Paghuhubog ng katawan

(Idinirekta mula sa Bodybuilder)

Ang body building o paghuhubog ng katawan ay isang uri ng modipikasyon o pagbabago ng katawan na kinasasangkutan ng lubos o matinding paglaki ng mga masel. Tinatawag na body builder[* 1] ang isang taong nakikilahok sa ganitong gawain. Sa larangan ng paligsahan ng paghuhubog sa katawan, ipinapakita ng mga naghuhubog ng katawan ang hitsura ng kanilang mga katawan sa harap ng isang lupon ng mga hurado na nagtatakda ng mga puntos batay sa kaanyuan. Inililitaw ang mga muskulo sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagkawala o kawalan ng taba, pagkakaroon ng langis, at pagkukulay-kayumanggi ng balat sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw o paggamit ng mga losyong pampakayumanggi ng balat na kapag iniharap sa liwanag ay nakapagpapainam ng paglalarawan ng mga pangkat ng masel. Kabilang sa mga tanyag na tagagpaghubog ng katawan sina Arnold Schwarzenegger, Lou Ferrigno, at Charles Atlas. Sa kasalukuyan, si Dexter Jackson ang may tangan ng pamagat na Mr. Olympia, bilang pangunahing manghuhubog ng katawan sa daigdig.[1]

Si František Huf, isang kalahok sa pangdalubhasang paghuhubog ng katawan.
Mga kababaihang kasali sa patimpalak ng paghuhubog ng katawan.

Mga maling gawain habang naghuhubog ng katawan

baguhin

Mayroong pitong mga kamalian na makakaapekto sa pagpapalaki at paghuhubog ng mga masel ng katawan. Kabilang dito ang mga sumusunod:[2]

  • Pag-iwas o pagbabale-wala sa mga basiko o payak na mga ehersisyo, o pagtutuon lamang ng mga ehersisyong tumutuon lamang sa partikular na mga masel.
  • Napakadalas na paglalaro ng mga larong pang-isports na nakakapigil sa palaki ng mga masel. Karaniwang nangangailangan ang mga masel ng pahingang tumatagal ng 48 na mga oras. Ang dagdag na aktibidad ay nakakakonsumo rin ng sobrang mga kaloriya na gumaganap bilang panggatong, sa halip na muling pagbubuo ng masel.
  • Paninigarilyo at pag-inom ng alak.
  • Kagutuman. Kailangang kumain pagkatapos mag-ehersisyo.
  • Kulang na pagtulog.
  • Pag-inom ng matatamis na mga soda o maasukal na mga sopdrinks. Nalilinlang ng mga ito ang katawan sapagkat nakasasanhi sila ng damdamin ng kabusugan kaya't nagdurulot ng pag-iwas ng taong nag-ehersisyo na kumain ng mga pagkain mas masinsin ang nutrisyon at may mga asidong amino na nakabubuo ng mga masel. Mas mainam pang uminom ng tubig o mga inuming pampalakasan na may mababang antas ng asukal. Dapat na maiwasan din ang mga pinatuyong mga prutas, ilang mga kending hugis kuwadrado na sinasabing "pangnutrisyon," at pati na ketsup.
  • Pagkauhaw. Kailangang uminom ang nag-eehersisyo ng 10 basong tubig bawat araw habang hinahati ang pagkonsumo ng protina sa lima o anim na hati o maliliit na pagkain (20 hanggang 30 mga gramo) sa loob ng kahabaan ng isang araw. Nakatutulong ang pagkain ng bandang isang gramong protina para sa bawat 2.2 libra ng bigat o timbang ng katawan sa masiglang lalaki, sapagkat nakatutulong ito sa pagbubuo ng masel. Nangangailangan ang katawan ng naghuhubog ng katawan ng maraming tubig sapagkat bahagyang nakapag-iihi ang pagkaing may mataas na protina. Kapag ginamit ng katawan ang protina bilang panggatong o pang-enerhiya, kailangang tanggalin ng katawan ang bahagi nitroheno ng molekula upang maging glukosa ito.

Talababa

baguhin
  1. maari ring gamitin ang mga sumusunod: naghuhubog ng katawan, manghuhubog ng katawan, tagahubog ng katawan, o tagapaghubog ng katawan

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jax Native is World's Top Bodybuilder, FirstCoastNews.com
  2. Murphy, Myatt, 7 Muscle-Building Mistakes to Avoid[patay na link], Men's Health, menshealth.com

Mga kawing na panlabas

baguhin
  • Mga ehersisyo Naka-arkibo 2010-01-10 sa Wayback Machine. mula sa bodybuilding.com, pasadahan, piliin, at pindutin ang mga pangalan ng masel upang mapuntahan ang tala ng mga ehersisyo. May mga panlalaki at mayroong para sa mga babae.