Ang Bongor (Arabe: بونقور‎) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Mayo-Kebbi Est. Matatagpuan ito sa silangang pampang ng Ilog Logone. Tuwing tag-ulan (mula Mayo hanggang Setyembre), malalayagan ang Logone sa pagitan ng Bongor at N'Djamena na kabisera ng Chad. Ang populasyon ay 29,268 katao noong 2008.

Bongor

بونقور
Bongor is located in Chad
Bongor
Bongor
Kinaroroonan sa Chad
Mga koordinado: 10°16′50″N 15°22′20″E / 10.28056°N 15.37222°E / 10.28056; 15.37222
Bansa Chad
RehiyonMayo-Kebbi Est
DepartmentoMayo-Boneye
Sub-PrepekturaBongor
Taas
1,033 tal (315 m)
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan30,518
Sona ng oras+1

Ang Bongor ay may masiglang gitnang liwasan na pampamilihan, isang paliparan IATA: OGRICAO: FTTB, isang tanggapan ng koreo, isang pagamutan, at tanggapang pampangasiwaan para sa prepektura ng Mayo-Kebbi. Mayroon din isang otel sa pampang ng Logone. Ang mga pangunahing mabíling pananim (mga pananim na mapagkikitaan) sa rehiyon ay kapok at palay. Ang pangunahing araw ng tiyangge ay Lunes at dumaragsa ang mga tao mula sa buong rehiyon para sa lingguhang pamilihan.

Ang lungsod ay naging isang mahalagang sentro ng edukasyong mataas mula noong panahong kolonyal. Matatagpuan sa lungsod ang Lycée Jacques Modeina kung saan minsang naging mga mag-aaral nito ang mga panghinaharap na pinuno ng mga bansang naging malaya kasunod ng pagbuwag ng kolonya ng French Equatorial Africa.

Ang Bongor ay bahagi ng Alemang Cameroon hanggang sa isang kasunduan noong 1911 sa pagitan ng mga Aleman at mga Pranses. Itinatag noong 1904 ng Alemang opisyal ng kolonya na si Herbert Kund ang isang estasyong militar na pagsisimula ng makabagong kasaysayan ng lungsod.

Datos ng klima para sa Bongor
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 34
(93)
36
(96)
39
(103)
42
(107)
40
(104)
38
(100)
34
(93)
31
(88)
33
(92)
37
(98)
37
(98)
34
(94)
36
(97)
Katamtamang baba °S (°P) 14
(57)
16
(60)
19
(67)
23
(74)
25
(77)
24
(75)
23
(73)
22
(72)
22
(72)
22
(71)
17
(63)
15
(59)
20.2
(68.3)
Sanggunian: Weatherbase [1]

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1988 19,900—    
1993 20,448+2.8%
2008 29,268+43.1%
2010 30,518+4.3%
Reperensiya: [2]

Ang pangunahing katutubong pangkat sa lungsod ay ang mga Masa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Weatherbase: Historical Weather for Bongor, Chad". Weatherbase. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-24. Nakuha noong 2019-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Retrieved on November 24, 2011.
  2. World Gazetteer: Chad Naka-arkibo 2011-05-23 sa Wayback Machine.