisinungaling Ako" at "Lapit na me, Ligo na u". Ang paraan ng pagsusulat ni Atalia ay maihahantulad sa paraan ng pagsusulat ni Bob Ong.
Inilathalang Akda
baguhinTaon | Titulo ng Aklat |
---|---|
2001 | ABNKKBSNPLAko?! |
2002 | Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? |
2003 | Ang Paboritong Libro ni Hudas |
2004 | Alamat ng Gubat |
2005 | Stainless Longganisa |
2007 | Macarthur |
2009 | Kapitan Sino |
2010 | Ang mga Kaibigan ni Mama Susan |
2011 | Lumayo ka nga sa Akin |
2014 | Si |
2018 | 56 |