Johannes Brahms

(Idinirekta mula sa Brahms)

Si Johannes Brahms (7 Mayo 1833 - 3 Abril 1897) ay isang tanyag na kompositor na Aleman. Nagsimula siya bilang isang piyanista. Palagi siyang labis na mapagsuri ng sarili at winawasak niya ang anumang komposisyon na iniisip niyang hindi talaga mahusay ang pagkakagawa. Inisip niya na umaasa ang mga tao na siya ang "susunod na Beethoven", ang ginugol niya ang maraming mga taon sa kaniyang unang simponiya bago niya pinayagan itong itanghal. Nagsulat siya ng apat na mga simponiya, apat na mga konsiyerto, isang rekiyem, musikang pampiyano, musikang pangkamara at mga awit. Marahil ang kaniyang pinaka nakikilalang tono ay ang kaniyang Wiegenlied ("awit na pangkuna"), na madalas tawagin bilang "Hele ni Brahm" o "Kantang pampatulog ni Brahm," na ginagamit sa loob ng maraming mga kahong tumutunog na pambata.

Si Johannes Brahms.

Musika

baguhin

Maraming nilkhang obra si Brahms lalong-lalo na sa tugtuging orkestral. Kabilang dito ang dalawang harana, apat na simponiya, dalawang konserto para sa piyano, isang konserto para biyulin, isang dobleng konserto para sa biyulin at cello,at dalawahang kasalong orkestral na mga overture. Ang dalawang overture na ito ay ang Academic Festival Overture at ang kanyang Tragic Overture.[1]

Isang perpeksyonista si Brahms pagdating sa kanyang mga tugtugin. Mas pipiliin niya pang sunugin ang mga musikang kanyang nilikha, kung saan hindi ito angkop sa kanyang antas ng panlasa. Ang kanyang perpeksyonismo ay marahil nagmula mula sa mga ekspektasyon ng kanyang mga tagapakinig at kapwang mga musikero tulad ni Robert Schumann. Dahil sinabi ni Schumann na si Brahms ang "susunod na Beethoven", ninais ni Brahms na tuparin ang ekspektasyong ito.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Johannes Brahms". www1.lasalle.edu. Nakuha noong 2024-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.